Chapter 3

642 14 2
                                    

Chapter 3:

Ianne's POV

Natapos na rin klase. Nauna nang umuwi sakin si kuya kasi mas maaga ang uwian nila kesa samin. Naglalakad ako ngayon palabas ng University habang hawak ko ang bike ko.

Pagkalabas ko ng university, sumakay na ko sa bike ko. Ayoko ko ngang maglakad! Ang layo ng bahay namin dito sa university noh!

Pagkadating ko sa bahay, dumiretso na ako sa kusina at tsaka kumain. Di ko nakita si kuya kaya sure ako nandun siya sa kwarto niya. Pagkatapos kong kumain, hinugasan ko na ang pinagkainan ko tapos ay nagtootbrush na ko. Pagkatapos kong magtootbrush, eh naghilamos naman ako. Pagkatapos nun, dumiretso na ako sa kwarto ko. Kumuha ng damit sa sira kong closet at nagpalit. Pagkatapos kong magpalit, humiga na ako sa kama at ayun knock out.

Kinabukasan, maaga akong pumasok sa school kahit na ten o'clock pa pasok ko. Basta trip ko pumasok ng maaga, papasok ako. Kalalabas ko lang ng library, nagbasa kasi ako ng isang book na galing sa wattpad. Nakakakilig kasi.

Paglabas ko ng library...

"KYYYAAAAAAHH"

"ANDITO NA SILAAAAAA"

"EMEGEEEEEDD"

Ayy jusko! Bakit nagtitilian? Parang nasa palengke lang pero mas malala pa to kesa sa palengke.

Nakita ko ang mga estudyante sa taas, nagsisilabasan. Tapos may mga estudyante naman na nagsisipuntahan sa gate. Ano bang meron dun? Dahil nacurious ako ng todo, edi naki-usyoso naman ako. Ang masama nga lang, hindi ko makita dahil bukod sa siksikan, eh ang tataas pa ng heels nila. Nakulangan ba sila sa height? Sa bagay, ako din naman maliit. Dahil hindi ko nga makita, edi umalis na lang ako dun. Baka mamaya mahimatay pa ko sa sobrang siksikan.

Anong oras na ba? Tinignan ko ang suot kong relo na inarbor ko pa kay Athaleya. 8:15 pa lang? Dahil nga ten pa ang oras ng klase ko, naglibot-libot muna ako. Habang naglilibot ako, may nakita akong parang garden. Actually, tago tong garden kasi halata namang wala pang nakakapunta dito. Pero infairness ah, maayos ang garden. Pumunta ako sa garden at naupo.

"Hmmm... Nakaka- good vibes naman dito" saad ko habang nilalasap ang simoy ng hangin.

Nahiga na ako sa may damo. Feel ko mahiga eh. Habang narerelax ako, may narinig akong nagsasalita.

"I still love you.."

Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang katawan ko para tumayo at hanapin kung saan nanggaling ang boses na narinig ko.

Hanggang sa napunta ako sa isang lugar. Nasa garden pa rin ako pero itong lugar na to eh mas tago kesa sa kaninang pinagtambayan ko.

May nakita akong lalaki. Nagsasalita mag-isa. Baka may kausap 'tong hindi 'ko nakikita.

Pinuntahan ko 'yung lalaki at tsaka ko kinalabit. Pagharap niya...

ayy! Gwapo!

Kaso mukhang masunget.

"what?" tanong niya.

"uhhmm.. kase.. tatanong ko lang.. sino kausap mo?" nahihiya kong tanong. Kasi naman... ang gwapo kaya ng kausap ko. Sinong hindi mahihiya?

"it's none of your business" sagot niya sabay lakad palayo. Ang chunget naman ni gwapo.

Sino kaya yung sinasabihan niya ng 'I still love you'? Nakaka- curious!

*Riiiinngg*

Tumunog na ang bell so it means class hour na kaya naglakad na ako papuntang building namin.

The CommonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon