Chapter 17

360 8 0
                                    

Chapter 17:

Xandre's POV

Where the hell is that girl? Kanina ko pa siya hinihintay dito sa condo pero hanggang ngayon wala pa rin siya. Tinignan ko ang oras sa suot kong relo. It's already 5 pm! Nasaang lupalok ba ng mundo yun pumunta? Kanina pa ako nanggagalaiti sa galit dahil sa babaeng yun! Grrrr!

Maya-maya ay nakarinig ako ng pagbukas ng pinto. Pagtingin ko, sa wakas!! Dumating na ang hinihintay ko!!

"Hoy babae, saan ka galing?" cold kong tanong sa kanya.

"pake mo?" aba't!

"hoy! kinakausap kita ng maayos kaya sumagot ka ng maayos!!" sa totoo lang, nawawala ang pagka-cold ko kapag kasama ko tong si Ianne. Bukod sa mga kaibigan ko, isa si Ianne sa mga nakakapagpalabas ng tunay kong ugali. Ewan ko kung bakit eh. Naging cold lang naman kasi ako simula nung---aish!! Wag na nga!!

Dumiretso siya sa kwarto niya kaya sinundan ko siya. Nakita kong may inilapag siyang paperbag. "Ano yan?" sabay turo ko sa paperbag.

"paperbag"

"what I mean is ano ang laman niyan" talaga naman oh! Pipilosopohin pa ako.

"wala ka nang pake dun!" kanina pa siya sa walang pake na yan ah!

"Mag-ayos ka na. May pupuntahan tayo" cold kong sabi tapos ay lumabas na ako ng kwarto niya. Narinig ko pa siyang nagsalita pero bahala siya! Di ko na siya pinansin at nagtuloy-tuloy lang ako sa kwarto ko.

Ianne's POV

Ano ba naman yan! Pagkarating na pagkarating ko, sinalubong niya ako ng malamig niyang tanong. Aba! First time niyang maging cold sakin ah! Himala lumabas ang pagiging cold prince niya?

Kasalukuyan akong nag-aayos ng sarili ko. Kagagaling ko lang ng cr dahil sobrang lagkit ko na. Nagsuot lang ako ng plain purple shirt at tsaka maong pants with matching rubber shoes. Okay na siguro to?

Pagkalabas ko, nadatnan ko si Xandre na naka-de quatrong nakaupo sa sofa.

"alam mo ba kung anong oras na?" cold na sabi niya. May topak ata pagiging cold ng sunget na to eh!

"hindi eh" straight kong sagot. Hindi pa kasi kami nagkikita ni wall clock or ni wrist watch eh!

"late na ako sa pictorial ko. Ang tagal mo kasi!" at may gana pa siyang sisihin ako!

"sino ba may sabing hintayin mo ko?"

"personal maid kita diba? Kaya trabaho mong samahan ako!" sabagay, may point siya dun.

"Ano tatanga ka na lang ba dyan? Dalhin mo yun" sabay turo niya sa..

"MALETA?!? LALAYAS KA NA BA?!" bakit kasi may maleta pa! Pictorial lang naman diba? Bakit pa siya magdadala ng maleta?

"nandyan yung mga gamit at damit na gagamitin ko eh kaso di nagkasya yung iba kaya kunin mo na lang sa kwarto ko" anak ng!

"papahirapan mo talaga ako noh, Nordstron??!" inis kong singhal sa kanya. Naglakad na lang siya palabas at ako? iniwan niya dito.

Pumunta ako sa kwarto niya at ...

"1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10?!" SAMPUNG PARES NG DAMIT! AT ANG BIBIGAT PA!

Lumabas ako ng condo building habang hila-hila ko sa kaliwang kamay ko ang maleta niya at bitbit ko naman ang sampung pares ng damit niya sa kanan. Grrr...

The CommonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon