Chapter 20

335 8 0
                                    

Chapter 20:

Ianne's POV

"our lesson for today is .. blah.. blah.. blah.." ayan na naman ang nakakaantok na lesson ni Prof. Bojaue. Waaaahh!! Ayoko na!!!

Pinipilit kong idilat yung mga mata ko kahit na gustong-gusto nang pumikit. Nakakainis naman kasi yung prof na to eh. Gusto lahat ng atensyon nasa kanya eh nakakaantok siyang magturo. Sana naman kahit konti gawin niya alive ang pagtuturo niya!

Lumipas ang isa't kalahating oras na wala akong naintindihan sa lesson niya. Kahit mga classmate ko, halatang wala ring naintindihan. Papikit-pikit din sila eh.

Sabay kami ni Allianah na pumasok sa next subject. Siyempre, magka-klase kami sa lahat ng subject. Umupo na kami sa designated seat namin. Hindi kami magkatabi ni Allianah dahil sa letter R nagsisimula ang surname niya, ako naman letter F.

Habang nagle-lesson si prof. Casimiro, biglang nag-tilian ang mga classmate ko na babae at binabae. Napansin ko na nakatingin sila sa pinto.

"class, what's happening?" takang tanong ni prof. Casimiro.

"SIIIIRRR! ANG 5 PRINCE NASA LABAS!! KYAAAAH!"

Napatingin naman ako sa may pinto and guess what? Nandun nga ang 5 Prince!

"what do you need misters?" tanong ni prof kahit na nagkakagulo na ang mga studyante. May nagsasabunutan pa nga eh.

"sir, can I excuse Miss Fernandez?" nanlaki naman ang mga mata ko dun. Yung mga classmate ko, tumigil sa pag-aaway at biglang tumingin ng masama sakin. Lalo na yung mga babae...

"sure Mr. Nordstron. Miss Fernandez you may go" sabay tingin sakin ni prof Casimiro. Di ako tumayo. Ayoko nga! Baka pagbalik ko dito, balatan ako ng buhay ng mga classmate ko.

"Ianne, tumayo ka na dyan" pero di ko pa rin siya pinakinggan.

"tumayo ka na dyan!" bahala ka. Manigas ka dyan. Di ako tumitingin sa kanya.

"hoy!" lalalala.. wala akong naririnig...

Nagulat ako nang may biglang humila sa braso ko patayo. Pag-angat ko ng ulo..

"di ba sabi ko sayo tumayo ka dyan?" hindi na ako sumagot at nagpumiglas pa. Kinuha ko ang bag ko gamit ang free hand ko pagkatapos ay nagpahila na lang ako sa kanya. Bago kami tuluyang makalabas, sumulyap ako sa mga classmate ko at

*GULP*

Ang sama ng tingin nila sakin.

Pumunta kami sa parking lot ng campus. Di ko alam kung anong gagawin ko---I mean namin dito. Pagkatapos ay pumunta kami sa part kung saan nakaparada ang mga motor.

Pumunta sila sa sari-sarili nilang motor. Teka? Wala akong motor. Bike lang ang meron ako at nasa kabilang side pa yun. Anong gagawin ko dito?

"sakay" utos ni Xandre. Sumunod naman ako. Remember, personal maid niya ako. Binigay niya sakin yung isang helmet at sinuot ko naman ito.

"oh" sabay bigay niya sakin ng jacket niya.

"anong gagawin ko dito?"

"itali mo sa beywang mo. Para matakpan yung dapat takpan nang di ka masilipan" napatingin naman ako sa sinasabi niya. Oo nga, kailangan ko to. naka-skirt kasi kami pero di naman sobrang mini. 2 inches above the knee lang.

Ginawa ko na lang ang utos ni Xandre. Pagkatapos ay humarurot na yung motor.

"di ka ba natatakot?" tanong sakin ni Xandre habang nasa biyahe kami. Kasabay namin yung apat niya pang tropa.

"hindi. Bakit?" nakahawak kasi ako dun sa may parang hawakan sa likod ng motor. Yung medyo naka-usli.

"mabilis na yung takbo natin eh" pansin ko nga yun. Mabilis silang magpatakbo ng motor. Pero di ako natatakot.

"bakit? May ine-expect ka ba?"

"wala" tss.. wala naman pala eh. Maya-maya rin ay nakarating din kami sa mall.

Xandre's POV

"pare, pansin ko lang.. Parang hindi natatakot si Ianne kanina" saad ni Aaron. Naunang pumasok si Ianne sa mall.

"oo nga pre! Ang bilis na ng takbo natin pero siya, parang wala lang sa kanya!" dagdag pa ni Kevin.

"hindi man lang kumapit sayo Xandre!" Adrian.

"ibang klase!" Win.

Naglalakad kami ngayon sa loob ng mall. As usual, pinagtitinginan na naman kami. Kahit saan naman kami magpunta, eh pinagtitinginan kami eh.

Nagtataka nga rin ako kung bakit hindi man lang natakot si Ianne sa bilis ng pagpapaandar ko. Kadalasan kasi kapag ganung kabilis na yung andar ng motor, natural na matatakot yung mga katulad niya lalo pa't babae siya. Imposible namang may sarili silang motor dahil mahirap lang sila. Di nila afford bumili nun kaya nakakapag-taka talaga...

Pumasok kami sa isang botique. Bibilhan ko kasi ng dress si Xandy. Ewan ko kung saan niya gagamitin. Sabi ko nga sa kanya, magpagawa na lang siya pero ayaw niya, bumili na lang daw. Ewan ko dun.

"Xandre, ba't pumasok tayo dito? Don't tell me..."

"hoy Ianne, kung ano man yang iniisip mo, di yan totoo" Adrian sabay akbay kay Ianne. Inalis naman ni Ianne ang pagkaka-akbay sa kanya ni Adrian.

"umayos ka nga Adrian! Sipain kita dyan eh!" pananakot ni Ianne.

"pero Xandre.. anong gagawin natin dito?" tanong niya ulit.

"bibili ng dress para kay Xandy. Tutulungan mo akong mamili ng dress. Magkasing-edad at tingin ko.. magkasing-katawan lang kayo nun"

"ahh.. okay" at nagsimula na siyang maghanap-hanap ng dress.

Habang naghahanap ng dress si Ianne, nag-usap-usap muna kaming magbabarkada. Kung ano-ano lang pinag-uusapan namin para iwas bored.

Maya-maya pa'y lumapit samin si Ianne hawak ang color green na dress.

"ito oh! Maganda! Sinukat ko na rin kasi sabi mo magkasing-katawan lang kami. Okay naman to. Babagay sa kanya." Kinuha ko na ang dress pagkatapos ay binayaran. Yung cashier naman, makatitig sakin wagas!

"what are you looking at?" cold kong tanong. Mukhang nabigla naman ang cashier.

"a-ah.. s-sorry sir.." pagpapaumanhin niya.

"tss.." sambit ko na lang.

Pagkatapos kong bayaran ang pinamili namin, dumeretso na kami sa parking lot at sumakay sakanya-kanya naming motor. And as usual, hindi na naman kumapit sakin si Ianne. Ianne... she's really something...

The CommonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon