Chapter Twenty Nine

195 14 1
                                    

Chapter Twenty Nine

"Happy Birthday po uli, Engr. Lausingco!"

Kahit nasa labas na kami ay panay pa din silang bumabati kay Engr. Lausingco. Nilahad na nya ang girlfriend nya sa sasakyan. Nanatili naman akong nakatayo at tinatanaw ang pwedeng paglabasan ng taxi para makauwi na ako.

Pasado ala dose na din, nagkatuwaan pa na uminom kaya inabot kami ng alas dose.

"Oy! Hindi ka ba sasabay kay Engr. Villanueva?" Tanong na naman ng isang Engr.

"Ah, hindi. Magtataxi nalang ako."

"Wala ka pala, Engr. Villanueva. Mahina ka."

Nakita kong tinulak pa nila palapit sa akin si Hercules kaya alangan akong ngumiti. Nakisabay na si Vesta paalis sa ibang katrabaho namin.

"Sumabay ka na sakin para matigil na sila." Bulong ni Hercules bigla.

"Ayoko nga."

"Ganyan talaga sa mga first month. May small quarrel."

Peke akong ngumiti sa kanila. Napipikon na ako, tapos wala man lang ginagawa si Hercules.

"Mauna na kami. Kaya nyo na yan."

Tinanaw ko uli ang daan at nakitang tahimik at walang katao tao man lang. Hindi ko na pinansin si Hercules. Narinig kong pinatunog nya ang lock ng sasakyan, humangin ng malakas. Sinilip ko ang Belle Ame at nakitang madilim na iyon.

I shivered.

"Teka, Hercules."

Lumapit ako agad sa sasakyan nya at sumakay sa passenger seat. His forehead knot.

"Pasabay na kahit hanggang sa sakayan lang."

"Alright,"

Pinahinto ko sya noong dumaan kami sa bus stop pero tila hindi nya narinig.

"Dito nalang ako."

"It's late, ihahatid na kita sa bahay nyo."

I kept my mouth shut and shifted on my seat. Tumanaw nalang ako sa bintana habang bumibiyahe. Naging mabilis nga ang biyahe dahil halos kokonti nalang ang mga sasakyan sa daan ngayon.

"Ano pala..." I cleared my throat. "Gusto ko lang sabihin na para hindi tayo awkward sa trabaho, wag mo nalang pansinin mga sinasabi nila."

"I don't care about them neither."

"I'm making it clear, baka kung ano pang isipin mo."

"Rest assured."

Kinalas ko na ang seatbelt ko at bumaba na. As soon as I close the door, mabilis syang umalis. I rolled my eyes and went inside.

Sumunod na mga araw, as expected. Tinukso kaming dalawa, lalo na noong nagkaroong ng monthly meeting sa loob ng conference room. Everyone was teasing us, kasi pareho kaming nagbigay ng idea kay Engr. Shinubo. Pero sa huli para makaiwas, iyong kay Herc nalang ang binigay ko.

Natapos na ang project namin ni River at expected na may ibibigay uli sa akin. Excited ako, pero noong nalamang kong si Hercules ang kasama ko dito. Parang umurong ako bigla.

Feeling ko napag kaisahan na naman kami.

Nilapag nya ang plan nya para sa renovation ng Graceland sa Lucena sa cubicle ko.

"Review and let me know about your opinion."

Tumango ako. I should set aside my personal matters to my work. Hindi ako yayaman dito.

Kakatapos lang ng work hours ko nang may humila sa braso ko. I gasped upon seeing Vesta. Kumindat pa sya sa akin.

"Labas naman tayo."

Never Be The SameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon