Chapter 38

346 7 3
                                    

Chapter 38

Allianah's POV

"okay. Class dismissed" inayos ko na ang mga gamit ko at lumabas na ng classroom. Tatlong araw na rin ang nakalipas mula nung acquaintance party.

"Allianah! Wait!" napatigil naman ako sa paglalakad. Sh*t. Nakalimutan ko si Ianne.

"uy, bakit di mo ko hinintay? Bigla ka na lang lumabas. May problema ka ba?" tanong niya nang makalapit na siya sakin.

"problema? Wala. Wala akong problema" wala nga ba?

Huminga nang malalim si Ianne bago nagsalita. "Allianah, alam kong may problema ka. Kilala kita. Di mo ko maloloko"

Huminga ako nang malalim. Kilala talaga ako ni Ianne. Wala talaga akong maitatago sa kanya.

Hindi na ako nagsalita pa at ganun din siya. Alam kong nakikiramdam siya. Lakad lang kami nang lakad hanggang sa makarating kami sa playground. Nasa elementary part na pala kami ng university. Di ko man lang napansin.

Naupo ako sa swing. Umupo naman si Ianne sa katabi kong swing. Walang pa ring nagsasalita sa amin. Maya-maya ay nagsalita na rin siya. "Allianah, pwede ko bang malaman kung anong problema mo?"

Alam kong magtatanong si Ianne tungkol dito. Gaya nga ng sinabi ko kanina, nakikiramdam siya. Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko sa kanya yung problema ko besides pinsan ko naman siya.

"si Alliyah kasi..." panimula ko. Mukhang naghihintay naman si Ianne ng susunod ko pang sasabihin.

"...may gusto siya kay Win. W-wait, let me rephrase that. Alliyah is inlove with Win"

"and so you are.." tumango naman ako sa sinabi ni Ianne. Kailan ko nalaman na inlove na ko kay Win? Ewan. Di ko din alam. Basta! Di ko alam kung pano i-explain.

Huminga naman ng malalim si Ianne. "Sabi na nga ba. Mangyayari to." 

Naguluhan naman ako sa sinabi ni Ianne. Humarap sakin si Ianne ng maayos. "Alam kong mangyayari to. Naalala mo ba nung araw na kumain tayo kasabay yung 5 Prince sa tree house?" Tumango naman ako. "Napansin ko na kakaiba yung tingin ni Alliyah kay Win. Parang... parang may something..."

So ibig sabihin pala.. "matagal nang may gusto si twinny kay Win?" I blurted out. Sa di ko mapigilan eh.

"I think so..." I shrugged. Ngayong alam ko na na matagal nang may gusto si Alliyah kay Win. Napabuntong-hininga ako. Si twinny... ang karibal ko kay Win.

***

"Win!" sigaw ko pagkakita ko sa kanya. Agad naman siyang naglakad patungo sa pwesto ko. Nasa campus ground kami ngayon. 

"Allianah baby!" what the! Baby!?!

"anong baby pinagsasabi mo dyan? Mukha ba akong baby ha?!" sabi ko habang tinuturo ang sarili ko.

"ayaw mo naman magpatawag ng babe eh kaya baby na lang"

"fine.. fine.." sabi ko na lang. Mas okay na yung baby kesa babe.

"bakit mo nga pala ako tinawag? May kailangan ka?" huh? Kailangan? Bakit ko nga ba siya tinawag? 

"ha? ah.. eh.. kasi.." na-miss kita..

"...wala lang!" gusto ko man sabihin yung 'na-miss kita' eh hindi pwede. Baka mamaya nasa tabi-tabi lang si Alliyah. Lakas kaya makasagap nun!

"hatid na kita?" pag-aaya niya.

"o si---" di na ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa isang sigaw.

The CommonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon