Chapter Twenty

185 10 14
                                    

Chapter Twenty

"Sabog ka ba?" kaagad na tanong ko kay Hercules.

"Bawal yun."

Dinama ko naman ang noo nya at ang leeg, napatawa sya ng dumampi ang likod ng kamay ko sa leeg nya.

"What are you doing?"

"I was checking on something."

Hinawakan nya ang kamay ko. "Geez, Kate."

Binawi ko naman ang kamay ko at lumayo na sa kanya. Dire diretso lang ako papasok sa loob ng cottage ko at napanguso.

The next day, maaga akong pumunta sa renovation site para pag aralan ang gagawin. I immediately saw Hercules there, he's instructing some men. Sinuot ko ang kamay ko sa bulsa ng hoodie.

"Good Morning po," I casually greeted.

Hercules smiled when he faced me, lumapit naman ako sa blueprint na hinanda nya at pinasadahan ng tingin.

"Morning."

Inangat ko ang tingin ko sa kanya.

"Breakfast? My treat."

"Mamaya na."

"Halika na, you need to eat breakfast before working." Tinalikuran na ako ni Hercules kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.

We headed in the near shore restaurant. Masyadong maganda dito sa Isla Verde, tipikal na isla vibes at ang aliwalas ng hangin. Nagulat ako nang marahang binangga ni Hercules ang balikat ko.

"Kulang tulog?"

"Ha? Ah, hindi. May naisip lang ako bigla."

"Kasama ako?"

"Alam mo, Hercules, minsan ang sarap mong lunudin."

Hercules chuckled. "Joke lang, minsan ang seryoso mo masyado."

Inunahan ko na sya pagpasok sa restaurant at pumili ng mauupuan. Hercules sat infront of me, muli ko na namang pinasadahan ng tingin ang buong restaurant. I saw one woman who's eating alone near our table.

"Dangit and tocino." Ani Hercules. "Ikaw, Kate?"

"Scrambled egg tyaka tocino din."

After Hercules ordered sumandal ko at pumikit. Bakit kahit kumpleto yung tulog ko pakiramdam ko kulang pa din? I really wanted to sleep but I need to work.

Pagmulat ko, sumakto ang mata ni Hercules sa akin. Halos mabilaukan ako sa laway ko dahil sa rahas ng lunok ko. Sheesh.

"Bakit?"

"Masama ka na bang titigan?"

Umismid ako, dumating na ang mga pagkain. I started eating while Hercules started watching me.

"Kumain ka."

"Sungit." Aniya bago sinimulang hipan ang mainit na breakfast nya.

Right after we ate our breakfast, bumalik na din kami agad sa renovation site. Nahagip ko doon iyong asawa ni Sir Allen, na pawang nagmamando or nagmamasid sa mga ginagawa.

"Good Morning, Mrs. Ong!" Maligayang bati ni Hercules.

Bumaling sa amin si Mrs. Aliana Ong at nakita ko pang tumaas ang kilay nya. Sarap talaga itapon sa dagat nito. Mali mali naman mga designs na sinasabi nya, naku kung hindi lang ito asawa ni Sir Allen baka natarayan ko na.

"Hi. I just walked pass by. Good luck on your works."

Pumihit ako sa gilid para matitigan ang mga cottages na irerenovate ngayon. We needed to analyze everything first.

Never Be The SameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon