Disclamier: Ang kwentong ito ay isang collaboration kasama ang aking kaibigan (Dew_Berry ) Maaari pong pakisuportahan sya! Maraming salamat po.
Ps: para mas maintindihan ang takbo ng kwento ay pwedeng basahin muna ang A Girl Named Carmela, pero pwede namang hind na, pero uli, mas maganda kung susuportahan nyo iyon! maraming salamat!
•••
Chapter Two
Graduation Day.
Maaga ako nagising dahil isa ito sa mga araw na hinihintay ko, ang graduation ko at sa wakas, mapapatunayan ko rin sa lahat lalo na sa dalawang nanakit sa akin na kaya kong iraos ang lahat kahit wala ang tulong nila.
5:30 am na nang dumating si Ate Jecel. kinausap ko kasi siya na hangga't maaari,siya na lang ang gusto kong makasama sa pagmartsa sa stage. Nagtataka pa nga siya kung bakit at imbis na ang so-called na Ate ko at di na lang niya muling tinanong nang mapansin niyang hindi ko sinasagot ang tanong niya kapag tungkol kay ATE.
Marunong naman ako mag makeup kahit papaano kaya hindi na ako nag abala pa na kumuha ng makeup artist, pagdating rin kasi sa makeup ay sarili ko lang ang pinagkakatiwalaan ko. Light makeup, pagplantsa ng buhok, sapat na yan para sa akin.
Bandang 6:30 am na nang marating namin ang PICC; ang venue ng graduation namin. Marami rami na rin ang mga tao nang marating namin yun. Magkasama naming tinahak ni Ate Jecel ang daan para hanapin ang mga kasama ko sa Section ko at kasama roon si Vesta na kasama ang mga magulang niya.
Nagbeso pa muna kami ni Vesta bago ko ipakilala ang kasama ko.
"Vesta, this is Ate Jecel. The good Ate."
"Makasabi ka naman na Good Ate, parang masyado nang bad yung isa." Sabi ni Vesta at nagshakehands sila ni Ate Jecel habang si Ate Jecel naman ay parang naguguluhan na tumingin sa akin.
"Ano ba talaga ang nangyayari sa inyo ni Carmela ha, Kate?"
"Ay, di ba nya alam?" Pabulong na sabi ni Vesta at ako naman ay inirapan lang sya.
"Magtatanong ba kung alam din ni Ate Jecel?" Pabulong na sagot ko. "Umayos na nga tayo ng pila."
Inayos na namin ang mga pila namin at ganun rin sa mga kasama namin.
"Ako na jan sa bag mo,ang hassle naman kung bitbit mo pa yan mamaya pagkuha mo ng diploma mo sa stage." Pagkuha naman ni Ate Jecel sa handbag na hawak ko at napatingin siya sa likuran ko. "Di'ba si Ate Carmela mo yun?"
Lumingon naman ako sa direksyon na kung saan nakita ko ang Ate ko at si Ate Dee. Nasa malayo sila at nakatayo lang sa isang puno na naroon. Nginitian nila ako lalo na ni Ate pero sinuklian ko lang yun ng irap.
Umagang umaga, nakakainit ng ulo ang paligid. Hindi na nakakatuwa ang mga nangyayari. Graduation ko na nga lang ang inaasahan kong magandang pangyayari sa akin, tapos eto magpapakita lang din siya sa akin.
Sakto naman na pinapapasok na kami sa loob kaya niyaya ko na rin si Ate Jecel.
"Tara na Ate, pasok na tayo sa loob." sabi ko at naglakad na kami papasok roon.
***
"Our another Cum Laude for Master Architecture, Miss Kate M. Crabajales!"
I stood up already nang matawag na ang pangalan ko at lumakad na ako paakyat sa stage para tanggapin ang awards ko. Maraming camera ang nagfaflash sa stage kaya pilit ako na ngumiti kahit pa marami akong pinagdaanan nitong mga nagdaang araw.
BINABASA MO ANG
Never Be The Same
RomanceWhat if kung ang inaakala mong true love na nahanap mo ay sayo na talaga? Paano kung ikaw nalang pala ang may hindi alam na ang taong pinili mong mahalin ay ang taong mahal pala ng kapatid mo? Wala naman syang naging kasalanan pero bakit ganun ang b...