Chapter One
Tahimik ang buong apartment noong magising ako. Nagkibit balikat lang ako at nagsimula nang magluto ng almusal ko para maaga akong makaligo ngayon at hindi abutin ng hassle traffic.
Fourth year college na ako kaya dapat pagbutihin ko na para siguradong makaka-akyat ako sa stage. Para mapatunayan ko sasarili kong naging maayos naman ako.
Isang simpleng tshirt na tinuck in ko sa maong pants ang suot ko. I tied my white rubber shoes and grabbed my things. Ni-lock ko ang bahay at tumakbo para makahabol sa jeep.
I wore a light make up to light up my face. Medyo putla daw kasi ako sabi ni Echo--shh! Bad words.
Niyakap ko ang folder kung saan nakalagay ng mga plates ko at tumakbo na dahil kahit anong aga ko sa paggising at bilis ng pagkilos, kapag traffic talaga, traffic!
"Kate!"
Dahil sa tumawag, mabilis kong nilingon iyon at agad na naramdamang nayanig ang buong mundo ko nang may makabanggaan ako. I end up above him, at naramdaman ko pang tumama sa mukha nya ang dala kong folder.
"Fuck!"
"Hala. I'm sorry."
Tumayo ako at umayos. Nanatiling nakapikit iyong lalaking nadaganan ko. I leaned closer pero ang tanga ni Vesta kasi naitulak nya ako kaya yun, naglanding na naman ako sa ibabaw nitong lalaki. Malas pa dahil tumama ang noo ko sa ilong nya.
"Shoot! Sorry!"
"Papatayin mo ba ako, Miss?" Padaing na tanong noong lalaki.
Mabilis akong tumayo. "I'm really sorry."
Walang sabi sabi na hinila ko si Vesta palayo doon. Tangina naman.
"Nakakatawa iyon, Vesta?" Sita ko kasi narinig ko iyong halakhak nya.
"Hindi. Pero... Halika na."
Iniwasan ko ang mga tanong ni Vesta sa akin tungkol sa nakaraang gabi kung saan lasing na lasing daw ako.
"Gusto kong mag aral ng mabuti,"
"Hulaan ko nalang. Niloko ka ni Echo? May babae ano?"
"Vesta, pwede ba?"
"Sabi ko naman sayo, girl. Mukhang hindi mapagkakatiwalaan iyang mukha noong Echo. Lalo na't Torres?" Umismid pa sya. "Huwag kang mag alala, tutulungan naman kitang magmove on. Open for reto ka na ba?"
Hindi ko nalang sya pinansin at pinagpatuloy ang pagdadrawing ng plates namin. Malapit na din kasi ang due date ng mga ito at next month, hello graduation na.
All day kong inabala ang sarili ko sa school works para hindi ko maisip ang problema ko. Huwag nalang sana ngayon, kailangan kong maka-graduate.
"Mauuna na ako, Vesta."
"Oy, ayaw mo bang sumama sa amin?"
Umiling na ako. "Next time, promise."
Hinalikan nya ako sa pisngi at kumaway. Sinakbit ko naman ang bag ko at lumakad na palabas ng university. Gusto ko lang itry iyong milktea shop daw along Pasay. Kanina pa bukangbibig ng mga ka-blocmates ko iyon.
Malapit lang din pala sa daan papuntang apartment kaya dun na muna ako tatambay.
Pagkapasok ko, sinalubong agad ako ng good vibes. Mula sa mga pastel colors sa dingding at mga designs ng shop. May malaking label na, "Brunch N Munch" sa bandang gitna ng counter.
"Welcome to BNM, Ma'am!"
Sumulyap ako sa menu chart.
"Milktea po, taro flavor."
BINABASA MO ANG
Never Be The Same
RomanceWhat if kung ang inaakala mong true love na nahanap mo ay sayo na talaga? Paano kung ikaw nalang pala ang may hindi alam na ang taong pinili mong mahalin ay ang taong mahal pala ng kapatid mo? Wala naman syang naging kasalanan pero bakit ganun ang b...