Chapter 63

287 6 1
                                    

Chapter 63:

Xandre's POV

"anak.." tawag sakin ni eomma. Lumapit naman ako sa kinauupuan niya.

"eomma! Bumalik ka!" Ngumiti lang sakin si eomma. Niyakap ko siya ng mahigpit at ganun din siya sakin. How I miss my mom.

Bumitaw na kami sa pagkakayap sa isa't isa. Tinignan ako ni eomma sa mga mata.

"anak.. alam kong nahihirapan ka.." tumango lang ako sa sinabi niya. "Alam kong naguguluhan ka.."

"Ano po ba ang dapat kong gawin? Mahal ko siya pero..." di ko maituloy ang pagsasalita ko. Biglang may tumulong luha sa mga mata ko. Ugh. Stupid tears!

"Sundin mo lang..." then she pointed the part where my heart is. "Ang sinasabi nito."

Unti-unting nagfe-fade ang eomma ko. Di pwede! Marami pa kong itatanong sa eomma ko!

"Eomma! Wait! Eomma!" sigaw ko. Ngumiti lang siya sakin hanggang sa tuluyan na siyang nawala.

Nagising ako na pinagpapawisan ng malamig. Napanaginipan ko si eomma. Namimiss ko na siya.

Sundin ang... sinasabi ng puso ko?? Ano nga bang mas matimbang? Ang pagmamahal ko sa kanya o.. ang nararamdaman kong galit at pagkamuhi?

Ianne's POV

Ngayon na ang araw ng laban namin. Nagpe-prepare na kami for the fight mamayang gabi. Nasa mall kami ngayon. Bibili kasi kami ng susuotin namin. Hindi na siguro ako bibili ng wig. Ang dami ko namang wig sa bahay.

Bumili lang kami ng damit na kumportableng isuot. Medyo maluwang yung damit na binili ko para sa upper part ng body ko. Kumportable kasi kapag ganun ang sinuot ko. Bumili lang din ako ako ng close shoes. High cut yung sapatos na yun. Tapos yung para sa lower part ng body ko, fitted jeans yata tawag dun? Ah ewan. Basta fitted siya pero nababanat. Maganda na yun para di mahirap gumalaw.

Natapos na kami sa pagsa-shopping kaya dumiretso kami sa jollibee para kumain. Di kami sanay na kumain sa mga mamahaling restaurants. Nakakabitin kasi! Yung tipong.. ang mahal ng presyo pero kakarampot lang naman? Nakakaasar di ba?

Pagkatapos naming kumain ay umuwi na rin kami. Alas-tres pasado na nang makarating kami sa bahay. Pagkarating namin ay agad kaming nagsipuntahan sa mga kwarto namin at natulog. Bukod sa pagod kami, we need to save some energy para sa laban namin mamaya. Balita kasi namin, yung rank 1 na daw yung makakalaban namin. Ang galing noh? Rank 1 na ang makakalaban namin. Natalo na kasi namin yung rank 2 to 10.

Six o'clock na ng gabi nang magising kami. Ginawa na namin ang routines namin at ngayon nga, nandito kami sa kwarto nila Ysa. Dito kami nag-aayos. Si kuya, okay na. Kaming mga girls, di pa. Naglagay kami ng make-up sa mukha. Medyo fierce nga ang dating eh. Yung mukhang pang-gangster talaga yung make-up namin dahil gangster naman talaga kami.

Nang matapos na kami ay sumakay na kami sa kanya-kanya naming motorbike. Ang destination? Sa likod ng Nordstron University.

Kung sino man ang rank 1, we make sure na kami ang mananalo.

Xandre's POV

9:00 pm.

Wala pa rin sila. Hinihintay na sila ng iba't ibang gangs. Maraming gustong makasaksi sa paglalaban ng dalawang malalakas na gang. Ang Dark Frost at ang 5 Prince.

Tama ang nabasa niyo. Kami ang makakalaban ng Dark Frost. Sa totoo lang, di ko kilala kung sino sila. Naririnig ko ang pangalan ng gang na yan noon pa pero di ko pa sila nakikita. Kahit i-search namin sila sa internet, lumalabas ang pangalan ng gang nila pero walang lumalabas na pictures. Kahit codenames nila, wala.

The CommonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon