Chapter 12

375 8 3
                                    

Chapter 12:

Xandre's POV

"BAKIT KAYO PUMASOK DITO? ALAM NIYO NAMANG BAWAL YUN DIBA?" ang lakas ng loob nilang pumasok sa private room namin. Bumaba ako ng hagdan.

"sorry! k-kasi h-hinahabol ako ng baliw na f-fans niyo"

I smirked. "that's the consequences if someone trying to beat us. Trying to beat me"

Well yeah, may fans club nga kami. Wala nga akong pake dun eh but I think, bibigyan ko sila ng prize because of what they did to Ianne.

Naningkit ang mga mata ni Ianne. "ang sama-sama mo talaga!" Akmang susugod na siya nang bigla akong nagsalita.

"oops! May kasalanan ka pa. Remember, you entered to our private room without asking any permission to us. It's an offense in our university's rules" akala mo ha! I'm so smart!

Natigilan siya sa sinabi ko. "anong gusto mong gawin ko?"

"I want you to be..."

"...my personal maid for two months"

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Yung kasama naman niyang babae ay prenteng nakaupo sa sofa at nakikinig sa usapan naming dalawa.

"di ba pwedeng one week?"

"two months"

"two weeks?"

"two months"

"two and a half weeks?"

"goodbye scholarship"

"fine! Two months!"

"deal!" huh! Get ready Ianne.

"Basta hindi na lalagpas dun ah!"

"sure! By the way, I forgot to tell you that you will be STAYING at MY CONDO for two months. Since today is July 1, go home, pack up your things and be ready 'coz I am going to pick you up"

"STAYING AT YOUR CONDO?!?!? BALIW KA NA BA?!? GAGO KA BA??! BAKIT KAILANGAN KONG TUMIRA KASAMA KA?? HA?!?"

"you're scholarship remember..."

"fine! Di na ako aangal pa. Aalis na ko---este kami pala" I win.

"you're address" syempre kailangan ko ng address niya. Paano ko siya masusundo sa kanila mamaya kung hindi ko alam kung saan siya susunduin diba?

Sinulat niya ang address niya sa papel pagkatapos ay ibinigay niya ito sa akin.

"yan ang address ko" pagkatapos ay naglakad na sila palabas ng private room. Bago pa man sila makalabas ay tumingin-tingin muna sila para siguraduhing wala na yung mga nanghahabol sa kanila. Nang masigurado nila na wala na ay nagpatuloy na silang lumabas.

I grin. I'll make sure na pagsisihan mo to Ianne. Magsisimula na ang gyera. Nagkamali kang kalabanin ang isang Xandre Nordstron, the 5 Prince's gang leader.

Ianne's POV

Umuwi ako sa bahay na nakabagsak ang mga balikat. Bwiset kasi na Xandre yun! Bakit kailangan ko pang tumira sa condo niya? Bwiset talaga! Bwiset!!

Nagsimula na akong ayusin ang mga gamit ko. Dalawang buwan lang naman eh. Maikli lang naman ang dalawang buwan diba? Bakit kasi---hayyss..

Pagkatapos kong maayos ang mga damit ko, sumulat ako sa isang maliit na papel ng note para sa kuya ko. Pagkatapos kong maisulat yun ay ipinatong ko ito sa papag niya. I'm sure na makikita niya yun. Maya-maya, may bumusina sa tapat ng bahay namin. Pagsilip ko, si Xandre na pala. Ke-aga naman nun! Excited pa yata kaysa sa salitang excited.

Lumabas na ako dala ang mabigat kong bag. Infairness, ang ganda ng kotse ni Xandre. Di ko alam tawag dito eh pero yung itsura niya is color blue siya tapos walang bubong. Basta kotse siya na walang bubong.

Inilapag ko ang bag ko sa backseat tapos ay binuksan ko ang pinto ng passenger's seat at tsaka pumasok at naupo.

Maya-maya ay nakarating na rin kami sa...

"Nordstron Condominium?" banggit ko. Ang yaman naman nila?? As in ang YAMAN YAMAN YAMAN nila?!

Ang dami naman nilang business. Una yung university. Pangalawa naman eto, Condominium. Kahit dalawa lang yan, para sakin marami na!

Nagulat ako nang bigla niya akong kinaladkad papasok ng condominium.Take note: KALADKAD!

Tumigil kami sa tapat ng elevator. Bumukas ang elevator pagkatapos ay pumasok na rin kami. Hanggang ngayon ay hawak pa rin ni Xandre ang kamay ko

Pagkabukas ng elevator, lumabas na kami ni Xandre hanggang sa makapasok na kami sa unit niya. Hanggang ngayon hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko

"a-ah Xandre, kamay ko" bigla niya naman binitawan ito. Sayang ang lambot pa naman ng kamay niya. Nahiya naman kasi ako. Ang gaspang kaya ng kamay ko!!

"that's gonna be your room" sabay turo niya sa pinto na nasa kaliwa. "and that's mine" turo naman niya sa pinto na nasa kanan. So, magkatapat pala kami ng pinto.

Pinagmasdan ko ang unit niya. Elegante ang dating. Color blue ang dingding. Tapos may sliding door papuntang terrace. Natatakpan ito ng puting kurtina. May mga gamit na I'm sure na mamahalin. At malinis ang unit niya infairness.

Nagulat ako ng biglang may naghagis sakin ng bag. Tiningnan ko ng masama si Xandre. "Your bag" sabay lakad papunta sa kwarto niya. Bwiset na to. Alam na mabigat ang bag ko eh!

Naglakad na ako papunta sa kwarto na sinabi ni Xandre na magiging kwarto ko. Buti naman at may sarili akong kwarto. Ayokong matulog sa sala niya ano! Kahit mahirap lang ako, choosy din ako!

Pagkapasok ko sa kwarto ko...

"Wow!"

Ang ganda... May... MAY SARILI NA AKONG KAMA! Pumunta ako sa kama at tsaka nagtatatalon. Weeeeeee! Ang lambot!!! First time kong matutulog sa mabango at malambot na kama!

Nawala ang sayang nararamdaman ko nang maisip ko si kuya. Sana... maranasan din ni kuya Enzo ang matulog sa mabango at malambot na kama. Haayys..

Humiga ako sa kama. Sa sobrang pag-iisip at syempre pagod na din, ako ay nakatulog.

The CommonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon