Chapter 68l

257 5 0
                                    

Chapter 68:

Ianne's POV

Bakasyon na and as usual, wala akong ginagawa. Nandito lang ako maghapon sa bahay kasama siyempre si kuya Enzo, yung kambal, si Maan at Luchie pati na rin yung RuRiSa. Sa totoo lang, nababagot na ko dito. Kainis nga at ayaw akong palabasin nina kuya na mag-isa dahil daw kay Rebecca. Yeah, until now, hindi pa rin nahahanap si Rebecca and until now, nasa panganib pa rin ang buhay ko.

"Baby bunso.."

Napalingon ako kay kuya Enzo na kakapasok lang ng kwarto. Isinara niya ang pinto at tsaka tumabi sakin.

"Anong mukha yan? Bakit nakabusangot?" Tinatanong pa talaga niya ko niyan ah?

"Kuya, kasi! Gusto ko naman lumabas ano! Yung ako lang. Yung di ko kailangan na may nagbabantay sakin!"

"Alam mo naman kasi di---"

"Na di ako safe? Kuya, alam ko na yun. Lagi niyo naman sakin sinasabi yan eh. Kuya naman..."

Here we go again. Away na naman kami. Yes, madalas na kaming nag-aaway ni kuya dahil nga hindi niya ko pinalalabas ng bahay. Nakakainis na kasi di ba? Sino ba naman di mabuburyo kung maghapon kang nasa loob ng bahay? Walang ginawa kundi kumain, maligo, matulog?

"Ikaw lang naman ang inaalala ko."

"Kuya, I can handle myself. I'm already seventeen kuya!"

"No. You'll stay here. No buts. Period." After that, he left me.

"NAKAKAINIS KA KUYA! ARRRRRGGGHHH!" He pissed me off! Nakakainis na siya!! Nasasakal na ko sa ginagawa niya!

Buong araw lang akong nagkulong sa kwarto. Lumalabas lang ako kapag kakain. Hanggang ngayon, nagtatampo pa rin ako kay kuya Enzo. Ayaw niya pa rin kasi ako payagan. Arrrggghh!!

Makatulog na nga lang!

***

Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng nabasag na bintana. Pagtingin ko sa bintana ng kwarto namin...

WHAT THE HELL?!?

Sino ang nangahas na basagin ang bintana namin?!?

Agad akong bumangon at sumilip sa bintana. Wala namang tao. Maya-maya, may bumukas ng pinto. Pagtingin ko, si kuya Enzo pala.

"Anong nangya---oh? Bakit basag ang bintana?"

"May nambato eh. Eto oh!" sabay pakita ko ng batong nakabalot sa papel. Kinuha niya naman to sakin. Tinanggal niya ang pagkakabalot ng papel sa bato. Tss.. ba't di ko naisip yun?

"Rebecca.." bulong ni kuya pero sapat na para marinig ko.

Agad akong lumapit sa kanya at inagaw ang papel. Binasa ko ang nakasulat.

"Your death is near. First R." sambit ko. Sa pagkakaalam ko, si First R ay si ...

"Rebecca ..."

***

Agad namin ipinaalam sa mga ka-gangmate namin ang sulat. Maging sila ay medyo nabigla.

"nagpaparamdam na si Rebecca" komento ni Allianah.

"maging bahay natin, alam niya." Rica.

"pero .. sino yung nagbato nun? Si Rebecca kaya?" singit ko. Kung ganon, malapit lang siya samin. Sakin.

"kahit ikulong ka namin dito, di ka pa rin ligtas" Ysa.

"maging tayong lahat, di rin ligtas." dagdag ni Alliyah.

The CommonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon