Chapter Twenty Three
I set aside everything and let myself take the risk. Life is short.
Mabilis lumipas ang araw, at dahil on hands kami sa renovation, mas mabilis natapos ito. May pa-dinner si Sir Allen para sa aming lahat. I was busy picking up my food, while the others were busy minding their own business.
Nang binuhat ko ang plato ko ay agad kong hinanap ang table kung saan nakaupo si Hercules. He's talking to Sir Allen, probably finalizing the whole renovation. Doon ako naupo, tahimik para hindi sila maistorbo sa kung ano mang pinag uusapan nila.
"I trusted you for this renovation. And you never fail me." Ani Aliana. "Sorry sa naging aksidente. I never expected."
Kinamot ni Hercules ang batok nya. "Okay lang po yun, Ma'am Aliana."
Tinago ko nalang ang pagismid sa paginom ko ng juice. Muntik pa akong masamid noong makitang nakatingin na pala si Hercules sa akin at nakangisi pa.
Nagpasalamat din si Sir Allen sa akin. Ngumiti ako. Maya maya pa ay tumayo na ang mag asawa at umalis na sa table namin. Rinig na rinig ko ang buntong hininga ni Hercules.
"Kinabahan?"
"Medyo."
Dumampot ako ng tissue at pinunasan ang noo nya, nagkatitigan pa kami kaya hinampas ko sa kanya iyong tissue.
"Grabe." Aniya.
Napalunok ako sa biglang pagtibok ng mabilis ng puso ko.
Last night, I didn't know what happened to me. Para bang biglang tinanggap ko nalang na magdedate na talaga kami for real. Maybe it's the universe telling to enjoy my life.
Right after ng dinner with the team, umalis na din ako. Busog na busog ako kaya sinubukan ko munang maglakad lakad. Ngayon ko lang din natanto na ang lawak pala talaga ng Isla Verde. Buhay na buhay pa ang mga tao kahit na nine pm na ng gabi.
Napadpad ako sa may pool area, mga 10 pm ang paglilinis nito. Iyon ang alam ko. Wala namang tao kaya doon nalang muna ako tumambay.
I tried to deep my foot on the water and sighed. Bahagya ko pang hinilot ang leegan ko dahil sa ngalay.
"I was looking for you."
Muntik na akong magulat nang marinig ko si Hercules sa likod ko.
"Nagpapahindag lang." Hinarap ko sya at nasaktong umupo sya sa gilid ko.
Amoy alak sya at mapula pula ang pisngi.
"Ginagawa mo dito?"
"Hmm, ayoko na dun. Ang tataas nila tumagay."
"Mga construction workers kasi. Mahina ka pala?"
He closed his eyes and smiled a bit. Tinitigan ko naman sya bago nya minulat ang mata nya. He slowly grabbed my waist.
"Matataas lang sila tumagay."
"Okay okay." Tinulak ko pa sya ng bahagya sa dibdib nya.
Hercules caught my wrist.
"M-maaga pa tayo bukas."
Tumango tango sya, binawi ko naman ang kamay ko. I heard him sighed.
"Okay ka lang?"
"I'm okay, don't mind me."
Humangin ng malakas kaya gininaw ako. Naka-sleeveless maxi dress pa naman ako. Dahan dahan at marahan akong hinila ni Hercules palapit sa kanya.
"Baka masanay ako." I quietly said.
"Willing naman ako lagi." Sagot nya.
I pinched his chest, kunwari syang dumaing at tumawa din kalaunan.
BINABASA MO ANG
Never Be The Same
RomanceWhat if kung ang inaakala mong true love na nahanap mo ay sayo na talaga? Paano kung ikaw nalang pala ang may hindi alam na ang taong pinili mong mahalin ay ang taong mahal pala ng kapatid mo? Wala naman syang naging kasalanan pero bakit ganun ang b...