Chapter 62

229 5 0
                                    

Chapter 62:

Ianne's POV

February 14.

I hate this day.

Puro couples na lang ang nakikita ko dito sa campus. Ako lang ata ang single eh! Waaaaahhh! Kainis! Bakit kasi---waaaahhh! Ayoko na~

Ngayon, alam ko na ang feeling ng mga naging single dahil sa break up. Mas gusto kong matulog sa bahay kesa makakita ng mga couples na sweet sa isat-isa. Grrr... Walang forever!

Sa paglalakad ko, nakasalubong ko si Allianah with his boyfriend, Win. Nginitian lang nila ako. Ngumiti lang ako sa kanila pabalik. Maya-maya, si Luchie naman tsaka si Kevin na nagsusubuan pa ng ice cream. Mukhang di nila ako nakita. Napadaan ako sa isang booth kung saan may nagbebenta ng couple shirt at dun ko naman nakita si bespreng tsaka si kuya na nagtitingin ng couple shirt. May plano ata silang bumili. Pumunta ako ng cafeteria para sana bumili ng choco chum ang kaso wala silang bentang ganun at nakita ko naman sa isang table sina Alliyah at Aaron na nagsusubuan ng spaghetti. Tawa pa sila ng tawa. Ugh. Kainis. Lumabas na lang ako ng cafeteria. Pupuntahan ko sana si Maan dahil alam kong wala pa siyang lovelife pero ngayon, mukhang meron na. Sumilip kasi ako sa room nila at nakita ko siyang kayakap si Adrian. May hawak pa si Maan na bulaklak. Mukhang sinagot na ni Maan si Adrian sa panliligaw nito sa kanya. Balita ko kasi, dalawang buwan nang nanliligaw si Adrian sa kanya. Ngayon nga siguro ang araw na sinagot na siya ni Maan.

Hindi na ko nagpakita kay Maan. Baka masira ko pa ang moment nila. Dumiretso na lang ako sa secret garden. Gusto kong mapag-isa. Ayokong makihalubilo sa mga couples dyan. Mabwiset lang nila ko. Tch!

Oo na! Ako na bitter

Nasa secret garden na ko ngayon. Naisipan kong tumambay na lang doon sa tree house. Matutulog na lang siguro ako. Yun rin naman ang plano kong gawin sa bahay di ba?

Nagsimula na kong umakyat. Nang malapit na ko ay may parang narinig ako na nag-uusap. Nakaka-curious. Di ako tumuloy sa taas. Medyo nagtago lang ako at nakinig sa usapan nila. Sorry naman, curious lang.

"Baby, I love you.." rinig kong sabi ng babae.

"I know.." parang.. parang familiar yung voice niya..

"Mahal mo pa ba siya?" boses ng babae ulit.

"sino? Si Ianne? Tss.. Di na noh. Matagal na kong nakapag-move on sa kanya." Parang may kumirot sa puso ko nang marinig ko yan. Hindi ako pwedeng magkamali.

Sumilip lang ako ng konti. Yung tipong pasimpleng silip at di nga ako nagkamali. Tama ang hinala ko. Si Xandre nga kasama niya si Rebecca. Nakaakbay si Xandre sa kanya tapos si Rebecca naman, napatong ang ulo sa balikat ni Xandre! Naku! Nakakagigil! Parang gusto kong balian ng leeg si Rebecca!

Nagtago na ulit ako nang makumpirma kong sila nga ang tao dun. Baka mahuli kasi nila ko. Mahirap na.

"Talaga? Very good. Anong nararamdaman mo kay Ianne ngayon?"

"Galit. Galit at pagkamuhi. Gusto kong paghigantihan ang pagkamatay ng mommy ko. Buhay ang kinuha niya. Buhay din ang kapalit."

Napatakip ako ng bibig sa narinig ko. Ibig sabihin ba nun... balak akong patayin ni Xandre?? Bigla akong nakaramdam ng takot. Takot sa sarili ko at takot sa kahihinatnan niya kung sakaling gawin nga niya yun.

"Don't worry, baby. I'll help you. Happy Valentines, baby.."

Sumilip akong muli pero sana di ko na lang ginawa. Naghahalikan na naman sila. Ang sakit. Masokista siguro akong maitatawag kasi.. sinaksaktan ko na ang sarili ko. Nakikita ko na, di ko pa magawang umalis. Nakakaasar!

The CommonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon