Chapter 39

362 8 1
                                    

Chapter 39:

Ianne's POV

*yaaawwwnnn*

Nag inat-inat muna ako bago ako tumayo sa kama ko. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. 5:00 am pa lang. Medyo maaga pa. Inayos ko na ang kama ko at tsaka pumunta ng banyo para mag-tootbrush. Pagkatapos kong mag-toothbrush, dumiretso ako sa kwarto ni Xandre. Gigisingin ko na ang bruhong yun. Napansin ko nga siya kagabi eh. Papunta na sana ako dito sa kwarto nang makita ko siyang lumabas nang kwarto ko na may dalang paperbag. Hindi ko na yun pinansin. Baka wala lang yun.

Pagkatapos kong gisingin si Xandre ay bumalik ulit ako sa kwarto ko para maligo. Si Xandre na magluluto. Siya naman marunong dyan.

Ihahanda ko na muna yung mga susuotin ko. Binuksan ko ang cabinet kung saan nakalagay ang mga uniform ko tapos ay hinanap ko na ang susuotin ko. Kinuha ko yung naka-hanger kong blouse pero... bakit ang dumi? Kailan ko lang nilabhan to ah! Tsaka bakit gusot?

Kinuha ko ulit yung natitira kong blouse pero... ganun din. Ang dumi at gusot pa! Tinignan ko rin yung skirt ko pero ganun din! ANONG NANGYARI SA UNIFORM KO!!! WALA AKONG SUSUOTIN!!!

Halos mangiyak-ngiyak ako dahil sa nakita ko. Paano na yan? Anong susuotin ko? Paano ako papasok sa campus? Kaasar naman... Sino yung--- Bigla kong naalala yung kagabi. Iisa lang naman ang nakita kong lumabas ng kwarto ko.

Bitbit ang blouse kong napakadumi, lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina at nadatnan si Xandre na nagluluto. Biglang kumulo ang dugo ko pagkakita ko pa lang sa lalaking to. Xandre... Lagot ka sakin!!

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinunggaban ko siya ng sakal. Tama ang nabasa niyo. Sinakal ko siya at hanggang ngayon, sinasakal ko pa rin siya. Bwisit ka talaga Xandre! Bwisit ka!!

"*ahck!* Ianne! I... I c-can't... b-breathe..."

"ANONG GINAWA MO SA UNIFORM KO!!! AAAAAAHHHH! BWISIT KA TALAGA!"

"B-bitiwan mo... muna ak... ako..." Binitiwan ko na rin siya. Baka matuluyan ko eh. Makulong pa ko.

"explain!" sabi ko nang nakapamewang.

Ngimiti muna siya bago nagsalita. "Akala ko kasi basahan"

"BASAHAN HA?!? BASAHAN?! ANO NA LANG ANG SUSUOTIN KO PAGPASOK?! HA!?"

"well, Its not my problem. Its yours"

Akmang sasakalin ko ulit siya nang bigla niyang hinarang ang mga braso niya na pa-cross. "Hindi mo na ko masasakal ulit"

"pwes! Ito magagawa ko sayo" at tsaka ko siya kinalmot sa may kaliwang braso niya. Buti na lang at hindi pa ko nag-gugupit ng kuko.

"Ahh!! Ianne!!! Anong ginawa mo sa braso ko!!?"

Binelatan ko siya. Sinamaan niya ako ng tingin. Akala mo maiisahan mo ko ah!

"Buti nga sayo! Bleh!"

"aba't---"

Akmang susugurin niya rin ako nang bigla akong nagsalita. "Yung niluluto mo, sunog na!"

"sh*t!" Bigla siyang napabalik sa ginagawa niya. Huh! Serves him right!

Bago ako lumabas ng kusina, sinulyapan ko muna yung braso niya na kinalmot ko. Ang haba pala ng kalmot ko sa braso niya. Namumula pa. Nakonsensiya ako bigla. Uhh... sana pala di ko na lang siya kinamot. Napatingin ako sa hawak kong blouse. Ang dumi. Well, buti nga sa kanya at nakalmot ko siya. Kasalanan niya naman eh. Siya nanguna. Ugghh.. ewan!

The CommonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon