Chapter 37

322 7 1
                                    

Chapter 37

Ianne's POV

"Ianne, try mo to"

"ito Ianne, mas bagay. Try mo"

"Ianne, ito pa at ito pa at ito pa at ito pa"

Nasa mall kami ngayon, namimili ng mga dress na susuotin nila. Kasama ko ngayon yung kambal. Si Maan di ko alam kung nasan. Si Rose naman... ewan din.

"anong gagawin ko dito?" tanong ko. Ibigay daw ba sakin yung mga napili nilang dress?

"di mo ba narinig. Sabi namin, i-try mo, meaning isukat mo yan kaya go! Punta ka nang fitting room" pagkatapos ay tinulak-tulak pa ko ni Alliyah sa fitting room.

Wala na kong nagawa kundi isukat yung mga binigay nila saking dress. Bakit ako magsusukat? Diba dapat sila kasi sila naman yung gagamit? Aish! Yaan na nga!

Sinukat ko na yung unang dress at tsaka ako lumabas ng fitting room.

"yay! Panget. Balik" Alliyah.

Bumalik ulit ako sa fitting room at nagsukat ng bago. Lumabas ulit ako pagkatapos.

"wag yan Ianne. Masyadong revealing" Allianah. Okay. Balik ulit sa fitting room.

Lumipas ang kalahating oras na puro pagsusukat ang ginagawa ko. Grabe lang! Nakakapagod! Eto na naman ako at magsusukat ng panibago. Nakakainis nga eh. Hindi naman ako aatend ng acquaintance pero ako yung nagsusukat ng gagamitin nila para sa party na yun. Iniingit nila ako, ganun?

Lumabas na ulit ako ng fitting room. Ipapakita sa kanila yung pinasukat nila saking cocktail dress.

"ayaaannn... yan na lang.." Allianah.

"sige Ianne, palit ka na" Alliyah.

Tamo? Bumalik na ako ng fitting room at nagpalit ulit ng damit. Pero this time, yung damit na suot ko talaga. Tapos na akong magsukat eh.

Binayaran na nila yung dress na binili nila pagkatapos ay pumunta kami sa jollibee para kumain. Nakakapagod kaya noh!

"Ianne, anong oras na?" tanong sakin Alliyah. Tinignan ko naman ang oras sa suot kong relo.

"magtu-two o'clock. Bakit?"

"oh my! Twinny, pabalot na lang natin to. Pwede naman diba?"

"oo nga. Tara tara!" pagkatapos ay pinabalot na nila yung binili namin.

Dumiretso na kami sa bahay nila Allianah. Pagdating namin...

"bakit ngayon lang kayo? May acquaintance party kayo diba?" tanong ni tita Beth.

"sorry my. Nakalimutan na kasi namin" Alliyah.

"sige. Naghihintay na yung mag-aayos sa inyo sa taas" pagkatapos sabihin ni tita Beth yun ay dumiretso na kami ng akyat.

Pagdating namin sa taas, nandun na nga ang mga mag-aayos sa kanila. Dalawang babae, isang beki.

"magsimula na po tayo mga ma'am" sabi nung beki.

"ako po si Gladys. Ako po yung mag-aayos kay ma'am Allianah" sabi nung isang babae. Lumapit naman si Allianah dun sa Gladys pagkatapos ay pumasok na sila sa kwarto ni Allianah.

"ako naman si Rhane. Sino si ma'am Alliyah?" sabi nung beki. Lumapit naman si Alliyah sa kanya. "Ako po yung mag-aayos sa inyo" pagkatapos ay pumasok na sila sa kwarto ni Alliyah.

The CommonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon