Chapter Five

243 9 2
                                    

Chapter Five

Pakiramdam ko namamawis ako ng malamig noong maupo sa tabi ni Hercules si Engineer Lausingco. Ngumiti sya sa akin.

"Miss Crabajales, right?" He asked.

Sunod sunod akong tumango.

"Yes, Engineer."

"Ah, ikaw nga iyong nirekomemda ni Carmela sa akin."

"Carmela Zarsuelo po?"

Tumango sya. "And I already read your potential. Fresh graduate ka palang?"

"Engineer, akala ko ba ako ang mag iinterview?" Singit ni Hercules.

Ang sarap sipain neto.

Natawa si Engineer Lasuingco kaya mas nadepina ang singkit nyang mata. Totoo nga no? Iba iyong hatak nung singkit nyang mata. Palagi ko kasing nababasa ang articles tungkol sa kanya, iyong iba tungkol sa kanila ng mga pinsan nya.

Masyadong maimpluwesyang apelyido ang Lausingco, I couldn't blame the media's if their going crazy over the Lausingco's life.

"Alright. Labas na ako." Tumayo na si Engineer Lausingco. "Have a good day, Miss Crabajales."

"Thank you, Engineer." I smiled widely.

Nang makalabas si Engineer ay narinig ako ang pagtikhim ni Hercules sa harapan ko. I had to stop myself from arching my brows.

"So, let's start?"

Umayos ako ng upo. "Okay..." pinasadahan ko ng tingin ang lamesa nya.

Junior Eng. Hercules Villanueva.

I gasped. Wow. So, he's a Junior Engineer? Mukhang kaka-graduate nya lang din naman ah.

Hercules shifted on his seat and started asking some question, mataman ko namang sinasagot iyon.

"Okay, since mukhang kilala ka naman ni Engineer... And you're potiential is good and qualified for an Architect..." Nilahad nya ang kamay nya sa akin. "Welcome, Architect Crabajales."

Ngumiti din ako at tinanggap ang kamay nya para sa shakehands. Afterwards, nagbriefing na din kami.

Hindi ko lang maiwasang isipin na maayos naman pala kausap si Hercules and he's really professional on his job.

"Can I start tomorrow?"

"Yes, we'll be expceting you to be good on your works."

Niligpit na nya ang mga papel. Tumayo na din ako.

"I'll go ahead," tumikhim ako. "Engineer Villanueva."

"May lakad ka ba?"

Umiling ako. "Wala naman."

"Lunch? My treat."

Mabilis syang nakatayo at kinuha ang bag nya. He towered over me, hindi naman kasi ako gifted sa height. At kahit na may konting heels naman ang suot ko, still, Hercules is taller than me.

Pinagbuksan nya ako ng pinto, nauna akong lumabas. Huminto ako at hinarap ko sya, kaso muntik na akong mauntog sa dibdib nya. Mabuti at mabilis akong nakalayo.

"Ahm,"

"Engineer Villanueva, kailangan po kayo sa conference room." Singit ng isang babae.

"Ngayon na?" Sinilip nya ang wrist watch nya.

"Opo, si Engineer Lausingco din po ang nagpapatawag."

Bumuntong hininga sya. Alright, hindi ko na kailangan ng excuse kasi bakit nya ako aayain mag lunch? Just because I got this job, doesn't mean he had to treat me out? No. I can eat alone.

Never Be The SameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon