Chapter 36

319 6 1
                                    

Chapter 36:

Ianne's POV

*Time: 5:00 pm*

"Ianne bilisan mo! Dali!" utos sakin ni Allianah.

"eto na! Sandali!" sabi ko.

Lumabas na ako ng cr ni Allianah. Nakatapis lang ako. Andito ako ngayon sa bahay nila, sa kwarto ni Altheya to be exact. Siya daw mag-aayos sakin.

"your so slow Ianne! 3 hours na lang, magsisimula na yung battle. Aayusan pa kita! Geez!"

"galit ka na niyan?" 

"geez Ianne! Ako natataranta sayo eh!"

"wag kang mataranta. Alam mo, hindi yan makakatulong kaya please, kumalma ka nga. Ako naman ang kakanta, hindi ikaw" at tsaka ako umupo sa edge ng kama.

"oo na, oo na. Suotin mo na to" sabay bigay niya sakin ng dress na susuotin ko. It's a pink tube dress na over the knee ang haba. Binili talaga sakin to ni Maan. Pang-goodluck niya daw sakin.

Bumalik ulit ako sa cr. Sinuot ko na yung dress. Uhh.. medyo di ako sanay lalo na't wala akong bra! May foam na kasi yung dress kaya di na kailangan na magsuot ng bra pero kahit na! Di ako sanay!

Lumabas na ako ng cr. Medyo nahihiya pa ako kasi baka mamaya, di naman sakin bagay!

"kyaaah!!! Bagay sayo!! Bagay na bagay!!" tuwang-tuwa na sabi ni Allianah.

"uhh.. di ako sanay na walang uhh..."

"its okay. May foam naman yang dress mo kaya okay lang yan~" tumango-tango lang ako. Aish! Bahala na!

"umupo ka na dito" saad niya kaya pumunta na ako sa harap ng salamin at tsaka naupo. 

Sinimulan na niya ayusin ang buhok ko. Kinulot niya lang ang dulo ng buhok ko. Ganun lang. Pagkatapos niyang ayusin yung buhok ko, sinunod niya na ang mukha ko. Kung anu anong cheche bureche ang nilagay niya. Maya-maya rin ay natapos na kami.

Pinahiram niya ako ng mga burluloy niya. Hikaw, kwintas, bracelet pati singsing!

"ayan Ianne, ang ganda mo na" tumingin naman ako sa salamin at...

"yung totoo? Sa battle of the bands ba yung punta ko o sa acquaintance party?"

"pwedeng both?" nakangiting sabi ni Allianah.

"Allianah naman... Alam mo namang hindi ako makakapunta sa acquaintance party diba?" malungkot kong sabi. Totoo naman eh. Wala akong pambili ng ticket para sa acquaintance party. Hayyss.. Ang hirap maging mahirap.

"ano ka ba Ianne. Makakapunta ka. Trust me"

"wag mo nga kong paasahin. Tss.."

"okay okay. Wait mo lang ako dito. Magbibihis lang ako" sabi niya at tsaka siya kumuha ng casual dress niya at dumiretso sa cr para magbihis. Hayyss.. Sana talaga may mabait na nilalang na ililibre ako ng ticket for acquaintance party. 

*Nordstron University*

Dumiretso agad kami sa backstage pagkarating namin dito.

"Ianne!" salubong sakin nila Aaron, Adrian at Win.

"o bakit?" 

"bakit ang tagal mo?" Adrian.

"eto kasing si Ianne, kakupad-kupad!" si Allianah na ang sumagot.

The CommonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon