Chapter Fifteen

232 9 1
                                    

Chapter Fifteen

I really expected na pepestehin ako nina Jesusa dahil sa nalaman. Hindi ko na nga lang sila pinansin at naaalibadbaran ako.

Tapos na akong mag empake para sa kailangang dalhin ko sa La Union. Ayon din kasi sa kontrata namin, baka abutin ng limang buwan kaming mamamalagi dun. Wala namang problema sa akin, sa katunayan nga, excited na ako.

"Quit staring." Ani Hercules.

"Araw araw ba tayong magkasama maglunch lagi?" Nakataas iyong kilay ko.

"Masanay ka na. I'm sure kapag nasa LU na tayo, tayo din naman ang magkasama lagi."

Kumibit balikat ako. Ito kasi ang ayaw ko, the more na magkasama kami, the more na lagi naming nakikita sina Jesusa or baka naman sinasadya nilang dito nalang din maglunch kung saan madalas akong hinihila ni Hercules.

"Hi!"

And speaking of the devils. I rolled my eyes at nakita pa ni Hercules iyon. Tinaasan ko sya ng kilay dahil napatawa sya at pinisil ang pisngi ko.

"Lagi na kayo dito?" It was Arian.

"Obvious ba?" Sabi ko.

"Good. Siguro lagi na din kami dito, since na-move ang office namin around the corner din. And the food tastes good." Maarteng sabi ni Jesusa.

I was making a face while eating my food, nakatitig naman si Hercules sa akin.

"Next time, let's jam para naman magka-get together tayo."

Hindi na ako nakinig sa usapan nila. Alam ko namang kay Hercules lang nila sinasabi iyon. Asa pa akong alukin ako ng mga iyan na sumama sa jamming nila.

"Kaya nga, right Hercules?"

Tumayo ako at nagpunas na ng bibig ko. I smiled at Jesusa.

"Anyway, Hercules is not my boyfriend. Kung may plano kayong kausapin sya, huwag nyo nang ipakita na friends tayo because frankly speaking, I am not friends with each and everyone of you." Umalis na ako doon matapos kong sabihin iyon.

Pagkaguluhan nila si Hercules, wala akong pakialam.

"Kate sandali!"

Nakatayo na ako sa tawiran nang makahabol si Hercules sa akin. Humalukipkip ako at nakita syang hinahagod ang buhok nya.

"Bakit mo naman ako iniwan dun?"

"Tapos na kong kumain." Diretso na ang tingin ko.

"Nawalan naman ako ng gana." Aniya sa seryosong boses.

Lumakad na ako para makatawid. Mabilis na nakahabol si Hercules since malalaki naman ang hakbang nya. Papalapit na kami sa Cinco nang mahagip ko si Echo sa gilid.

"Kate," he smiled.

Lumihis ako at lumapit sa kanya at iniwan bigla si Hercules.

"What?"

"Have you read my text?"

"Not interested." Sabi ko. Kanina ko pa kasi nabasa. "Kung gusto mong makuha si Ate uli, do it on your own."

"Just trying my luck."

"Be sensitive, Echo." Tinalikuran ko na sya uli at lumakad pabalik sa Cinco.

Buong maghapon na nag update si Ate sa kung anong lagay nya sa Korea. Sineseen ko lang naman iyon at hindi ako nagrereply sa kanya.

Mas nag-focus ako sa trabaho dahil sa susunod na araw na kami bibiyahe pa-La Union.

Never Be The SameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon