Chapter 30

298 6 1
                                    

Chapter 30:

Xandre's POV

Siraulo talaga yung babae na yun. Isipin daw ba na ni-rape ko siya? Tss.. Lakas ng saltik ng babaeng yun.

Kesa mag-hallucinate siya sa kakaalala sa kung anong nangyari sa kanya, edi kinuwento ko sa kanya yung nangyari sa kanya kahapon lalo na sa nangyari kagabi. Gusto niyo ba malaman ang nangyari kagabi? Sige pagbibigyan ko kayo.

*Flashback*

"Grrr... ang bigat mo!" reklamo ko. Nagrereklamo ako sa kanya kahit alam ko na hindi niya ko maririnig. Tss.. palibhasa tulog mantika.

Nang makarating na kami sa floor ko, binuksan ko na ang pinto ng unit ko tsaka pumasok. Dire-diretso ako hanggang sa kwarto ni Ianne. Inilapag ko siya sa kama niya. Napadako ang tingin ko sa paa niya. Nakasuot pa pala siya ng sapatos. Tinanggal ko ang suot niyang sapatos. Tsk! Masyado kang maswerte, Ianne. Imbes na ako ang pagsilbihan mo, ako pa tong nagsisilbi sayo.

Pagkatapos kong tanggalin ang sapatos niya ay naglakad na ako para lumabas ng kwarto. Pipihitin ko na sana ang doorknob nang bigla akong nakarinig ng hikbi.

"ma! bakit niyo kami iniwan?"

Napatingin ako sa kanya. Umiiyak siya habang nakapikit. I think she's having a nightmare again. Lumapit ako sa pwesto niya at naupo sa edge ng kama.

Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha niya. Napatitig ako sa mukha niya. She's a quiet beauty. Ang sarap niyang titigan. Habang tinititigan ko siya, bigla siyang nagmulat ng mata. Muntik akong mahulog sa kama dahil sa gulat.

"wag mo kong iiwan" sabi niya habang umiiyak. Bigla niya kong hinawakan sa kamay pagkatapos ay pumikit na rin siya. Tsk! Ang gaspang ng kamay! Kumunot ang noo ko dahil sa ginawa niya. Pinilit kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa kamay ko pero nang maalala ko ang sinabi niyang wag ko siyang iiwan, eh di ko na tinuloy. Humiga ako sa kama habang nakasandal ang ulo ko sa headboard hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na ako.

*End of Flashback*

So ayun nga yung nangyari. Kinuwento ko sa kanya yan at naniwala naman siya.

Ianne's POV

"ma, pa, andito na naman ako" nandito ako sa sementeryo. Ngayon kasi ang death anniversary nila mama. Ang aga ko nga umalis sa condo ni Xandre eh. Tulog pa siya nung umalis ako.

"ma, namimiss ko na kayo ni papa" pagkasabi ko nun ay siya namang pagpatak ng mga luha ko.

"ma, bakit niyo kasi kami iniwan ni kuya?"

"alam niyo bang nahihirapan na kami?"

"hanggang ngayon, masakit pa rin eh.."

"hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na wala na kayo" patuloy pa rin ako sa pag-iyak habang sinasabi ko yan. Ang sakit pa rin kasi. Lalo na kapag napapanaginipan ko yung nangyaring aksidente 9 years ago, bumabalik ang sakit ng pagkamatay ng mga magulang ko. Nakakainis kasi! Bakit kasi sila namatay? Kung hindi ba kami umuwi sa probinsya nung araw na yun, hanggang ngayon ba buhay pa rin sila? Masaya pa rin kaya kami kung buhay pa sila ngayon?

Maya-maya ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Ayos ah! Nakikiramay rin sakin. Umiyak lang ako ng umiyak sa puntod ng mga magulang ko. Gusto kong ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Sakit nang nawala sila sa piling namin ni kuya. Sakit na hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin. Siguro panahon na para tanggapin ko ang pagkamatay ng mga magulang ko. For 9 years, dala-dala ko sakit ng pagkamatay nila. Hindi ko matanggap na wala na sila, na hindi na namin sila makakasama. Siguro nga, panahon na. Para naman sumaya na ako ng lubusan at para na rin lubayan ako ng masamang panaginip na yun na laging nagpapaalala sakin ng araw na kinapopootan ko. At sa tingin ko, sasaya rin sina mama at papa saan man sila ngayon.

Tumila na ang ulan pero ako eto, umiiyak pa rin. Okay lang naman dahil last na to. Last na to na iiyak ako nang dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

May inilabas ako na kwintas at panyo sa bag ko. Heart-shape yung kwintas na may nakaukit na 'S' sa gitna tapos yung panyo naman, nakaburda dun yung pangalan ko na 'Shanelle Ianne'.

"ma, pangako, hahanapin ko ang nagbigay sakin nito" pagkatapos kong sabihin yun ay pinahid ko na ang mga luha ko gamit angpalad ko.

The CommonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon