Chapter Fourteen

207 7 9
                                    

Chapter Fourteen

Napakurap kurap si Echo nang marinig ang sinabi ko.

"Kate am I hearing it right?"

I shifted on my seat.

"Apology accepted?"

Umirap ako. "Hindi madali magpatawad, but I wanna fucking move on, Echo. I wanna start living again."

He smiled. "Damn, thank you, Kate."

"Gawin mo na ang tama this time, Echo. Kung kinakailangang ipaglaban ang Ate ko, please do it!"

"I will. I will fight for us."

Tumango ako at hinawakan na ang mga folders ko.

"Balik na ako."

"You don't want to order food? You got thinner, Kate."

"I'm good. I'll go ahead."

Tumayo na ako pero mabilis akong hinawakan ni Echo sa braso.

"Thank you, Kate. Really."

"Just doing this for Ate Carmela."

Marahan syang tumango pero iyong emosyon sa mata nya, animo'y nabunutan ng tinik.

Malaking tinik ba ako sa lalamunan mo, Echo? Buti nga hindi kita napatay!

Dire diretso lang ang lakad ko palabas ng restaurant. Slightly feeling the heavy on my chest, but I am doing this for myself also. Hindi ako makakusad kung patuloy kong nililingon ang nakaraan.

I should help myself also. I wanted to start a new life."

Sa paglalakad ko papasok, nadama ko agad ang mabigat na pagtitig na iyon. Inangat ko ang tingin ko at nasalubong nito si Hercules. I choose to ignore him, nilapitan naman sya ng isang intern.

Sumunod na mga araw, nagpaalam na si Ate Carmela na tutungo nang Korea. Hindi ako nagbigay ng reaksyon basta tumango lang ako, ewan ko ba sa sarili ko. Na-aawkwardan ako.

Napaka-arte ko naman.

Bawat araw na lumilipas, ayaw ko man mainis pero palaging pabor ang mga head Engineers sa mga idea na pinepresent ni Hercules. Wala namang mali, maayos talaga ang idea nya. Pero paano naman iyong akin? Ang effort ko dito tapos sasabihin lang nina Engineer Mallari, good idea? Tapos ending si Hercules ang ma-aaprubahan?

Pangit nyo naman ka-bonding.

Pinigilan ko talagang irapan si Hercules kapag nagkakasalubong kami. Huminto sya at pabaliktad na lumakad para masabayan ako.

"Ano?" I spatted.

"Okay ka lang?"

"Tingin mo?"

Inayos na nya ang paglalakad nya at hinarangan ako. Hinipo nya ang noo ko kapagkuwan ay umaktong napaso niyon.

"Mainit."

Tinabing ko sya para makadaan ako. Kaso abnormal nga pala itong isang ito.

"Dahil ba sa meetings to?"

Huminto ako at tinuro sa kanya uli iyong basurahan.

"Hanapin mo iyong paki ko doon."

Pagkatapos ay iniwan ko na sya doon. Pumasok ako sa elevator pero mabilis syang nakasunod.

"Parang kasalanan ko naman?"

Hindi ako sumagot at pinindot ang roof top. Hindi mapakali kasi nakatitig talaga sya sa akin. Nang tumunog ang elevator ay mabilis akong naglakad palayo sa kanya.

Never Be The SameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon