Chapter Seven
Tinago ko ang cellphone ko matapos kong mabasa ang text ni Ate Dee sa akin.
Kakaluwas ko lang ng maynila para sa paglipat ko dito. Simula nang grumaduate si Ate at nagpasyang magtrabaho sa ibang bansa, si Ate na palagi ang nakatunghay sa akin at ngayon, nakatanggap naman ako ng scholarship para sa kolehiyo ko.
Pinaghirapan kong makapasok doon para hindi na din gaanong mahirapan si Ate sa pagtatrabaho sa ibang bansa at medyo nakakahiya din naman kay Ate Dee at sa pamilya nya dahil nag-ooffer sila ng tulong. Tinanggihan ng mga Madre iyong offer ni Miss Zarsuelo kasi sobra sobra na daw iyong naitutulong nya sa Bahay Parola. Sa ngayon, goal ko lang talaga ay mag aral ng mabuti at maging Architect balang araw.
Tinanaw ko ang labas ng mcdo para icheck ang pagdating ng sasakyan ni Ate Dee pero may nahagip akong agaw atensyon na isang lalaki. Halata mo ang pagiging masungit nya dahil sa simangot nitong itsura.
Matangkad at medyo magulo ang buhok nya. Umiwas ako ng tingin sa kanya nang maramdaman nya siguro na may nakatitig sa kanya. Mabuti nalang at nakita ko na iyong Audi ni Ate Dee kaya hinila ko na iyong maleta ko at lumabas na.
Sa paglabas ko sa pinto, nagkabungguan kami noong lalaki kanina. Mabilis nyang nahawakan ang braso ko para hindi ako tuluyang mabuwag sa kinatatayuan ko.
"I'm sorry, are you okay?" Mababa ang boses nya.
"O-okay lang, pasensya na."
Maliit ang ngiti nya bago tumango. Kinalas ko ang braso ko sa kanya at naglakad na palabas.
Sinalubong ako ni Ate Dee para saluhin ang maleta ko.
"Pasensya na ate, naka-istorbo pa ata ako."
"Walang istorbo, Kate. Sumakay ka na." Nakangiti nyang sabi.
Tumango ako at sumakay na sa passenger seats. Napasulyap pa ako sa pwesto noong lalaki at wala sa sariling napangiti ako.
Bawal, Kate. Pero siguro crush lang no? Sana makita ko pa sya uli.
Mabilis akong napabangon ng may narinig akong nag doorbell. Ewan ko ba, pero lately, nag-eexpect ako na baka si Ate iyon. Halos dalawang linggo na syang walang paramdam sa akin, kahit papano naman nag aalala pa din ako dun. Baka kasi pinepeste na naman sya ni Echo.
Or baka naman nagkaayos na sila kaya wala na syang time bisitahin at kamustahin ako?
Si Ate Jecel ang bumungad sa akin pagbukas ko. May dala syang paper bags na sa tingin ko ay mga pagkain na niluto nya para sa akin.
Pinanuod ko syang ayusin ang mga iyon sa ref ko. Initin ko nalang daw kapag nagutom ako.
"Ate Jecel," Alangan kong tawag.
"Ano iyon?"
I shooked my head. "Ah, wala wala."
Huminto sya at bumaling sa akin.
"Mag aayos lang ako, paalam ka po kung aalis ka na."
"Kate, itanong mo na iyan." Aniya.
I pouted and bow down my head.
"Si Ate mo ba?" Tanong nya. Tumango ako. "Lumipad pa-Korea. May aasikasuhin lang daw."
I sighed. Okay lang naman pala sya.
"Sige na, mag ayos ka na. Aalis na din ako at dinaan ko lang talaga iyan sayo. Baka kasi nalilimutan mo kumain at abala ka sa trabaho."
"Salamat ate."
BINABASA MO ANG
Never Be The Same
RomanceWhat if kung ang inaakala mong true love na nahanap mo ay sayo na talaga? Paano kung ikaw nalang pala ang may hindi alam na ang taong pinili mong mahalin ay ang taong mahal pala ng kapatid mo? Wala naman syang naging kasalanan pero bakit ganun ang b...