Chapter Eight
I watched how Hercules paid for our Lunch. Sinilip ko pa kung magkano, at halos itabon ko na ang ulo ko sa kanya.
"Ikaw na kaya magbayad." Aniya.
"Sinilip ko lang." Lumayo ako ng bahagya. "May pera ka ba?"
Nilapag nya ang slip sa lamesa at kinuha ang wallet nya. I saw him placed a card.
"Paki-balot na din nung tira. Thank you."
Tumango iyong waiter bago umalis. I sipped on my glass and wipe my lips. Pagbaling ko kay Hercules ay nakatingin sya sa kabilang table, sa table kung saan may dalawang babae.
Lumapit ako sa kanya, "Type mo?" I asked.
Humarap sya at saktong tumama ang ilong ko sa baba nya. Sabay kaming pumikit na dalawa dahil sa lakas ng impact.
"Aish." Dinama ko ang ilong ko.
"Masakit?" Aniya. "Kasalanan mo,"
"Bakit ka kasi humarap?"
"Bakit ka nagtatanong?"
"Masama ba?"
He smirked. "Hanapin mo paki ko doon sa kabilang table."
Umismid ako. Pasalamat talaga to na nilibre nya ako ngayon, kundi, nasapak ko na uli sa kanya iyong folder na hawak ko.
Nang makabalik iyong waiter ay inabot na nya ang card ni Hercules at iyong paper bag. Tumayo na ako at sumunod sa kanya.
"Oy." Habol ko pa.
Ang lalaki kasi ng hakbang porke matangkad. Parang sira.
"Salamat sa treat."
Umangat ang gilid ng labi nya. "And now you know how to say thank you. Ang pakipot pa kasi."
"Ayaw kasi kitang kasabay kumain."
"Alam mo, Kate. Pasalamat ka talaga maganda ka."
"Maganda talaga ako." Umismid pa ako.
Dahil dire diretso ang lakad ko, hindi ko nalamayang nasa tawiran na kami. Kundi pa ako hinila ni Hercules sa braso ko ay malamang nahagip ako noong sasakyan.
"Tss." Aniya. "Kung may balak kang magpakamatay, huwag ka nang mandamay."
Dinama ko ang lakas ng tibok ng puso ko dahil doon.
"Halika na. Humawak ka sakin."
I looked at him. Sya na iyong humawak sa braso ko para igiya ako papatawid. I slightly pouted.
I kept myself occupied by some works. Iyon ang pinagkaabalahan ko talaga araw araw. Don't want to messed this up.
Hindi pa kami nagkakausap ni Ate matapos naming malaman ang totoo. I wanted to ask her but I'm afraid.
Sinuot ko ang hard hat at pumasok na sa construction site. I already saw Hercules instructing the workers.
I stopped and silently watched him. He seem so very focused on his works. Nakasuot ng creme white dress shirt na nakatupi ang sleeves sa siko nya at nakasuot ng hard hat. He's with his usual black slacks and black shoes.
Tumaas ang kilay ko dahil bahagya pa syang naka-pamayawang. Gwapong gwapo sa sarili, mukha namang patatas. Hmp.
"Magandang umaga po, Architect."
Ngumiti ako at tumango. Naramdaman kong bumaling sa akin si Hercules. He flashed his smirked at me.
"Late ka."
BINABASA MO ANG
Never Be The Same
RomanceWhat if kung ang inaakala mong true love na nahanap mo ay sayo na talaga? Paano kung ikaw nalang pala ang may hindi alam na ang taong pinili mong mahalin ay ang taong mahal pala ng kapatid mo? Wala naman syang naging kasalanan pero bakit ganun ang b...