Chapter 70

214 4 0
                                    

Chapter 70:

Xandre's POV

Unti-unti akong lumingon. Sa paglingon ko, idinadalangin ko na sana, walang nangyaring masama sa kanya. Na sana, okay lang siya. Sana, di siya nabaril. Sana...

"Aaaaaahhh!"

Pagkalingon ko, nakita ko si Reb na bumagsak sa semento. Nabitawan niya ang kaninang hawak na baril. Medyo na-relief ako dahil di natamaan ng bala si Ianne.

"Are you okay?" tanong ko kay Ianne nang makalapit ako sa kanya. Tinutulungan ko siyang makatayo mula sa pagkakaupo niya.

"yeah. I'm okay. Ikaw? Ayos ka lang ba? Di ka ba nasaktan?"

Gusto kong sapukin sa ulo si Ianne. All this time, habang nasa panganib siya, ako pa rin ang iniisip niya.

"Stupid Ianne" yan na lang ang nasabi ko.

*Bang!*

Sabay kaming nagulat nang makarinig kami ng putok ng baril. Paglingon ko...

Sh*t!

Hawak ni Rebecca ang baril! Ba't di ko naisip yun?

"Hah! Do you think na matatalo niyo ko?" She smiled devilishly. "Of course not!"

Tumayo siya mula sa pagkakasalampak niya sa sahig habang nakatutok ang baril niya samin. Ako naman ay pinoproteksyunan si Ianne by hiding her at my back. Hawak-hawak ko lang ang kamay niya. Nararamdaman kong kabado si Ianne.

"Don't worry. I'm here. You'll be safe" I whispered. Gusto kong maramdaman ni Ianne na safe lang siya, na walang mangyayaring masama kahit na nasa ganitong kakumplikadong sitwasyon kami.

"Xandre.."

Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko na si Rebecca. Bakas sa mukha niya ang kalungkutan.

"Akin ka na lang.." pagmamakaawa niya. "Mamahalin kita nang higit pa sa pagmamahal na binibigay ng babaeng yan sayo!" She's pertaining to Ianne.

"You're so desperate huh?"

"Oo! I'm so desperate to get you back so I am doing this!"

"Rebe---"

"SHUT UP!" sabay lingon niya kay Adrian. "I am not talking to you!" sabay tutok niya ng baril kay Adrian. Itinaas ni Adrian ang mga kamay niya na parang sinasabi niya na sumusuko na siya.

Ibinalik ulit ni Rebecca ang tingin niya samin kasabay ng pagtutok niya ng baril. Umiiyak na siya.

"What now, Xandre? Babalik ka na ba sakin? Iiwanan mo na ba siya?"

Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay ni Ianne. Ngumiti ako. Sa pagngiti kong yun ay parang nabuhayan ng loob si Rebecca.

"No!" matigas kong sabi.

Nawala ang ngiti niya at napalitan ito ng galit.

"AAAAAAHHHH! NOOOOO!" sigaw ni Rebecca. "Ayaw mo bumalik sakin? Then di ka rin magiging kanya!"

Ikinasa niya ang baril na hawak niya pagkatapos ay itinutok sa akin.

"Dahil papatayin kita."

Pagkasabi niya nun ay siya namang agaw sa kanya ng baril ni Aaron. Si Aaron naman ang nakikipag-agawan ng baril kay Rebecca.

Para kaming nabato sa kinatatayuan namin. Di namin akalain na ganito kahirap kalabanin si Rebecca. Partida, babae siya!

"Xandre! Takbo!" rinig kong sigaw ni Aaron.

Nagsimula akong tumakbo habang hatak si Ianne. Bahala na. Magpapaka-selfish muna ako. Ayokong mawala siya.

"Xandre! Si Aaron!" rinig kong sigaw ni Ianne.

"Kaya niya na yan!"

*Bang!*

Sa pagkakaputok ng baril ay siya namang yakap sakin ni Ianne mula sa likod. Di kaya..

"Ang daya..."

Ianne's POV

Hawak lang ni Xandre ang kamay ko. Ayaw niyang bitawan. Lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa kamay ko nang sabihin niya yung 'No' sa harap ni Rebecca. Nate-tense na ko. Di naman ako ganito dati pero ewan ko at nakakaramdam ako ng takot ngayon.

Lalo akong kinabahan nang makarinig ako ng pagkasa ng baril. Ayan na naman.

Pumikit ako ng mariin. Kailangan kong maging matapang!

"Xandre! Takbo!" rinig kong sigaw ni Aaron. Napamulat na lang ako ng mata nang maramdaman kong tumatakbo kami. Hawak ko pa rin ang kamay ni Xandre.

"Xandre! Si Aaron!" sigaw ko habang tumatakbo.

"Kaya niya na yan!"

Lumingon ako. Natabig palayo ni Rebecca si Aaron. Alam kong sa oras na yun, ipuputok niya na ang baril kaya walang pag-aalinlangan akong yumakap sa likod ni Xandre.

*Bang*

Kasabay ng pagyakap ko sa kanya ay ang pagtama ng bala sa katawan ko.

"Ang daya..." nasabi ko. Nakita kong lumingon sakin si Xandre. Nababakas sa mukha niya ang pagkabigla.

Naramdaman kong bumagsak na ako sa sahig. Umupo si Xandre at tsaka ipinatong ang ulo ko sa braso niya.

"Ianne! Ianne! Bakit mo ginawa yun!" Nakikita ko ang mga luha niya na unti-unting bumabagsak mula sa mga mata niya.

"M-ma.. o-ospital n-naman ak-ako.."

Naramdaman ko na ang mga luhang pumapatak mula sa mga mata ko. Pinunasan niya iyon gamit ang thumb niya.

"Ianne naman eh.. Wag kang matutulog please? Ianne.."

Di ko na kaya.

Pagod na ko.

"Please... Ianne.. lumaban ka .."

Bumubuhos na ang mga luha niya.

"I love you Pillows ko.."

Napangiti ako pagkatapos ay pumikit.

Napatunayan ko na...

Mahal niya nga talaga ako.

The CommonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon