Chapter 22

322 8 0
                                    

Chapter 22:

Ianne's POV

Pagkatapos kaming iwan ni Xandre dito sa sala, eh umupo na lang kami habang hinihintay si Xandy. Maya-maya rin ay bumalik rin si Xandy pero kalaunan ay umakyat din papuntang kwarto niya.

Wala akong magawa dito. Si Kevin nagse-selfie, si Aaron nagbabasa ng magazine, si Adrian may kausap sa phone. Mukhang bagong girlfriend na naman ata. Si Win naman, nakapikit lang habang nakasandal sa sofa. Hayyss.. wala akong makausap.

Tumayo ako para magtingin-tingin ng kung anong makikita ko. Wala lang, pampa-aliw lang. May nakita akong picture frame. Napaka-laking picture frame.. Naka-sabit sa dingding. Tingin ko, ito ang family picture nila.

"ang ganda ng mommy ni Xandre noh?"

"AYJUSKOKALABAW!" nagulat naman ako. Bigla na lang kasi sumulpot tong si Win sa tabi ko. "Papatayin mo ba ako sa gulat??"

"mukha ba akong kalabaw??!?"

"sorry naman..." sabi ko na lang para matapos na. Bumalik ulit ang tingin ko sa malaking picture frame.

Bigla namang nagsalita si Win. "Ang ganda ng mommy ni Xandre noh?"

"mommy ni Xandre?" takang tanong ko.

"oo. Kita mo yung magandang babae na may hawak ng baby?" napatitig naman ako. Actually, medyo kamukha niya si Xandre...

"oo naman. Sa laki ba naman ng picture frame"

"yan yung mommy ni Xandre" nanlaki naman ang mata ko.

"family picture nila yan. Yung katabing lalaki ng magandang babae, yan ay ang daddy naman ni Xandre" di halata. Hehehe... Hinayaan ko lang na magsalita si Win.

"yung binatang lalaki naman na katabi ng daddy ni Xandre, siya si principal Xander" ang pogi naman ni principal dito.

"tapos yung dalagitang babae na yun.. yan naman ang ate ni Xandre" sabay turo niya sa babaeng sa tingin ko ay nasa 14 to 15 years old. Ang ganda ng ate niya.

"yun naman.." sabay turo niya sa batang lalaki na sa tingin ko ay 10 to 11 years old naman. " Siya si Xandre" ang gwapo ni Xandre. Di maipagkakaila. Sa totoo lang.. medyo pamilyar sakin yung mukha niya.. Hay naku ! bayaan na nga!

"yung batang babae naman na yun..." sabay turo niya sa batang babaeng sa tingin ko ay ka-edad ko. "Siya si Xandy, yung englisherang kapatid ni Xandre" napansin din pala niya. Infairness, mukhang doll si Xandy nung bata pa..

"tapos yung baby naman na buhat ng mommy ni Xandre..." sabay turo niya na naman.

"Win, wag mo na ituro. Nakikita ko naman"

"ay sorry! Hehehe... Kala ko di mo nakikita..." tamo to!

"ituloy mo na nga lang ang sasabihin mo!" kainis naman kasi! Nambibitin!

"so yun nga. Yung baby naman si Xandrea. Bunsong kapatid nila" di maipagkakailang maganda ang lahi nila. Half british , half Korean ba naman diba?

"bakit ang dami mong alam sa kanila?" tanong ko naman. Napansin ko kasi na marami siyang alam tungkol sa mga Nordstron.

"mag-kababata at mag-bestfriend kami ni Xandre eh!"

"kwentuhan mo naman ako tungkol sa mga Nordstron!" yaya ko sa kanya. Gusto ko talaga malaman lalo na yung wala naman silang lahing pilipino pero ang fluent niya magtagalog.

"sa labas tayo"

Pumunta kami sa malaking garden ng mga Nordstron. May swing pa nga eh. Dun kami naupo ni Win.

"ang laki pala ng garden nila dito.." biglang banggit ko.

"mahilig kasi sa flowers si tita Alex" sino naman yun? Mukhang nabasa naman niya ang nasa isip ko kaya nagsalita ulit siya. "Mommy ni Xandre" ooh~ bakit Alex?

"bakit Alex ang name? Di ba dapat yung katulad ng mga korean na pangalan like Park Min Young, Nam Gyu Ri... mga ganun.." tama naman di ba?

"aba malay ko! Itanong mo sa mga magulang ni tita Alex!" sabi ko nga.

"sa totoo lang, ito lang ang gusto kong malaman eh... Bakit ang fluent ni Xandre magtagalog eh wala namang dugong pilipino?"

"sus! Akala ko naman gusto mong ikwento ko sayo ang buong buhay ni Xandre"

"wag ka nang umangal! So.. bakit nga??" curious lang kasi talaga ako eh.

"kasi nandito sa Pilipinas ang business nila. Sa Korea pinanganak yang si Xandre pero nung magsisimula na siya sa grade one, dito na siya sa 'Pinas nag-aral kaya ayun fluent magtagalog.." ahh.. kaya pala..

"eh si Xandy? Bakit englishera?" kasi naman! Nano-nosebleed ako sa mga pinagsasabi niya.

"actually si Xandy lang ang ipinanganak at lumaki sa Britain. Nung magsisimula na siyang mag-first year sa high school, tsaka siya lumipat dito sa 'Pinas para mag-aral. Wag kang mag-alala, marunong magtagalog yun. Mas sanay lang siya mag-english kasi ganun silang mag-usap dito" ahh... buti naman.. Para pag nagkausap kami ni Xandy eh hindi ko na pipilitin ang sarili kong na magsalita ng english. Kaka-nosebleed kaya!

"ay oo nga pala, nasan na ang mommy ni Xandre?" natahimik si Win sa tanong ko. "Bakit Win, may problema ba?"

"uhhmm.. sa tingin ko... mas maganda kungsi Xandre ang tanungin mo tungkol sa family niya.. lalo na sa mommy niya..hanggang sa kanilang magkakapatid lang ang kaya kong ikwento" pagkatapos ay tumayona siya sa swing at naglakad papasok ng mansyon. Ano ba namang mga tao to? Si Xandre, nasa kwarto niya. Si Xandy naman, ganun din. Itong si Win naman, iniwanako dito sa garden. Seriously? Anong problema nila?

The CommonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon