Chapter Thirteen
"Mahal mo pa ba si Echo?"
Matagal syang hindi nakasagot at lumagok sa bote. Pero nabasa ko ang sagot sa mata nya.
Pinatong ko ang bote ng alak sa lamesa at niyakap ang mga tuhod ko.
"Hindi mo na kailangang sumagot, Ate."
Lumunok sya.
"Ayokong masaktan ka, Kate. Huwag na nating pag usapan to."
"Okay lang ako, huwag mo na ako masyadong intindihin Ate. Malaki na ako."
"Pero, Kate..."
"Kung mahal mo pa si Echo, go for it. Huwag mo na akong isipin pa."
She gasped. Ngumiti ako.
"Naalala mo dati, kapag may gusto akong isang bagay at kahit gusto mo din iyon, ibibigay mo pa din sakin." I sighed. "Gusto kong this time, ako naman iyong magbibigay sayo. Kasi gusto kong maging masaya ka. Oo, nasasaktan ako, pero mawawala din maman ito. Masyado ko lang pinopokus ang sarili ko sa thoughts na galit dapat ako pero medyo oa na."
Umayos sya ng upo at humarap sa akin. Nangilid ang luha sa mata ni Ate.
"You deserve to be happy after everything happens."
"Hindi na. Ikaw lang, mapatawad mo lang ako, okay na ako. Masaya na ako."
Pinunasan ko ang luha sa pisngi ni Ate. Ngumuso sya.
"I'm really sorry, Kate. I'm sorry."
Tumango ako ng marahan at tumayo na kapagkuwan. Tiningala nya ako.
"You should sleep, stop drinking."
"Okay, good night."
I purse my lips and turned my back. Nagpalit ako ng komportableng damit bago ako nahiga sa kama.
Am I making it right this time?
Wala naman na akong laban diba? They love each other, I'm not in the picture anymore.
I woke up the next day with a breakfast on the table. Nakangiti si Ate nang makapasok ako sa kusina.
"Hi, Good Morning."
Tahimik akong naupo sa upuan.
"Did you sleep well?" Tanong ko nang hindi nakatingin.
"Oo. Ahm, magpapaalam sana ako na may imemeet akong business matters sa Korea."
"Go for it, after all you need to divert yourself."
"Tinapos ko na din naman iyong sa amin ni E-echo." Tumikhim sya.
"Pero mahal mo pa sya?"
"Hindi porke mahal mo pa ang isang tao, dapat nyo nang ayusin ang lahat."
Pinaglapat ko ang bibig ko dahil sa sinabi ni Ate. May point naman sya.
"Pa-judge ako kung matamis or tama lang sa lasa."
Marahan nyang tinulak ang bowl na may lamang binignit.
"Naisip ko lang na favorite mo iyan." Ngumiti pa sya.
Dahan dahan kong tinikman iyon at tumango kapagkuwan. Matamis ng konti pero pwede na din, actually mas masarap pa nga iyong pagkakaluto ni Ate kesa doon sa akin.
Nang matapos kaming mag agahan ay naligo na ako at nag ayos na para sa trabaho. Hindi ko na ginawang magpaalam kay Ate, hindi ko pa din kasi alam kung ayos na ba kami talaga or nagkakapaan pa.
BINABASA MO ANG
Never Be The Same
RomanceWhat if kung ang inaakala mong true love na nahanap mo ay sayo na talaga? Paano kung ikaw nalang pala ang may hindi alam na ang taong pinili mong mahalin ay ang taong mahal pala ng kapatid mo? Wala naman syang naging kasalanan pero bakit ganun ang b...