Chapter 35

298 7 1
                                    

Chapter 35:

Ianne's POV

"akin na yun dali!"

"Ianne kunin mo yun!"

"Ianne! Gawin mo to!"

"Ianne! Tulungan mo nga ko!"

Grabe naman sila! Walang pakundangan sa pag-uutos sakin. First week of August na at kung napapansin niyo, ang daming nang-uutos sakin. Nagpe-prepare kasi kami for the Acquaintance party na magaganap next week kaya ito kami, todo ayos sa stage dahil ito ang natoka sa section namin.

"Ianne! Ikaw nga dito!" sabi nung isa kong classmate.

"andyan na!" at binigay niya sakin yung pieces of papers na gugupitin ko.

"Ianne, ikaw nga bumili nito" sabi nung isa ko pang kaklase at binigay sakin ang listahan ng mga bibilhin.

"Ianne!"

"Ianne!"

"Ianne!"

"aaaaaayyyyy! Leche! Kayo gumawa niyan! Makaalis na nga!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at naisigaw ko sa kanila yun. Nakakainis naman kasi! May kamay at paa naman sila. Bakit ba sila utos ng utos? Tsk!!

"nagrereklamo pa!"

"commoner na nga lang. Pasalamat siya at pinapansin pa siya" sabay roll eyes sakin nung classmate ko.

Imbes na makipagtalo pa sa kanila, mas minabuti kong umalis na lang dun at pumunta sa locker room. Magpapalit ako ng damit dahil sobrang basa na ng uniform ko. 

Pagkatapos kong magpalit ay lumabas na rin ako ng locker room at umuwi sa condo ni young master Xandre. Gusto kong magpahinga. Utos dito, utos dun ang nangyari sa buong araw ko. Waaahh... Nakakapagod!

Kinabukasan...

"Ianne sumama ka sakin" bungad sakin ni youngmaster pagkapasok ko ng kusina. As usual, may nakahanda nang almusal. Alam naman niya kasing di ako marunong magluto. Hanggang saing at prito lang ako.

"eh? Bakit?" tanong ko pagkaupo ko sa tapat ng mesa.

"basta! Bilisan mo na lang kumain tapos mag-ayos ka na." Kung ano yung sinabi niya eh sinunod ko na lang. Wala ako sa mood makipag-argue sa kanya. Ya' know, morning na morning.

So yun nga, kung anong inutos niya sakin eh sinunod ko na lang. Kumain at nag-ayos ako. Simple shirt and maong pants with matching rubber shoes ang suot ko. Hindi kasi talaga ako sanay mag-suot ng short pag lalabas.

"ready na ko Xandre" sabi ko pagkalabas ko ng kwarto. Nasa sofa kasi siya nakaupo. 

"yung cellphone mo, dala mo?"

"ay oo nga pala" pagkatapos ay dali-dali akong bumalik sa kwarto ko at tsaka kinuha ang cellphone. Naku! Kamuntikan lang maiwan. Buti na lang at pinaalala sakin ni Xandre. Thanks to him.

Lumabas na ako ng kwarto ko pagkatapos ay sabay na kami ni Xandre pumunta sa parking lot.

***

"Nasan tayo?!?" tanong ko pagkababa ng motor niya.

"sa bahay ni Kevin" ows? Talaga? Infairness, malaki rin. Mala-mansyon. Pero mas malaki yung kila Xandre. Mansyon na kasi yun.

Pumasok na kami sa mala-mansyong bahay ni Kevin. Infairness, maganda talaga dito.

"Ianne!" nagulat ako nang may biglang sumigaw sa pangalan ko. Hinanap ng piningin ko ang taong yun at iyon ay walang iba kundi si... Luchie?! Eh? Bakit siya nandito? Nangunot ang noo ko. Nakakapagtaka naman kasi.

The CommonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon