Chapter 45

287 6 0
                                    

Chapter 45:

Ianne's POV

Sunday. Walang pasok.

Nandito lang ako sa condo ni Xandre. Naglilinis. Nililinis ko yung kwarto ko tapos yung kwarto niya naman mamaya. Speaking of mamaya...

Mamaya, aalis na ako dito. Babalik na ko sa bahay namin ni kuya Enzo. Di ko tuloy maiwasang malungkot.

Wala si Xandre ngayon dito. Di ko alam kung saan pumunta. Siguro, maya-maya konti darating din yun. Nagpatuloy ako sa paglilinis hanggang matapos ko na rin ang ginagawa ko. Pati kwarto ni Xandre, nalinis ko na rin.

Nagsimula na akong mag-empake. Mamaya, di na ko dito matutulog. Natapos na ko sa pag-eempake pero wala pa rin si Xandre. Anong oras na ah! Magsi-six na ng hapon.

Nag-iwan na lang ako ng note sa side table ng kwarto ko at tsaka tinignan ang buong condo for the last time. This is the last day.

Lumabas na ako ng condo ni Xandre at tsaka sumakay ng elevator. Ayokong magpagabi kasi at tsaka six na ng hapon kaya napagdesisyunan ko nang umalis. May iniwan naman akong note diba? Mababasa niya naman siguro yun.

Xandre's POV

"Xandre baby, eat this oh!"

Kasama ko ngayon si Becca at nandito kami sa isang restaurant. Kumakain. Actually, kanina pa kami magkasama ni Becca. Simula kaninang umaga pa. Tumawag siya sakin kanina at niyaya niya akong magliwaliw. Syempre, tatanggi pa ba ako?

Masaya ba ako na kasama ko siya ngayon?

Well... hindi because...

Masayang-masaya ako!

After almost two years of waiting, bumalik din siya at ngayon, kasama ko siya.

"Tara na Xandre baby? Uwi na tayo" sabi niya. Tumayo na kami at lumabas ng restaurant. Syempre nag-iwan kami ng bill dun bago umalis.

Sa condo ko kami dumiretso. Dito daw kasi niya gustong matulog. Syempre, natuwa naman ako.

"Xandre baby, pasok na ko sa kwarto ah?" sabi niya.

Ngumiti naman ako. "Sure. No prob"

Hinalikan niya ako sa lips. Smack lang. "Goodnight" pagkatapos ay pumasok na siya ng kwarto.

Di ko alam pero... parang may nakalimutan ako...

Rebecca's POV

Kinikilig ako.

After almost two years, ngayon ko lang ulit siya nahalikan!

Habang iniisip ko yung smack kiss na ginawa ko, may napansin akong maliit na papel na nakapatong sa side table. Kinuha ko yun at tsaka binasa. Galing kay Ianne. Nilamukos ko ang papel at tsaka ngumiti. Poor Ianne. Malas mo ako ang nakabasa ng note mo. Inilagay ko yung note sa loob ng drawer. Siguro naman, walang makakabasa nun di ba?

Itinapon ko ang sarili ko sa malambot na kama. Masaya ako ngayon. Masayang-masaya. Well, konti pa Rebecca. Konti pa at mapapasakin na ulit si Xandre. Aww... pathetic Ianne.

"hayy... Makukuha mo rin ang gusto mo Rebecca. At malapit mo na yun makuha."

Ianne's POV

"hi bessy!" nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Rose. Hala! Anong ginagawa niya dito?

Bineso ako ni bessy. Ano ba yan. Nakakahiya. Nakita niya ako sa ganitong sitwasyon.

The CommonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon