Chapter 61

240 7 0
                                    

Chapter 61:

Ianne's POV 

 Vacant time. 

Mag-isa lang ako ngayon dito sa bench. Nakaupo habang kumakain ng favorite kong choco chum. Yung milk flavor. Hindi na ko nabu-bully dito simula nang malaman nila na anak ako ng isang Saavedra. 

May naupo sa tabi ko. Di ko na lang pinansin. Ayokong masira ang pagkain ko. Ang sarap pa naman nito. 

"Kung ako sayo, mag-ingat ka." 

Napatingin ako sa katabi ko. Bigla na lang nagsalita eh. Tumingin siya sakin. Si Rocelle pala. 

"Di mo alam kung anong tumatakbo sa utak ni Reb." pagkatapos niyang sabihin yan ay umalis na rin siya. Ang weird niya ah. 

"Ianne!" Napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko. Si bespreng pala. Tumatakbo siyang papunta sa direksyon ko. 

"Ianne.." hingal na sabi niya. 

"Easy lang kasi. Di naman ako aalis dito nuh!" 

"Buti safe ka!" sabay yakap niya sakin. Maya-maya'y bumitaw na rin siya. 

"Di ka ba natatakot sakin?" tanong ko. Alam na niya kung sino ako di ba? 

"Huh? Anong natatakot? Bakit ako matatakot?" 

"Kasi.. alam mo nang.. you know.." 

"ano ka ba? Bakit ako matatakot? Ang cool kaya! May bespreng akong... you know.." 

Cool pala yun para sa kanya? 

Edi wow.

"ano.. pasensiya ka na kung minsan madadamay ka.. ganun talaga eh.." 

"okay lang yun noh. Basta sakin lang kuya mo." 

Ayan tayo eh. Inlababo pala talaga si bespreng kay kuya. 

"Mauna na ko ah. May klase pa ko." Rose. Nagpaalam lang kami sa isa't isa at tsaka siya umalis. 

Mabilis na lumipas ang oras at eto nga. Uwian na. Lumabas na ko ng classroom at dumiretso sa locker ko. Pagkabukas ko, may nakita akong parang inivitation. Kinuha ko ito at tsaka binuksan at binasa. May nag-iinvite samin sa isang laban. Isa lang ang ibig sabihin nito. Malakas ang gang na makakalaban namin. 

Noong nakaraang linggo nga, may natanggap din kaming invitation at ganito rin ang nakasulat. Nung araw na mismo laban namin, nabigla ako dahil grupo pala ni Reb ang makakalaban namin. Kilala niyo naman siguro yung 4Rs right? Sila. Sila yung nakalaban namin. Mukha silang mahihina pero malalakas pala sila. Ako ang nakalaban ni Reb nun. Nakalaban ni Allianan si Rox, codename ni Rocelle. Si Rica naman kay Rain, codename ni Reinalynn. Tapos si Luchie naman kay Ross, codename ni Rosalyn. Masasabi kong.. nahirapan kami sa kanila pero sa huli naman.. kami ang nanalo. 

Rank 2 na kami sa gang world, I mean sa Philippines. Sa totoo lang, wala akong idea kung sino yung rank 1. Mas gusto ko nga yun para surprise. 

Although most of us are girls, di naman ibig sabihin na kapag babae, mahina na. Kaya din namin lumaban.

Iniwan ko ang mga libro ko sa locker pagkatapos ay inilagay ko naman sa bag ko ang inivitation. Siyempre, kailangan malaman ng gang to lalong lalo na ang kuya ko. Siya ang leader eh. Ginusto naman niya yan. Oh well, makauwi na nga. 

Xandre's POV 

"Baby, eat this oh!" sabi ni Becca habang isinusubo sakin ang fries. Kinain ko naman ito. 

The CommonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon