Chapter 34

315 6 3
                                    

Chapter 34:

Ianne's POV

"Ianne!" salubong sakin ni bessy. "Kumusta ka na? Isang linggo tayong di nagkita"

Yeah. Isang linggo akong absent dahil nilagnat ako. Peste kasi si Xandre. Pero thanks to him. Inalagaan niya ko for one week.

"don't worry. Buhay pa ko. Hahaha!" 

Maya-maya ay biglang dumating si kuya Enzo.

"kuya!" I waved at him. Ngumiti naman siya at tsaka patakbong pumunta sa pwesto namin.

"baby bunso!" sabi niya at tsaka niya ko niyakap. "Kumusta na? Okay na ba pakiramdam mo?"

Kumalas ako sa pagyakap kay kuya at tsaka tumango.

"buti naman" pagkatapos ay ginulo niya ang buhok ko. Kuya naman eh!

"uy, Rose" nagulat naman ako. Kilala ni kuya si Rose?

"a-ah.. h-hi..." bakit nauutal si bessy? Tsaka yung pisngi niya... namumula... Di kaya..

"sige, pasok na ko. Baby bunso, ingat ka" sabi niya at tsaka ako hinalikan sa pisngi. Kumaway pa siya habang patakbong pumupunta sa building nila.

Nabaling ang tingin ko kay Rose na hanggang ngayon ay namumula pa rin ang pisngi.

"uy, Rose" at siniko-siko ko pa siya.

"bakit?"

"may gusto ka sa kuya ko noh?" bigla naman siya namula sa tanong ko.

"hindi ko siya gusto" eh? Hindi daw? Baka...

"mahal mo ang kuya ko?" lalo siyang namula sa sinabi ko pagkatapos ay tumango-tango. Waaaaahhhh!!! Confirmed! Inlove ang bespreng ko!

Rose's POV

Nabisto na ko ni bespreng Ianne. Alam na niyang may gusto ako sa kuya niya. 

Sa totoo lang, matagal na kong interesado sa kuya ni Ianne. First year college ako nun nung una kong makita si Enzo. Nakasalubong ko siya sa hallway ng building namin. Nung una ko siyang makita,nagka-crush na ako sa kanya. Tinatanong ko pa nga ang mga classmate ko kung kilala ba nila yung lalaki na laging kong nakakasalubong sa hallway. Tapos inexplain ko sa kanila yung itsura nung lalaki at dun ko nalaman ang pangalan niya. Lorenzo Fernandez, 2nd year Engineering student, commoner. Tuwang-tuwa ako nun kasi pareho kami ng course na kinuha. Simula nung malaman ko ang pangalan niya, lagi na lang siya ang tumatakbo sa utak ko.

Nung mabalitaan ko nga na may commoner na naman na papasok dito sa university, eh wala naman akong naging reaksyon. Masyado kasi ang mga estudyante dito sa campus. Makarinig lang ng commoner, eh diring-diri na sila except kay Enzo kasi nga siya yung SSC President. Bukod pa dun, gwapo siya at kaibigan niya yung 5 Prince.

Kumalat na rin yung pangalan ng bagong commoner na papasok dito sa campus. Shanelle Ianne Fernandez ang pangalan. Nung marinig ko yung surname niya na 'Fernandez', may thought na pumasok sa isip ko. Di kaya kapatid siya ni Renzo?

Dumating yung araw na hinahabol si Ianne ng fansclub ng 5 Prince. Mukhang kailangan niya ng tulong. Nagtago ako sa may gilid na malapit sa building ng music room. Bigla ko siyang hinila nang matapat siya sa pinagtataguan ko. Pagkatapos ay tumakbo kami hanggang sa makapasok kami sa music room. Mukhang natunugan kami ng mga fans ng 5 Prince kaya dumiretso pa kami sa Nordstron's Private Room. Alam kong bawal pero wala na kaming choice. Dun ako nagpakilala sa kanya at idineclare ko na mag-bestfriend na kami. Dun din kami nahuli ni Xandre kaya personal maid niya si Ianne ngayon.

Ang totoo kasi niyan, kaya ako nakipag-kaibigan kay Ianne kasi para mapalapit ako kay Enzo. Yun lang, wala nang iba. Pero nag-iba yun dahil nung nakasama ko si Ianne, sa kanya ko nahanap ang isang tunay na kaibigan. Napapasaya niya ko. Hindi siya nagte-take advantage sa mga mayayaman. She's just the ordinary Ianne that I know.

Nung mabalitaan ko na nasa clinic daw si Ianne, walang ano-ano akong lumabas ng classroom. Kahit na alam kong may klase pa kami, eh hindi ako nagdalawang-isip na puntahan si Ianne sa clinic. Pagdating ko dun, napanganga ako. Kasi naman.. yung 5 Prince nandito. May kasama pa silang 4 babae. Nagpakilala naman sila sakin. Si Allianah at Alliyah ang kambal. Medyo nalilito nga ako sa pangalan nila kasi halos magkatunog eh. Si Maan yung may maldita look. Mga pinsan daw silang tatlo nila Ianne. Yung isa naman, si Luchie. Fiancee ni Kevin at childhood friend nila Ianne. 

Maya-maya ay dumating yung lalaking pinapangarap ko. Si Enzo. Alalang-alala pa ang itsura niya. 

"si Ianne!" tapos ay dumiretso siya sa clinic bed kung saan nakahiga ngayon si Ianne. Pumunta rin ako dun at awang-awa ako sa nakita ko. Si Ianne... may benda sa ulo. Pinagbabato daw siya ng mga studyante dito dahil yung 3R ay may nilagay na note na dinikit nila sa backpack ni Ianne and because of that, pinagbabato siya. Kwento sakin ni Luchie yan.

Tumingin ako kay Enzo at ganun pa rin ang ekspresyon ng mukha niya. Alalang-alala.

Iniwan muna namin si Ianne sa clinic bed. Hahayaan muna namin siyang magpahinga.

"sino ka pala?" my heart skipped a beat nang tanungin niya ko. Feeling ko matutunaw ako.

"a-a-ako?" sabay turo ko sa sarili ko. Tanga ka talaga Rose. Sayo nga siya nakatingin kaya malamang sayo siya nagtatanong!

"oo"

"ako si Rose. Bestfriend ni Ianne" sabay offer ko ng kamay.

"ikaw pala yung kinukwento sakin ni Ianne na bestfriend niya daw. Enzo nga pala. Nice meeting you" sabi niya sabay tanggap sa kamay ko at nagshakehands kami. Wow. Mahawakan ko pa lang ang kamay niya heaven na!

"tama nga si Ianne. Maganda ka nga" namula ako sa sinabi niya. Sinabi niya ba talagang maganda ako? Waaaahh! Thanks Ianne! I love you talaga! 

*Lub.Dub.Lub.Dub.*

What was that? Wala naman to dati eh...

Nakatitig lang ako sa mga mata ni Renzo.

*Lub Dub.Lub.Dub.*

Di kaya...

Inlove na ko kay Enzo??

"tara kwentuhan muna tayo habang di pa nagigising si Ianne" sabi niya pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko at hinila papunta sa upuan.

*Lub.Dub.Lub.Dub.*

Confirmed! Inlove nga ko!

The CommonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon