Chapter 11

381 9 2
                                    

Chapter 11:

Adrian's POV

Nandito ako ngayon sa tree house kasama ang barkada pwera kay Xandre. Si Win at Aaron naglalaro ng baraha, si Kevin naman nagse-selfie at ako? Tahimik sa isang tabi habang iniisip yung araw na nagkita kami ni Maan dito sa school.

"dude, lalim ng iniisip mo ah" puna sakin ni Kevin.

"tapos ka na mag-selfie?" paselfie-selfie lang to kanina eh.

"oo tapos na. Bakit nga pala ang lalim ng iniisip mo dyan?"

"oo nga. Kanina ka pa namin napapansin---yes! panalo! Akin na limang libo ko dali!" Aaron sabay lahad niya ng palad.

"bwisit. O ayan na limang libo mo!" Win habang binibigay niya kay Aaron ang pera.

"ano ba yang nilalaro niyo?" tanong ni Kevin sa kanila.

"ungguy-ungguyan" sagot naman ni Aaron.

"ano kayo mga bata?" Kevin.

"wala ka nang pake dun" Aaron.

"mabalik tayo kay Adrian. So ano?" Win. Di halatang mga chismoso sila noh?

"sige na nga! Eto na magkekwento na. Eto kasi yun..."

*flashback*

"MAAN/ADRIAN?!?" at sabay pa talaga kami ah!

"bakit ka nandito?" takang tanong ko.

"dito ako nag-aaral. Why? May problema?" may halong pagmamaldita na sagot ni Maan.

Siya si Maan Versoza. Anak ng ka-business partner ng parents ko. I knew her since I was in third year high school. Second year high school naman siya that time.

"wala naman. Akala ko kasi nag-migrate na kayo sa England"

"pwes ngayon alam mo na na hindi natuloy ang pag-migrate namin. So, mauna na ko sayo" saad niya pagkatapos ay naglakad na siya.

"see you around Adrian" pahabol niya pa. Kahit kailan talaga. Hindi pa rin siya nagbabago. She's still the same Maan I knew two years ago. Maldita pa rin.

*end of flashback*

"bakit di mo kami pinakilala sa Maan mo?" Loko to si Aaron ah!

"anong Maan mo dyan! Kung nandito lang si Maan baka kanina ka pa nun binigyan ng infamous maldita glare niya" sabi ko habang tinitingnan ng masama si Aaron. Nanatili nalang na tahimik si Aaron. Gago kasi.

*Riiiiiinnngggg!!!*

"mga pare, tara na! Bell na" saad ni Kevin sabay tapik sa balikat ko. Sumunod na lang ako sa kanila.

***

Naglalakad na kami sa university ground papuntang elevator. Siyempre, habang naglalakad kami, hinding-hindi mawawala ang tilian ng mga babae.

"Kyaaaaahh!!! My gosh! Si Aaron!"

"o my ghad, o my ghad, o my ghad! Friend!!! Si Adam!! Kyaaaaaahhh!!!"

"mas mahal ko pala ang 5 Prince kesa sayo kaya break na tayo!!"

"5 Priiiiiiiince!!!! Kyaaaahhh!!!"

See? Ganyan sila kabaliw samin. Kaya nilang makipag-break sa boyfriend nila para lang samin.

Pagpasok namin ng elevator, may babaeng nakatayo akong nakatabi. Nakatalikod siya sakin kaya hindi ko makita ang mukha niya. Nakalagay ang cellphone niya sa kaliwang tenga niya. May kausap ata.

Nakapasok na kaming apat kaya pinindot ni Kevin ang close button. Pagkasara ng pinto ng elevator, pinindot naman niya ang floor kung saan kami bababa.

"oo... magkita tayo sa linggo... oo isama mo sila... of course alangan naman na ikaw lang ang makakasama sa linggo?... ha? hahaha... sige na sige na bonding tayo sa linggo.. okie dokie bye cousin" at tsaka niya binaba ang phone niya. Sa totoo lang, familiar sakin ang boses niya.

*ting!*

Bumukas na ang elevator. Nauna siyang naglakad para lumabas pero bago pa siya makalabas ng elevator, narinig ko pa siya na nagsalita ng...

"hi Adrian!" saad niya kasabay ng pagsulyap niya sakin pagkatapos ay nauna na siyang lumabas ng elevator.

"pare, sino yun? Di ko nakita yung mukha" tanong sakin ni Win.

"di mo nakita?" imposibleng di niya nakita!

"hindi nga! Kitang busy ako sa nilalaro ko" saad niya sabay pakita ng nilalaro niya sa cellphone.

"kami rin, di namin nakita. Nakikinood kami sa nilalaro nitong si Win eh" sabi naman ni Aaron.

"sino nga yun pare? Mukhang gulat ka kasi eh" Win.

"siya si... Maan"

The CommonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon