Chapter Four

239 11 10
                                    

Chapter Four

I hugged myself as the wind blow. Pinatunog ni Hercules ang sasakyan nya at binuksan ang passenger seat's door. Mabilis akong pumasok doon.

Hercules handed me some jacket. Sinulyapan ko sya pero nilapag nya iyon sa lap ko.

"Wear it, malamig iyong hangin." Aniya.

"Kumuha ako ng mineral water. Here you go, Kate." Vesta smiled at me. "And your sling bag."

Tahimik na tinanggap ko iyon at uminom. Kamuntikan pa akong mabilaukan ng malingunan ko si Hercules na nakatitig sa akin. He blinked and looked away.

"Sakay na, Vesta."

"Chill. Eto na."

Umayos ako ng upo at sinarado ang bottled water. I once again hugged myself. Sana mamanhid nalang ako sa lamig para hindi ko na naman maramdaman iyong sakit sa puso ko. Kainis.

Buong biyahe ay tahimik lang kami. Si Vesta ay pikit at nakasandal sa bintana.

Hercules cleared his throat. Medyo nawawala na ang tama ng alak sakin kanina, siguro ay gawa ng nabasa kami.

"Address?"

Sinabi ko ang address ng apartment sa kanya. I sighed as he turn right and I saw Ate standing outside the gate.

"Dito nalang."

Hininto nya sa hindi kalayuan iyong sasakyan. I unbuckled my seatbelt.

"Salamat." Tipid kong sabi.

Hercules narrowed his eyes on me but afterwards he nodded. Bumaba ako at agad na napatingin sa akin si Ate, worry is written on her face now.

Sumulyap sya sa sasakyan pero sinarado ko na ang pinto. Bumusina si Hercules bago umalis.

"Tinuro ko ba saiyong umuwi ng ganitong oras?" Salubong ni Ate.

"Hindi, pero malaki na ako. Alam ko na ginagawa ko." Sagot ko. "Anong ginagawa mo dito? Tinuro ba sayo ng mga madre ang maghintay dito ng sa wala?"

"Kate, ate mo pa din ako."

I smirked and pulled myself together.

"Okay. I went cross the line."

"Saan ka galing?"

"Party." Casual kong sagot at nilampasan sya.

Hinablot ni Ate ang braso ko kaya napaharap ako sa kanya.

"Bakit basa ka? Halika na, maligo ka para hindi ka lagnatin."

Binawi ko ng marahan ang braso ko sa kanya. Nilampasan nya ako at nauna pang pumasok sa apartment.

"May condo ka diba? Anong ginagawa mo dito?" Sumunod ako sa kanya.

"Gusto lang kitang icheck, kung ayos ka ba dito."

"Mukha naman akong maayos, Ate." I firmly said, dismissing her. "Kelan ka ba aalis?"

"Pag napag init na kita ng tubig panligo mo. Tyaka, uminom ka ng herba--"

"Kelan ka aalis sa Pilipinas?" Putol ko sa kanya.

Natigilan sya at kinagat ang pang ibaba nyang labi. I don't want to bitch out on her pero the mere fact that I'm near her, pakiramdam ko iyong dating kaisa isang kakampi ko, trinaydor na din ako.

"Ayokong umalis ng pilipinas na hindi tayo ayos."

"Ano bang gusto mo? Kapatawaran? Okay, pinapatawad na kita."

"Natutuwa akong binibigay mo ang kapatawaran pero sana sincer ka naman. Hindi natin pareho hawak ang takbo ng panahon, Kate."

"Iyon lang naman ang gusto mo diba?"

Never Be The SameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon