Chapter Nine

212 6 2
                                    

Chapter Nine

I woke up with a freaking hangover. Sinapo ko ang ulo ko at minasahe pa.

"Hercules. Kiss mo nga ako, baka sakaling maka-move on na ako."

My eyes automatically open when a quick scene flashes on my mind.

What? What was that?

Kahit masakit ang ulo ko pinilit ko pa ding bumangon. Doon ko nga lang nakita na suot ko pa din ang damit na suot ko kagabi. At amoy soju ako.

Bumangon ako sa kama at lumabas ng kwarto. My steps halted when I saw Ate Carmela sleeping soundly at the sala with a laptop infront of her.

Umurong ako at pumasok uli sa kwarto ko para kumuha ng towel at damit pamalit bago dumiretso sa banyo. Naligo ako para mawala ang sakit ng ulo ko. At nang matapos ay ganun pa din ang itsura ni Ate sa center table ko.

I slowly walked near her and sat inches away from her. Mukha syang pagod na pagod dahil hilik na hilik.

Naghang iyong kamay ko sa tangkang paghawak ko sana sa kanya. Kinuyom ko ang kamao ko at tumayo na. Sa kusina ako pumasok para magluto na, mabuti nalang at saktong day off ako ngayon sa trabaho kaya hindi ko poproblemahin itong hangover ko.

Nang matapos na sa pagluluto ay sumilip ako sa sala. I don't have the heart to wake Ate up kasi dati nasasaksihan ko kung paano sya magkulang sa tulog para lang maging productive sa pang araw araw namin.

Pero...

I sighed again and decided to eat by myself. Wala pa nga ako sa kalahati nang pagkain ko ng pumasok si Ate sa kusina. Saglit pa syang nagulat nang makita na ako doon.

"Kate. Kamusta? Hindi ba masakit ang ulo mo?"

Umiling lang ako. "Kumain ka na din."

Wala na syang naging imik pa at kumuha ng plato para saluhan ako sa agahan. Hindi ako sumusulyap sa kanya pero dama ko ang paninitig nya.

"Bakit?" Tanong ko. Napapitlag sya.

"Ah, san ka galing ka kagabi? Hinatid ka ng lalaki."

"Trabaho."

"Pero lasing ka?"

"May konting salo salo."

Tumango sya. "Ahm. Iyong lalaki kagabi?"

"Junior Engineer sa trabaho."

"Ah." Tumango uli sya.

"Bakit nga?"

"Sinukahan mo kasi sya kagabi."

Dahil sa sinabi nya ay agad akong nag angat ng tingin sa kanya. Nakangiwi si Ate Carmela ngayon na kumukuha ng itlog.

"Totoo?!" Tumango sya. Napapikit ako. "Ano ba yan! Nakakahiya."

"Ayos lang naman daw sa kanya. Uhm, kinailangan nya pang hintaying natuyo iyong damit nya bago sya umalis." Aniya. "Siguro magliliwanag na din."

Lihim ko nang pinagalitan ang sarili ko. Ngayon palang, hindi ko na alam kung paano ko pa haharapin si Hercules. Jusko, nakakahiya. Baka nga kung ano ano na ang nasabi ko sa kanya kagabi, tapos sinukahan ko pa?

Malas ka. Huwag ka ng mag inom, Kate.

"Ahm, sabi nung lalaki kagabi, Hercules ata ang pangalan nya. Sabi nya, successful daw iyong first project mo sa trabaho." Sumilay ang ngiti sa labi ni Ate. "Congrats, Kate. Anong gusto mong gift?"

"Wala." Sagot ko.

Natutup nya ang bibig nya at tinuon nalang ang atensyon sa pagkain. Hinipan ko ang mainit na gatas sa tabi ko bago sya may nilapag na gamot.

Never Be The SameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon