Prologue

482 15 6
                                    

Prologue

Tila parang kandilang nauupos ako sa kinatatayuan ko habang nasa harapan ko si Ate Carmela at ang boyfriend ko. My mouth parted as Echo softly cupped Ate's face and place a tender kiss on her lips.

Si Ate ay umiiyak habang pilit syang pinapatahan ni Echo. At...

"A-nong ibig sabihin nito?" Garalgal na iyong boses ko.

Sabay silang natigilan at lumingon sa akin. Ang bilis na tinulak ni Ate si Echo pero huli na ang lahat. Kitang kita ko ang lahat ng pantataksil nila sa akin.

"Anong ibig sabihin nito?!!" Sigaw ko na.

Umiling iling si Ate at inabot ang kamay ko. Mabilis kong piniksi iyon.

"Kailan mo pa nilalandi ang boyfriend ko, Ate? Alam mong boyfriend ko si Echo pero..." I gasped. Nasasaktan ako.

"H-hindi. Mali ka ng iniisip."

"Paano mo nagawa sa sarili mong kapatid ito?!" Kinuyom ko ang kamao ko para mapigilan ko ang galit ko.

"Listen to me first, Kate." Singit ni Echo. "Si Carmela... Mahal ko sya."

"Eh ano ako? Tangina? Asan ako dun sa relasyon natin?"

"Kate... Minahal kita--"

Mabilis umigkas ang kamay ko sa pisngi nya. Hindi pa ako nakuntento at pati si Ate sinampal ko na din. Mawalan na ako ng respeto, wala akong pakialam.

"Baka nga tama sila? Na ako nalang iyong hindi nakakaalam? Ako nalang iyong ginagawa nyong tanga!? Masaya ba kayo?"

"Kate..."

"Tumahimik ka!" Sigaw ko. "Bakit hindi nyo agad sinabi? Masaya bang makita na nagpapakatanga ako sayo, Echo? Pero si Ate pala ang mahal mo? Asan ako? San iyong lugar ko?"

"Kate, I'm s-sorry.. Pag usapan naman natin ng mahinahon to"

"Para ano pa, Ate? Para ipamukha mo sa akin na ikaw.." Dinuro ko pa sya. "Ikaw iyong mahal ni Echo!?"

Binalingan ko si Echo na tila natahimik na sa isang tabi.

"Minahal mo ba talaga ako, Echo? O minahal mo ako dahil nakikita mo si Ate sa akin?"

Pumikit sya ng mariin bago nagmulat.

"Kate."

"Punyeta! Puro kayo Kate! Kate! Kate! Wala na ba kayong masasabi na iba? Puro pangalan ko nalang?!"

Hinawakan ni Ate ang kamay ko pero nanginginig talaga ako sa galit. All this time, tama sila. Na baka kaya sinasabi ni Echo na mahal nya ako, ay dahil nakikita nya si Ate sa katauhan ko.

Na si Ate iyong babaeng matagal na nyang mahal pero sinasabi nyang wala na syang pakialam!

Binato ko kay Echo iyong kwintas na binigay nya sa akin. Tumama iyon sa dibdib nya, hinarap ko naman si Ate at binato sa kanya ang bracelet na binigay nya din sa akin.

"Magsama kayo!"

Mabilis akong tumalikod dahil natatakot akong baka tuluyan nang mawala ang respeto ko kay Ate. Nilalamon na ako ng galit! Hinanakit! Lahat!

Anong naging kasalanan ko? Mabait naman ako. Sinusunod ko lahat ng bilin ng mga madre sa akin, mahal ko ang Ate ko. Nag aral ako ng mabuti, bakit ganito ang ganti sa akin? Gusto ko lang naman makaranas ng pagmamahal. Iyong katulad sa iba. Iyong katulad kay Ate Dee at kay Kuya Jc. Akala ko nahanap ko na kay Echo, pero mali pala ako. Hindi pala sya sa akin talaga.

Nagpakatanga ako dahil sa pag ibig.

Ang galing na mga tao!

Una palang, pwedeng pwede na nilang sabihin sa akin, bakit pinaabot pa nila sa puntong... ang sakit sakit na. Sa puntong mawawasak talaga ako. Mahal ko si Echo, pero mahal din sya ni Ate. Hindi ako mahal ni Echo, si Ate ang mahal nya. Doon palang talo na ako.

Never Be The SameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon