Chapter 56

230 5 0
                                    

Chapter 56:


Ianne's POV

----



Allianah's POV

"Mga minamahal naming mambabasa,

Ako na po ang humihingi ng pasensya sa hindi pagsasalita ng aking pinsan na nagngangalang Ianne. Siya po ay may kasalukuyang dinaramdam na sakit. Sakit na hindi pa nalalaman."


 Kanina pa kami nakaupo dito sa bench at kanina pa ko dada ng dada pero ni isang salita, walang lumalabas sa bibig ni Ianne. Hayys! Sakit sa ulo naman ng babaeng ito oh! Tinatanong ko naman siya kung anong problema niya. Di naman siya sumasagot. Inis naman! Teka nga, baka sakaling pansinin na niya ako kapag binaggit ko itong pangalan na to.


"Hoy Ianne, nasan na ba yang si magaling mong boyfriend na si Xandre at nang pansinin mo na ko." Pagkasabi ko niyan, bigla na lang siyang..


"WAAAAAAAAHHHHH! HUHUHU!" Umiyak ng malakas."


Medyo nabigla ako kasi ganun na lang ang pag-iyak niya nang sabihin ko yun. May hindi ba siya sinasabi sakin?


Humarap na sakin si Ianne. "Allianah..."


Sunod-sunod ang pagpatak ng luha niya na parang walang katapusan. Hikbi pa siya nang hikbi habang umiiyak. Teka, naguguluhan na ko. Bakit ba siya umiiyak?


Niyakap ako ni Ianne bigla at sinabi niya sakin ang ikinakulo ng dugo ko."Wala na kami ni Xandre. Break na kami."Niyakap ko rin si Ianne. Naawa ako sa pinsan ko. First love niya si Xandre kaya malamang, first heartbreak niya rin ito.

"Kailan pa?" nag-aalala kong tanong.


"two days ago.."

"Bakit di mo agad sinabi sakin?! Nakakainis ka naman eh." nanggagalaiti kong sabi. 

"ayoko kasing madamay kayo sa problema ko. I'm sorry."


Inalo-alo ko si Ianne. "Sige lang. Iiyak mo lang. Ilabas mo lahat ng hinanakit mo."


"Ang sakit, Allianah.. Ang sakit-sakit.." sabi niya habang patuloy na umiiyak. "Bigla siyang nakipag-break sakin. Sawa na daw siya sakin. Pinaglaruan niya lang ako." Lalong kumulo ang dugo ko. Watdapak? Paano niya yun nagawa?!

Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Ianne at tsaka biglang tumayo. Humanda ka, Xandre. Sinaktan mo ang pinsan ko! Aalis na sana ako nang bigla akong pigilan ni Ianne. "Saan ka pupunta?" tanong niya habang umiiyak.

The CommonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon