Chapter 66

248 5 0
                                    

Chapter 66:

Ianne's POV

Bakit ganito? Bakit ngayon pa? Kailan lang tayo naging magkaibigan ah? Wala pa ngang isang araw ang pagkakaibigan natin tapos ganito pa ang nangyari sayo. Madami pa tayong pagkekwentuhan di ba? Bakit... Bakit ka nang-iwan?

Kasama ko si Xandre na naglalakad sa gitna dito sa loob ng chapel. Hawak ni Xandre ang kamay kong nanginginig. Nakatingin lang ako sa isang bagay na nasa harap ko. Papalapit kami ng papalapit sa bagay na yun hanggang sa tuluyan na kaming nakalapit doon. Tuluyan nang bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan nang makita kung sino ang nasa loob. Rocelle inside the coffin.

Sobrang nasasaktan ako na makita ang isang bagong kaibigan na nasa loob ng kabaong. Nakahiga at walang buhay. Kung kailan na mag-uumpisa tayo as friends, tsaka ka naman umalis. Bakit nangyari sayo to?

Sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib ni Xandre. Wala na kong pake kung mabasa ko ang suot niyang shirt basta ang nararamdaman ko ngayon ang nangingibabaw. Lungkot.

"sige... iiyak mo lang.." rinig kong sabi ni Xandre while tapping my back.

"Xandre... ano bang nangyari??~ Bakit nagkaganito??~ Bakit siya namatay??~" sabi ko habang patuloy na umiiyak.

"Di ko pa alam. Sa ngayon, titignan nila yung cctv na nasa loob ng kwarto ni Rocelle." Tumango-tango na lang ako.

Maya-maya ay tumigil na rin ako sa kaiiyak. Nakaupo kami ngayon at katabi ko pa ang mga magulang ni Rocelle. Medyo ang awkward nga ng feeling eh. Parang.. di ako makagalaw ng ayos.

"hija"

Nabigla ako nang magsalita ang katabi ko. Paglingon ko, nakatingin pala siya sakin. Ang daddy ni Rocelle.

"C-Condolence po.." sabi ko nang nakayuko. Actually, kanina ko pa sana gustong sabihin yan sa kanila kaya lang, nahihiya ako.

Ngumiti sakin si Mr. Del Pilar. "Are you my daughter's friend?"

"opo sir..."

"How's my Rocelle? Is she a good friend??"

"ha.. ah.. opo.." Kahit na gusto kong sabihin sa daddy niya na hindi kami magkasundo noon, di ko na lang sinabi. Mas mabuti na magandang alaala ang maiiwan ni Rocelle sa mga magulang niya.

Tumingin sa harap si Mr. Del Pilar bago nagsalita. "Rocelle is my only child. I know she's a brat but she's sweet. She's a sweet and loving daughter."

Sayang at di ko yan nakita. Bago pa lang kaming magkaibigan eh. Kung sana lang..

"She's gone now. My Rocelle is gone. I know, masaya na siya kung nasan man siya ngayon."

May tumulong luha sa mata ko. Tama si Mr. Del Pilar. Masaya na si Rocelle sa lugar na yun. Wala nang sakit. Walang gulo. Walang paghihinagpis.

Nagtagal pa kami nang ilang oras hanggang sa naisipan na naming umuwi. Nagpaalam lang kami kay Mr. and Mrs. Del Pilar pagkatapos ay umalis na rin kami ni Xandre. Doon kami sa condo niya dumiretso. Nag-text na lang ako kina Rica na sa condo ni Xandre muna ako matutulog.

Inalalayan ako ni Xandre hanggang sa makapasok ako sa dati kong kwarto. Masasabi kong.. na-miss ko ang kwartong to. Kaninang umaga lang kasi ako na-discharge sa hospital. Maayos naman na ang pakiramdam ko.

Nang makalabas na ng kwarto si Xandre, ay tsaka lang ako nagpalit ng damit. Nang matapos na ko ay humiga na ko sa kama. Maya-maya, pumasok si Xandre dala ang tray na naglalaman ng basong may tubig at gamot. Inilapag niya ang tray sa side table.

