Chapter Twenty Six

162 9 2
                                    

Chapter Twenty Six

Hercules:
I'm outside your house

I rolled my eyes upon reading his text. Binitawan ko ang draw pen ko at tumayo tyaka sinilip sya sa bintana.

He's obviously standing there looking so stupid.

Napairap na naman ako.

Ako:
Go home. It's late

Tumunog iyong pagbubukas ng gate kaya nataranta ako at mabilis na lumabas ng bahay. Tinaasan nya lang ako ng kilay tapos may dalawa syang flowers. Umismid tuloy ako, I don't like flowers.

"Hercules, pwede ba. May trabaho pa ako."

"You left this in the restaurant."

"Sinadya ko."

"And this." It was a tissue with a note saying, 'Fuck you.'

"Tapos?"

"I'm sorry. It was unexpected."

"Akala ko ba may asawa na si Gretchen?"

"She already had."

"Eh bakit ang kapal ng mukha nyang magpapansin sayo?"

Hercules sighed. "What happened was part of the work, Kate."

"Sana sinabi mo ng maaga kasi naghintay ako ng one hour." Tumingala ako. "Umuwi ka na, Herc."

"Can we talk this out?"

Umiwas ako ng tingin pa. "Bukas na. I still need to finish some drafts. Bukas na din kailangan kaya hindi kita makakausap ngayon."

Kinuha nya ang kamay ko at nilagay doon ang flowers.

"I don't like flowers, Herc."

He kept it and slightly nodded. "Alright. I'm off."

Sinara ko ang gate nang makalabas sya. Kinuyom ko pa ang kamao ko noong tuluyan na syang makaalis.

Magkaiba sila ni Echo. Bakit ba pilit ko silang piangkukumpara? Dahil binigyan ako ng bulaklak ni Hercules na dating ginagawa ni Echo?

Shit this trauma.

Pinasa ko kay Engr. Lausingco ang nagawa ko sa mga designs. Nakangisi nga agad si River sa akin pero wala akong pakialam sa kanya.

"I'll review this, thank you Architect Madrid."

Tipid na tumango ako at lumabas na. Nagkasalubong kami ni Hercules sa pinto, he just stared at me. I was about to speak when Gretchen appeared.

"Engr. Villanueva, about what--"

Nilampasan ko na sila bago ko pa marinig ang nakakairitang boses ni Gretchen. Pagkaupo ko sa cubicle ko, tyaka ko lang natanto na parang nagpapatalo ako kay Gretchen na hindi dapat.

"Ugh!" Ginulo ko ang buhok ko pero inayos ko din kalaunan.

Tumayo ako at naglakad papunta sa vending machine. Kumuha ako ng coke at dinikit sa ulo ko ang lamig niyon. May tumikhim kaya gumilid ako.

I saw Gretchen again, maarte syang yumuko at kumuha din ng bottled water naman.

"May I ask you a question, Architect Capio?"

"If it's personal matters, no."

Tumaas ang kilay ko.

"Ang ganda ng singsing mo." Puna ko pa.

"Oh,"

"Kasal ka na pala no, sana hindi ka na nagpapapansin sa mga ex mo." Inubos ko ang coke na hawak at basta nalang tumalikod sa kanya

Never Be The SameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon