Chapter 7

422 11 1
                                    

Chapter 7:

Ianne's POV

Nakakainis! Nakakaasar! Naiimbyerna ako!! Hindi tuloy ako makapag-focus kanina sa lesson dahil diyan sa lintek na scandal photo na yan! Sino ba naman makakapag-focus sa lesson kung sa loob at labas ng classroom, pinag-uusapan yang lintek na issue na yan. Wala pa nga akong isang buwan dito sa Nordstron, may issue na agad ako. Magaling!

Kasalukuyan akong naglalakad papuntang garden. At ito na naman sila... nagbubulungan.

"di ba siya yung bagong commoner dito bukod kay Lorenzo?"

"oo siya nga"

"ang landi niya grabe!"

"your'e right. What a slut!"

Kelan ba sila titigil sa kabubulong? Kung magBUBULUNG-BULUNGAN sila pero NARIRINIG ko naman, sana pinagsigawan nalang nila! Nahiya pa silang mag-chismisan eh rinig ko naman.

Dinedma ko nalang sila kahit na kanina ko pa sila gustong- gusto sigawan. Wala naman ako mapapala sa mga yan. Hindi naman ako yayaman sa kanila.

Nasa tapat na ako ngayon ng isang maliit at madilim na eskinita. Nasa likod ito ng University kaya hindi kita.

Pumasok na ako sa eskinita. Wala namang makakakita sakin dito eh.

Paglabas ko sa eskinitang pinasukan ko ay bubungad sakin ang napakalawak at napakagandang garden.

At ang garden na ito ay tinatawag kong..

Secret Garden.

Secret garden kasi nasa tagong lugar lang ito makikita. At sa tingin ko sinadya itong itago. Okay, back to reality na tayo. Andito na nga ako sa garden. Gusto ko kasi ma-relax kahit sandali ang utak ko. At gusto ko rin sana makalimutan yung tungkol sa alam niyo na. Teka? Bakit ko ba pinoproblema yung scandal na yun? Kung pwede namang huwag problemahin? Mawawala rin yun right?

Nahiga ako sa damuhan. Gusto ko munang umidlip.

"Hmmm..." pinikit ko na ang aking mga mata.

***

"Ianne?? Ianne wake up" napamulat ako dahil sa boses na narinig ko.

"hu u?" ay? nagtetext ka lang Ianne??

"I am Kevin. Mark Kevin Reyes" sabay abot niya sakin ng kamay niya. Tinanggap ko naman ito at tsaka tinulungan niya akong tumayo.

"paano mo nalaman 'tong lugar na to at tsaka bakit ka natutulog dito sa damuhan?" nagtataka niyang tanong.

"ewan ko. Basta bigla nalang akong pumasok dun sa madilim na eskinita tapos ayun" sagot ko.

"eh yung pangalawang tanong ko?" pangalawang tanong??

"kung bakit ka dito natutulog sa damuhan"

"a-ah.. yun ba.. kasi.. ang sarap - sarap ng higa ko dito *sabay turo sa damuhan* tapos inantok ako kaya ayun.."

"dapat sa tree house ka na lang natulog" tree house?

"m-may tree house d-dito?" manghang tanong ko.

"oo. Di mo alam?" paano ko malalaman eh hanggang dito lang yung napuntahan ko.

"tara, dun tayo" tsaka siya naunang naglakad. Sumunod nalang ako sa kanya.

***

"Wow! ang ganda~!" manghang- mangha kong sambit nang marating namin ang tree house.

"o ano? dito ka na lang? akyat na ko?" sabi niya na akmang aakyat na ng tree house.

"w-wait lang. Una ako" sabi ko tsaka naunang umakyat sa hagdan na gawa sa kahoy.

Nakaakyat na kaming dalawa sa tree house at nagkwentuhan.

Adrian's POV

"Babe, kelan tayo magde-date?" tanong sakin ni Jen. One of my girlfriends. Yes, GIRLFRIENDS with 'S'. Dakilang casanova yata to.

"Maybe... next week?" sagot ko.

"really? I love you babe" sabay halik niya sa labi ko.

"what about me honey? Kailan naman tayo magde-date ulit?" tanong sakin ni Jonaree. Girlfriend ko rin.

"I don't know. I'll think about it" tapos ay hinalikan din niya ako sa labi.

"eh tayo? Kailan ang first date natin?" asked Jeremie in a seductive voice. Don't get me wrong. I'm not gay or a bisexual. Jeremie is a girl.

"I'll think about it too" I answered. She just gave me a sweet smile.

"excuse me dadaan ang pinakamagandang girlfriend!!" sabi ng isang boses. Boses pa lang kilala ko na kung sino.

"hi Reinalynn, my beautiful girlfriend" bati ko. Tama ang basa niyo. Si Reinalynn Buendia ng 3R's ay gf ko.

"hello my handsome boyfriend" bati niya sabay halik sa labi ko. Nakalimutan ko pa lang sabihin sa inyo na nandito kami sa loob ng classroom. Walang prof dahil may urgent meeting daw sila.

"kelan tayo magme-make out?" bulong sakin ni Reinalynn. Napangiti naman ako dun. Yeah! Reinalynn is my girlfriend for two weeks now. Siya ang pinakamatagal kong girlfriend dahil kadalasan, nagtatagal lang ng two days to one week ang mga nagiging girlfriend ko.

"later" I answered in a seductive tone. Alam ko naman na hindi na virgin itong si Reinalynn at alam din yun ng buong university except sa mga freshmen.

"okay baby. I'll go na. Magsa-shopping pa kami ng friends ko" pagkatapos niyang sabihin yun ay binigyan niya ako ng isang matamis na halik.

"asahan kita mamaya" she said and after that, she stormed out of our classroom.

"mga babes ko, meet na lang tayo later" sabi ko at tsaka ako tumayo and then lumabas na ako ng classroom.

***

Naglalakad ako ngayon sa hallway ng building namin. Balak kong pumunta sa garden. Tatambay ako sa tree house dun. Makapag-relax lang.

Habang naglalakad ako, may nakabunggo akong isang babae.

"ouch!" reklamo niya.

"sorry miss. Are you okay?" saad ko at pagkatapos ay tinulungan ko siyang pulutin ang cellphone niyang nahati sa tatlong bahagi.

"no, it's okay. Don't mind me" sabi niya nang hindi pa rin nakatingin sakin dahil inaayos niya pa ang cellphone niya.

"sorry talaga miss. Pase---" napatigil ako sa sasabihin ko nang tumingin siya sakin dahil...

"MAAN?/ADRIAN?"

The CommonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon