Chapter Twenty Two
Nakatitig lang ako kay Hercules habang umoorder sya ng pagkain namin ngayong gabi. He looked stupid.
"Quit staring."
"Quit acting like a stupid."
Tumango si Hercules sa waiter at inabot ang menu dito. Nginisian pa ako.
"You should try dating, Kate. Baka tumanda kang dalaga."
"Wala naman na sa plano."
"Let's just try, if we didn't work out. We'll stop."
Pinanliitan ko ng mata si Hercules, he smiled cutely.
"Crush mo ko?"
"Hindi pa ba halata?"
Buti nalang hindi ako umiinom ng tubig dahil kundi baka nabuga ko na sa kanya iyon.
"Sure kang hindi naalog ang ulo mo?"
"My my my, Kate. I understand that you had trust issue now."
Sinimangutan ko sya at uminom nalang sa tubig. Well, since he's making me confused, might as well go with the flow.
Madali lang naman umalis kung pakiramdam ko hindi magwowork out ang sinimulan nyang ito.
We ate quietly, pero syempre may itsura naman talaga si Hercules lalo na kapag ngumunguya dahil nadedepina ang bilog nya kaya ang ending may mga bumabaling sa table namin.
Days passes by, pabalik na kami sa Isla Verde para maghabol ng oras for the said renovation. Okay na si Hercules, mas sumeryoso nga sya sa trabaho noong nakabalik kami. Sinalubong pa kami ng asawa ni Sir Allen, and she really feel sorry for what happened. Pinagbigyan ko, ayoko namang magtanim ng kung ano at isa pa trabaho ito.
"Opo. Bale aayusin kasi baka hindi firm." Tumango tango ako sa foreman.
My phone rang, sinilip ko ang tumatawag at nabasang si River iyon. I ended the call. Kaso maya maya biglang tumawag uli.
"Excuse lang po."
Gumilid ako at sinagot ang tawag galing kay River.
[Oh, Kate. I need your tulong.]
"Aba, River. Paalala ko lang marami din naman akong ginagawa."
[Kasi, just one.]
I sighed. "Sige, send mo sa email. Explain ko sayo."
[Yay!]
Sinend nya sa akin iyong tinatanong nya. I patiently explained everything. Matalino naman sya kaya mabilis nyang mapi-pick up. I ended the call again and put my phone on my pocket.
Nasalubong ko ang pagtitig ni Hercules sa akin kaya inirapan ko sya.
"Architect,"
"Ay opo. Pasensya na po." Lumapit ako agad doon at nakinig sa mga tinatanong.
Madami dami kaming nagawa sa trabaho ngayon. Mas sumeryoso nga kasi si Hercules.
"Kate." Tawag nya.
"Wait lang!"
Nakarinig ako ng mahinang pagtawa sa gilid ko. Sinilip ko kung paanong naupo si Hercules sa gilid ko, humalukiphip pa sya.
"What is that?"
"Next project na sinend ni Engr. Lausingco."
Pinatong ni Hercules ang braso nya sa may ibabaw ng upuan ko at lumapit ng bahagya para makitingin din sa binabasa ko.
"Hindi tayo partner?"
"Si Engr. Torres ang naka-assign."
He nodded curtly and slowly placed his chin on my shoulder. Kumabog ng malakas ang dibdib ko hindi ko alam na dahilan.
BINABASA MO ANG
Never Be The Same
RomanceWhat if kung ang inaakala mong true love na nahanap mo ay sayo na talaga? Paano kung ikaw nalang pala ang may hindi alam na ang taong pinili mong mahalin ay ang taong mahal pala ng kapatid mo? Wala naman syang naging kasalanan pero bakit ganun ang b...