Chapter 31

305 6 1
                                    

Chapter 31: Rivalry

Allianah's POV

"Kyaaaaahhh!!!" kinikilig talaga ako! Umamin na sakin si crush! May gusto rin siya sakin. 

Kasalukuyan kong ka-chat si Win. Yeah, si Win nga. Umamin na siya sakin na may gusto siya sakin. My Ghaaaaaadd! Alam mo yung di ka mapakali? Yun yung nararamdaman ko ngayon. Gusto kong ipagsigawan na may gusto rin siya sakin kaso baka makaistorbo pa ko ng kapitbahay kaya wag na lang.

Nung umamin siya sakin eh magpapakipot pa ba ako? Siyempre inamin ko na rin na may gusto ako sa kanya. Di na uso ang pakipot noh! Baka unahan ako ng iba kay Win my loves.

Lumabas ako ng kwarto ko para puntahan si twinny sa kwarto niya. Ibabalita ko sa kanya yung pag-amin ni Win sakin. Nangako kasi kami sa isa't isa na dapat wala kaming isesekreto sa isa't isa.

Hindi pa ako nakakalayo sa kwarto ko nang masalubong ko si twinny.

"TWINNY!!!" we said in chorus. Mukhang ang saya-saya ni twinny ngayon ah!

"may good news ako sayo!" sabay na naman naming sabi. Kambal talaga kami.

"ako muna twinny, di na to makakapaghintay!" excited na sabi niya.

"okay. What is it?" excited ko ding tanong.

"umamin na sakin si Win na may gusto siya sakin!" my smile faded nang marinig ko ang sinabi niya. Si Win? Umamin? Parang may kung anong tumusok sa puso ko. May gusto si Win sa kanya?

"ikaw twinny, anong balita ba yan?" nagulat ako nang bigla akong tinanong ni twinny.

"h-ha? N-nakalimutan ko" 

"ay ganun? Sige twinny, nagcha-chat kami ni Win ngayon eh. I am going back to my room okay?" tumango na lang ako. Nakakainis naman! Pinaglalaruan lang ba ako ni Win?

*Nordstron University*

Naglalakad ako ngayon sa hallway. Bad mood ako ngayon. Hindi pa rin kasi maalis sa isip ko yung sinabi sakin ni twinny nung isang araw.

Habang naglalakad ako, nakasalubong ko si Win. Nga naman oh! Nanadya talaga oh! Ayoko nga siyang makita tas ngayon makikita ko siya? Dammit!

"Allianah!" tawag sakin ni Win pero nilagpasan ko lang siya. Bahala siya sa buhay niya! Kumaway siya sa multo!

Maya-maya'y may biglang humawak sa braso ko. Paglingon ko, si Win pala.

"what's wrong?" tanong niya. What's wrong? Nagtanong pa siya! Bwiset!

"what's wrong? Ask yourself!" tanungin daw ba ako? Diba dapat siya mismo sa sarili niya kung anong problema? Pinilit kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa braso ko pero masyado siyang malakas! 

Maya-maya'y hinila niya ako papunta sa di ko alam. Pinipilit kong wag magpahila sa kanya pero damn! Ang lakas niya!

Nakarating kami sa rooftop. Dito niya ko pinakawalan. Naman oo! Late na ko! Lecheng lalake to!

"tell me what's the problem" tell him? Siguro nakalimutan niya. Then fine! Sasabihin ko sa kanya.

"umamin ka sa kambal ko na may gusto ka sa kanya"

"I what?!?" di makapaniwalang tanong niya.

"bingi ka ba?!? Do you want me to repeat it?!"

"no. No need"

"you know what? Kung paaasahin mo lang ako please, tumigil ka na" akmang tatalikod na ako nang bigla siyang nagsalita.

"ikaw yung gusto ko okay?" ako? Ako ang gusto niya? Eh umamin nga siya sa kapatid ko eh!

"tingin mo papaniwalaan ko yan? Huh! In  your dreams!"

"look! Nagkamali ako okay? Ka-chat ko rin siya nung time na magka-chat tayo. Nalito ako sa pangalan niyo at sa kanya ko nasabi yung pag-amin ko na dapat eh para sayo. Huli na nung ma-realize ko na kay Athaleya ko na-send yun. Kaya please naman Allianah... babe.." babe? T*ng*na!

"BABE?!?! Bakit?! Sinagot na ba kita ha?! At isa pa, mukha ba kong BABOY?!"

"mapupunta rin naman tayo dun ehh.. Sorry na Allianah.. di na kita tatawaging babe" pinakalma ko yung sarili ko. Sa lahat ng endearment, ang babe na yan ang pinakaayaw ko. Well, lahat kaming magpipinsan, ayaw ng endearment na yan. Para kasing tinatawag kang baboy. Nung kumalma na ako ay tsaka lng ako nagsalita ulit.

"paano mo sasabihin to kay Alliyah?" tanong ko. Kailangang malaman ni Athaleya ang totoo. Ayoko siyang umasa. Masasaktan lang siya.

"di ko alam" kahit naman ako, di ko rin alam. Natatakot ako na baka masaktan si twinny lalo na't mukhang inlove siya kay Win. 

Hayyss ... Ang komplikado ng sitwasyon ko.

The CommonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon