Chapter Twenty Eight
I swallowed hard as soon as Echo went near me. Hindi ko nga alam kung bakit nandito to, or napadaan lang?
"Hi. I would like to asked for a dinner. Ikaw, si Carmela, at si Sean."
"Hindi ako tunay na kapatid ni Ate Carmela."
Inabot nya ang baso ng kape sa akin. I took it.
"Iyan din ang sabi ni Carmela pero as a sign of respect."
"Kaya nyo na yan. After all, I'm not part of that family."
"Kate," marahang tawag ni Echo.
Sumimsim ako sa kape at kinuyom ang kamo ko.
I know for myself that I have finally moved on. Pero iyong trauma, iyong takot na baka gawin din sa akin ni Hercules, nandon. I had to be matured over this but...
"I don't want to blame you, Echo. But I can't overcome this trauma."
Natigilan sya sa sinabi ko.
"Gusto kong maging masaya, pero hindi ko magawa. Kasi natatakot akong baka maging tulad sa kung paano naging tayo." Yumuko ako. "Ang daming paano sa utak ko ngayon."
"Hey," he became uneasy. "I'm sorry for what I did---"
"That sorry won't change anything, the trauma you gave was still there." Kinagat ko ang labi ko ng mariin. "I'm sorry, hindi ko pa din pala kaya."
Tumayo ako at iniwan na sya doon. Dire diretso lang ako na hindi ko namalayang nalampasan ko na pala si Hercules. Kundi nya pa kinuha ang braso ko, hindi ko pa sya mapapansin.
"Kate."
Tiningnan ko lang sya bago ko binawi ang braso ko. I don't know what happened to me.
Kahit dire diretso lang ang lakad ko, narinig ko pa din ang pagtawag sa akin ni Hercules. Ayoko syang lingunin, ayokong makita nya na umiiyak ako kasi natatakot na ako sa mga posibleng mangyayari.
"Kate!"
Pareho kaming nabasa ng ulan bago nya ako nahawakan uli sa braso.
"What happened? May sinabi ba si Echo? Did he hurt you?"
"He did. He hurt me and it left a scar."
"Baby..."
"I wanted to move forward, but the trauma was still there..." Humikbi ako. "Natatakot ako na baka kapag hinayaan ko ang sarili kong malunod sa saya, biglang bawiin sa akin."
"I'm n-not like that..."
"It was too easy to say it, but at the back of my mind there was a possibility."
Hindi agad nakapagsalita si Hercules sa narinig nya sa akin. I let it out.
"Natatakot ako, Hercules."
"Why did you try it with me then?"
"Kasi gusto kong maging masaya?"
"And I think you're not happy... that's why your crying."
Mas lalong bumuhos ang luha ko. Why did I end up thinking like this, it's not mature.
"Bakit ganun ang tingin mo, Kate? I love you for thinking that I could hurt you like what Echo did." Aniya. "Hindi ka pa ba move on?"
"I moved on. Alam ko, pero hindi ko maalis sa isip ko--"
"Ganun nalang kadali na sabihing sasaktan kita? Bakit, Kate?"
Humikbi ako. Wala nang gustong sabihin na pwede pang makapagsakit sa aming dalawa. Pumikit sya at hinilot ang sentido bago nagmulat uli.
"I hate it when you're crying."
BINABASA MO ANG
Never Be The Same
RomanceWhat if kung ang inaakala mong true love na nahanap mo ay sayo na talaga? Paano kung ikaw nalang pala ang may hindi alam na ang taong pinili mong mahalin ay ang taong mahal pala ng kapatid mo? Wala naman syang naging kasalanan pero bakit ganun ang b...