"Take your medicine."

Inalalayan naman niya ko sa pag-upo pagkatapos ay inabot niya sakin ang gamot at baso. Inabot ko naman ito pagkatapos ay ininom.

"Thank you!" sabay balik ko ng baso sa tray.

"pupunta ba ulit tayo bukas sa burol ni Rocelle?"

I nodded. "Oo naman."

Inilapit niya ang kanyang labi sa noo ko at tsaka ito hinalikan. "Goodnight."

Ngumiti ako. Lumabas na rin siya ng kwarto dala yung tray. Nahiga na ko sa kama at nakipagtitigan sa kisame. How I wish.. you're still alive.

***

"Ianne!"

Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko.

"Rocelle!"

Totoo ba ito? Buhay siya? Buhay siya?

Nagyakapan kami nang makalapit siya sakin. "Ianne.."

Nagbitaw na kami sa pagyakap.

"Rocelle? Ikaw ba talaga yan? Buhay ka!" Ang ganda niya. Nakasuot siya ng dress na puti. Bagay sa kanya. Bagay na bagay.

"Hindi na ko magtatagal. May gusto akong ipakausap sayo. Hanapin mo siya. Hanapin mo ang taong pumatay sakin."

Huh? What does she mean?

"sino? Sino ang taong yun??"

"Si..."

Unti-unti na siyang lumalayo sakin at unti-unti na rin siyang nawawala. May sinasabi siya pero di ko na siya marinig.

"Sino?? Sino Rocelle! Sino?!"

"ROCELLE!!!"

Biglang napadilat ang mga mata ko. Pinagpapawisan ako ng malamig. Hinihingal ako. Tumayo ako sa kama at dumiretso sa kusina. Kumuha ako ng malamig na tubig sa ref at tsaka ito ininom.

Panaginip. Panaginip lang pala.

May pumatay sa kanya at maaaring pagala-gala lang ang taong yun.

Wag kang mag-alala, Rocelle. Hahanapin ko ang taong yun.

***

Ngayon ang araw ng libing ni Rocelle. Nagtataka nga ko at wala yung dalawang besties niya. Remember Reinalynn and Rosalyn?? Kahit nung lamay, wala sila. Anong nangyari sa dalawang yun.

Kasalukuyan kaming nasa cemetery at eto nga, hinahagisan namin ng bulaklak ang ngayon ay nakasarang kabaong. Bigla na namang bumuhos ang mga luha ko. Di ko na napigilan. Puro iyakan lang ang maririnig mo dito. Lalo na yung mommy ni Rocelle. Nagwawala na. Sobrang sakit talaga siguro ang mawalan ng anak lalo na at only child lang nila si Rocelle.

Nang-maihagis ko na ang bulaklak ay yumakap na ko kay Xandre. Iyak lang ako ng iyak. Sobrang maga na nga ng mga mata ko sa kaiiyak. Yakap lang ako ni Xandre at ako, patuloy na binabasa ang shirt niya.

Nang mailibing na si Rocelle, unti-unti nang nagsialisan ang mga tao hanggang sa ako, si Xandre at ang mga magulang na lang ni Rocelle ang nandito.

"hija, mauna na kami." paalam ni Mr. Del Pilar. Ngumiti na lang kami at tsaka tumango pagkatapos ay umalis na rin sila.

Kami na lang ni Xandre ang nandito. Papalubog na rin ang araw.

"Ianne, can we go home?" tanong ni Xandre. Siguro, pagod na rin siya. Isa pa, kailangan din namin bumawi. Mukhang butiki na kaming dalawa.

Tumingin ako sa kanya, ngumiti pagkatapos ay tumango. Hinawakan niya ang kamay ko and he intertwined his fingers to mine. Yung parang ni-lock. Yung ganun. Nagsimula na kaming maglakad palayo pero bago kami makalayo, lumingon ulit ako sa lugar kung saan siya nakalibing.

"Farewell... my friend."

The CommonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon