Chapter 23

368 7 1
                                    

Chapter 23:

Kevin's POV

"hi mom.."

"good evening son.." pagkatapos ay bineso ko ang kanang pisngi niya.

Kadarating ko lang galing sa mansyon nila Xandre. Umalis na rin ako kaagad pagkatapos kumain. Nag-text kasi si mommy na kailangan ko raw umuwi dahil may sasabihin siya.

"mom, ano yung sasabihin mo?" pagkatapos kong itanong yun kay mommy ay siya namang labas ni Luchie sa kusina.

"hi Kevin!"

Nanlaki ang mga mata ko. Bakit siya nandito? Anong gagawin niya dito?

"mom! What's the meaning of this?!?" singhal ko. Nakakainis naman kasi eh! Bakit nandito yang babaeng yan?

"eto nga kasi ang sasabihin ko sayo.. Nakapag-transfer na si Luchie sa Nordstron University and she will be staying here from now on"

"WHAT!?! But ma..."

"no buts son! She will stay here. And one more thing, isasabay mo siya sa pagpasok sa school mo kapag may same schedule kayo sa umaga. Ganun din sa pag-uwi"

"MA!!! Ayoko!!!!" nakakainis naman tong si mommy eh! Ayoko sa babaeng yan! Nakakairita siya!!

"Mark Kevin!!" tumaas na ang boses ni mommy. Kapag ganyan na ang tono ng pananalita ni mommy ibig sabihin lang nun eh kailangan mo nang manahimik or else, hindi mo magugustuhan ang gagawin niya.

"tita Joanne its okay po.." sabi ni Luchie habang hinihimas ang likod ni mommy para kumalma.

"sige, maiwan ko muna kayo dito.." pagkatapos ay naglakad na ang mommy papunta siguro sa kwarto.

Naiwan kaming dalawa ni Luchie dito sa sala. Ang awkward lang. Walang nagsasalita sa aming dalawa hanggang sa siya na ang bumasag ng katahimikan.

"uhhmm.. Kevin..." saad niya habang nakatungo.

"ano pa bang gusto mo?!? Ha?! Magpapakasal na nga ako sayo diba?! Ano?! Ano pang gusto mo at ginugulo mo ang buhay ko?!" hindi ko mapigilang hindi mainis sa kanya. Nakakairita na siya!!

Nanatili lang siyang nakatungo. Maya-maya pa'y nakarinig ako ng paghikbi. Unti-unti niyang inangat ang ulo niya at..

umiiyak siya.

Medyo naaawa na ako sa kanya pero hindi dapat ako magpaapekto sa pag-iiyak niya. Tama nga yan Kevin. Wag kang magpaapekto.

"ano?? Iiyak ka na lang ba diyan ha?!?" sigaw ko.

"tinatanong mo kung anong gusto ko? Ang gusto ko lang naman eh mahalin mo rin ako" mahalin? Eh hindi ko nga siya mahal eh!

"mahalin? Ni hindi nga ako nagkagusto sayo eh, mahalin pa kaya?" nasisiraan na ba siya?

"kasi hindi mo sinubukan!"

"pwede ba Luchie, tigil-tigilan mo ako! Alam mo namang may girlfriend ako diba?" you read it right. May girlfriend ako. Sino? Si Rosalyn Gutierrez.

"ano bang meron siya na wala ako? May mali ba sakin? Sabihin mo, magbabago ako. Magbabago ako para sayo"

"ganyan ka na ba talaga kadesperada? Hindi mo kailangang magbago dahil kahit na anong gawin mo, hindi pa rin kita mamahalin" hindi ko akalain na masasabi yun ng isang Luchie Soriano.

"kung ako ba siya, mamahalin mo rin ba ako?"

Naiinis na ako sa kanya. Kung ano-ano na lang ang sinasabi niya. "Stop this non-sense Luchie. Tsk!" pagkatapos ay iniwan ko na siyang umiiyak doon at dumiretso sa kwarto.

Kahit na anong pakiusap niya sakin, hinding-hindi ko magagawang mahalin siya. Masyado kong mahal si Rosalyn.

Sorry, Luchie.

Luchie's POV

Iniwan ako ni Kevin dito sa sala nila na umiiyak. Nakakainis naman kasi eh! Bakit di niya ko magawang mahalin? Nakakainis.

Kesa makita ako ng mga tao dito na umiiyak, mas minabuti ko na lang na pumunta sa kwarto ko. May sarili akong kwarto dito sa bahay nila Kevin. Pinagawa daw yun ni tita Joanne tutal naman daw na ikakasal rin ako kay Kevin.

Dito ako sa kwarto umiyak ng umiyak. Wala eh.. di ko mapigilan lalo na kapag naaalala ko ang mga sinabi niya sakin kanina. Ang sakit lang kasi. Di niya ako kayang mahalin. Tuwing maaalala ko ang mga sinabi niya kanina, sumisikip ang dibdib ko.

Nakakainis naman kasi! Sa dinami-dami ng lalaki sa mundo, si Kevin pa ang minahal ng pesteng puso ko. Sa dinami-dami ng mga manliligaw ko, lahat sila binasted ko para kay Kevin. Mahal ko si Kevin. Mahal na mahal.

Since 3rd year high school, mahal ko na siya. Mahal ko na siya to the point na lahat ng pagpapansin ginawa ko para mapansin niya ko. Sumasali ako ng mga beauty contest sa school para mapansin niya. Nanalo na ko't lahat-lahat pero ang mga mata niya sa iisang babae lang nakatingin. At ang babae na yun ay ang classmate ko, si Rosalyn. Oo, maganda si Rosalyn pero ubod naman siya ng arte. Pero bakit ganun, si Rosalyn pa rin ang minahal niya at hanggang ngayon, patuloy niya pa ring minamahal.

Nakakainis! Oo, fiancee niya ako, magpapakasal kami sooner pero bakit ganun? Hindi niya ako mahal at kahit kailan, hindi niya ako minahal.

Sana, dumating yung araw na mamahalin niya rin ako. Hinding-hindi ako susuko. Sabihin niyo nang masokista ako pero kahit na masaktan ako ng paulit-ulit, hinding-hindi ko siya isusuko. Ipaglalaban ko siya kahit na anong mangyari. Alam kong darating ang araw na mamahalin niya rin ako. Mamahalin niya rin ako ng higit pa sa pagmamahal niya kay Rosalyn at higit pa sa buhay niya.

The CommonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon