Chapter Six

210 10 8
                                    

Chapter Six

I wrinkled my nose as I stood still in the entrance. Godness! Bakit sa daming araw na pwedeng malate si Hercules, ngayon pa?

Napaayos ako ng tayo noong makita ko na may sasakyang dumating. Pinarada nya iyon sa gilid bago bumaba.

"I'm sorry, I'm late." He cheekily said.

"Next time be professional." Sai ko bago pumasok sa mismong site.

"Pwede nyo naman simulan ang meeting nang wala ako." Aniya.

"Ikaw ang nirerequest ng head construction, Engineer." I said the last word in a sarcastic.

Inamba ko sa kanya iyong mga dala kong designs noong tumalikod sya. May site visiting kasi kami ngayon, at late si Hercules eh sya ang hinahanap dito. Nagawa nya pang mag-pacute smile, akala mo naman bagay.

Sumunod na ako sa loob. Binato nya sa akin iyong hard hat. Nasalo ko naman pero ang nahulog ay iyong mga dala kong design.

"Ayos naman, Engineer." I sarcastically said.

Pinulot ko ang mga nahulog at sumunod sa kanya. Actually, one week na simula nang magsimula ang project na handle naming dalawa. On hands ako dahil ayokong may masabi sa akin si Engineer Lausingco, lalo na't first project ko ito.

Okay naman sya, huwag lang talaga kapag tinotopak itong si Hercules.

Nakatanaw ako sa mismong construction habang nasa lamesa si Hercules at may nirereview.

"Architect,"

"Yes?"

"Ano ito?" Tinuro nya iyong isang design. Pinaliwanag ko naman. "Bakit naiba?"

"Eh, pinakita ko naman sayo yan via email pati kay Engineer Lausingco, approved naman kaya inayos ko uli."

"Wala akong na-recieve." Aniya bago nilapitan ang head ng construction.

Umirap ako sa hangin. Diba? Tinotopak na naman sya.

After nang site visiting namin, nagpaalam na kaming dalawa ni Hercules. Nagpahuli ako sa paglalakad pero nang makalabas ako, nakita ko syang tila naka-abang sa akin.

"Sabay na tayo pabalik sa opisina."

"Hindi na. Mag-commute nalang ako."

"Akala ko nagtitipid ka? Come on, Kate."

Tinapunan ko sya ng tingin at umiling.

"Ingat ka nalang."

Buong araw sa pagtatrabaho ay naging matiwasy naman ako. Bawat araw na lumipas, wala nang ginawa si Hercules kundi ang mangulit ng mangulit pero kapag nasa site visiting kami, kung makapag-sungit, akala mo naman bagay sa kanya.

DAY OFF ako kaya naisipan ko nalang mag-general cleaning. Maaga akong nagising kaya naman tanghali palang pero tapos na akong maglinis ng buong apartment.

Hindi ako nagpapa-laundry kasi nga nagtitipid ako, tyaka kaya ko namang maglaba. Sanay na sanay, kung ikaw ba naman ang lumaki sa Bahay Parola.

Pabagsak akong naupo sa sofa matapos kong magsampay ng mga damit ko sa likod. Inabot ko ang cellphone ko at bahagyang kumunot ang noo dahil lately, hindi nangungulit si Ate ngayon.

Iniisip ko nga na sana bumalik nalang sya sa Korea, nandoon na kasi ang buhay nya. Umuwi lang talaga iyon para sa graduation ko. At sana magawa ko na din syang kausapin.

Pagkaupo ko sa sofa ay may nasipa akong box sa ilalim ng coffee table ko. Saglit na kumunot ang noo ko bago ko naalala iyong parcel na pinadala ni Echo sa akin.

Never Be The SameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon