Chapter Twenty Five

170 14 3
                                    

Chapter Twenty Five

"Hercules?"

Hindi ko napigilang tawagin sya. Naunang humarap sa akin iyong Gretchen.

"Yes? We're on our meeting."

Pinakita ko ang relo ko sa kanila. "It's lunch time."

"Architect Capio, let's talk later." Ani Hercules at nilapitan ako.

Ang bilis nyang nahila iyong baywang ko papalayo doon. I also heard him sighed.

"Okay ka lang?"

"Yeah. Where do you wanna eat?"

"Sa jollibee nalang. Para malapit lang sa Cinco."

I was the one who ordered our food.

"May problema ba?"

"Sa project sa Lucena. Napaltan kasi iyong partner ko." Aniya. "Si Architect Capio na."

"May issue ba sa kanya?"

"She's my ex girlfriend, and I don't want to be paired up by her."

Pinunasan ko ang kamay ko.

"She keeps on assuming something that is not true. Nakakairita. But I need to set aside my personal life to my work."

"Kumain ka na, hayaan mo na yun. You need to finish that project right?"

"Alright alright. I'm sorry."

Winagayway ko nalang ang kamay ko sa kanya. Nagpalit kami ng topic, sabi nya lang bumalik na daw si River sa opisina pero naka-on hold pa din ang project na para sa aming dalawa. Tumanggap nalang nga ako ng iba para kahit papaano may sense naman iyong pagpasok ko sa Cinco at hindi sayang ang magiging sweldo ko.

The following days, hindi ko masyadong nakakausap si Hercules. Dahil sa isang rason, masyado syang on hands sa project. Nakikita ko silang magkasama ni Gretchen lagi. Dati na palang dito nagtatrabaho si Gretchen, huminto lang dahil nag asawa.

Ayon sa mga narinig ko, college sweetheart daw dati si Hercules at Gretchen. Pero dahil hindi naman galing sa mayaman si Gretchen, bigla daw nagbago kay Hercules. Usap usapan pa nga din na live in daw talaga sila. Hindi ko tuloy mapigilang mag isip ng kung ano.

Parang nangyari na to dati? Iyong may dadating na ex tapos iyon pala ang mahal ng taong nasa akin ngayon.

God! I hate this trauma. It's tiring.

Binuhol ko ang trash bag at binuhat na iyon papalabas. Muntik na ako mapasigaw nang makita ko si Hercules sa labas lang.

"Hindi ka nagtext?"

"I did. Pero busy ka ata."

"Ah, sorry. Nagchacharge phone ko."

Kinuha nya ang trash bag sa kamay ko at hinawakan ang kamay ko bago naglakad.

"Hmm?"

"May site visiting kami sa Lucena bukas hanggang linggo. I wouldn't be able to meet you."

"Gagi. Okay lang."

"Mamimiss kita."

Pinisil ko ang ilong nya. "Bawal ka magsleep over diba? Hangga't di pa tayo?"

He made a face. "Is this not enough?"

"Akala ko ba hindi ka nagmamadali?"

"Sabi ko nga."

Hindi naman sya nagtagal dahil binisita nya lang daw ako. Mukhang pagod na nga sya kasi tinanggihan na nya iyong kape na inaalok ko. He hugged me before leaving.

Never Be The SameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon