Epilogue

399 7 1
                                    

Epilogue:

"Kyaaahh! 5 Prince!"

"Kyaaahh! Ang hot nila!"

"Em' going to die! Kyaaahh!"

Pagpasok namin ng University, yan agad ang bumungad sakin. Puro sigawan. Nakakairita! Tsk!

Ilang years na ba ang lumipas? One? Two? Three years na ata?

De. Joke lang.

5 months pa lang ang lumilipas pero parang 5 years na sakin. Start na ng 2nd sem as a 4th year college student.

Kumusta na kaya siya?

"Miss mo na siya, dude?"

Nabigla ako nang biglang nagsalita ang ngayon ay nakaakbay na sakin na si Win. Nasa hallway na pala kami. Di ko man lang namalayan.

Yumuko na lang ako. Naalala ko na naman siya. Well, kailan ko ba siya di naaalala?

"Hi Blue!" napalingon ako sa babaeng makakasalubong namin. Alam kong ako yung tinatawag niyang blue. Color blue na kasi ang buhok ko. Binigyan ko na lang ang babae ng blank expression.

Pumasok na kami ng classroom. As usual, nagtatawan at nagdadaldalan ang mga classmate ko. Yung iba, nagpapapansin samin. Di naman sila pinapansin ng mga kaibigan ko dahil lahat sila, taken na.

Stay strong pa rin si Allianah at Win. Ang sweet nga nila lagi sa isa't isa.

Si Aaron at Alliyah, ayun. Away bati.

Laging sinusungitan ni Maan si Adrian. Pero pag nagtampo 'kuno' si Adrian, nilalambing naman siya ni Maan. Wala na ang womanizer na Adrian. Stick to one na daw siya.

Si Kevin at Luchie naman, maayos din ang relationship. Nagpa-plan na sila about sa future nila.

Si Enzo naman, protective kay Rose. Di naman over. Sakto lang.

Ako?

Lagi ko siyang iniisip. Di naman siya maaalis sa puso ko eh. Malaking parte ng buhay ko ang nawala sakin.

Kahit mahirap.

Pinipilit ko pa ring maging masaya.

Kahit na wala siya.

Ano na kayang ginagawa niya?

Maayos kaya ang kalagayan niya?

"Dude!"

"Choco chum!" Peste naman si Aaron oh! Manggugulat na lang eh. "Ano ba Aaron! Masasapak kita eh."

"Na-miss mo na noh?"

"Anong na-miss?" pagmamaang-maangan ko.

"Hindi 'ano' kundi 'sino'. Miss mo na si Ianne noh?"

Napatingin ako sa labas ng bintana. Sa langit. Mukha niya na naman ang nakikita ko.

Miss ko na siya.

Miss na miss.

"Buti na lang nahuli na si Rebecca noh?" pag-oopen ni Win about kay Becca.

"Oo nga eh" pag-sang ayon naman ni Adrian.

Nasa mental hospital ngayon si Reb. Nabaliw siya. Di ko alam kung ako ang dahilan ng pagkabaliw niya basta nabalitaan ko na lang na nasa mental na nga siya.

Maya-maya ay may pumasok na prof samin. Agad din naman kaming dinismiss dahil first day pa lang.

"She's back!"

Rinig kong sabi ng mga studyanteng nadadaanan namin sa hallway. Back? Sinong bumalik?

Kaysa maki-chismis sa kanila, mas minabuti kong magpunta sa secret garden.

Gusto kong matulog.

Pag-akyat ko ng tree house, nadatnan ko si Allianah na nakaupo. Nakatalikod siya sakin. Nahiga na ko. Matutulog ako.

Tumayo si Allianah at mukhang bababa na. Papikit na sana ako nang makita ko ang mukha niya. Saglit akong napatigil.

Parang si...

Agad akong tumayo at bumaba ng tree house. Di ako pwedeng magkamali.

Siya nga!

She's back!

"Ianne!" tawag ko. Sana marinig niya ang boses ko.

Agad siyang humarap sakin.

Si Ianne nga!

Agad ko siyang niyakap nang makalapit ako sa kanya.

"T-teka! S-sino ka?"

Para akong nanghina sa sinabi niya.

S-sino ako?

Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya. Hawak ko ang magkabilang balikat niya. "You.. don't remember me?"

"huh?"

"Its me! I'm you're pillows! I am Xandre!"

Nanlaki ang mga mata niya. Halatang nagulat siya.

"X-Xandre?" sabi niya habang iniinspeksyon ako. "Bakit blue na buhok mo?"

Niyakap ko ulit siya. She hugged me back. Akala ko..

"Akala ko nakalimutan mo na ko.."

"Pwede ba yun? Haha! Yung buhok mo kasi eh.."

Ianne was gone for 5 months. Dinala siya ng daddy niya sa States para mas maalagaan. Na-comatose siya for two months.

5 months of her suffering, 5 months na wala ako sa tabi niya para alagaan siya. Hayy..

"Kyaaahhh Xandre! Miss na miss kita!" sabi niya habang nakayakap pa rin sakin. Napangiti ako.

"I miss you too"

Bumitaw na kami sa pagkakayakap namin sa isa't isa. Tinitigan ko siya pagkatapos ay hinalikan ko siya sa noo.

"I love you, Ianne." bulong ko.

Ngumiti muna siya bago nagsalita.

"I love you too, Xandre." sabay ngiti niya. "Ilang beses na kong nao-ospital pero eto, buhay pa rin. HAHAHAH"

"Tingin mo naman papayag akong mawala ka?" tanong ko sa kanya. "Hindi ako papayag no!"

She chuckled.

Hinawakan ko ang kamay niya. I intertwined my fingers to her finger pagkatapos ay nagsimula na kaming maglakad palabas ng secret garden.

"Hatid kita sa room mo?"

She smiled. "Of course! Its your duty, my Pillows!"

This will be our new beginning.

Our new journey.

Our new chapter of our life.

We will fight together..

As long as ..

We love each other.

-End-

The CommonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon