Chapter Ten

187 6 0
                                    

Chapter Ten

Exactly five minutes nang magpasya akong pumasok na sa loob. Nakaupo na si Ate sa tapat ng laptop nya na parang hindi umiyak kanina pero kahit ngumiti sya, kitang kita ang bakas ng pagkapaga ng mata nya.

"Kate. Nandito ka na? Nagluto na ako."

"Maliligo lang ako."

Tumango sya. Hinubad ko ang sapatos ko at pasimpleng nanitig sa kanya. Pagkatapos ay dumiretso ako sa kwarto para ilapag ang gamit ko at kumuha ng damit at pumasok sa banyo.

Pareho kaming tahimik ni Ate sa hapag kainan. Napasinghot nga sya kaya inangat ko ang tingin ko sa kanya.

"Umiyak ka ba?" I kept my straight face.

"H-hah? Hindi naman."

Tumaas ang kilay ko. Hindi pa din magaling magsinungaling si Ate. Kinibit balikat ko nalang iyon.

If she doesn't want to talk about that, I won't force her. Kilala ko si Ate na kusang magsasabi sa akin. But then again, I also remember na itong sa kanila ni Echo ay hindi nya nasabi sa akin. So why does bother?

Suminghot uli sya noong matapos kami. I stood up and decided to wash the dishes.

"Ako na," tinaboy ko sya paalis sa kusina.

Maliit syang tumango bago tumalikod. I sighed while staring at her back. Kailangan ko na bang kausapin si Echo para hindi na masaktan si Ate?

Nasaktan din naman ako, pero sa tingin ko sya itong mas na-apektuhan. Mukha lang malakas si Ate pero mahina iyan.

Habang naghuhugas ng pinggan iyon ang laman ng isip ko ngayon. Really? Echo is such an asshole for doing this to us. May mga kapatid naman syang babae! May nanay na matapobre!

Maaga akong pumasok sa Cinco sa sumunod na araw. Nag iwan na din naman ako ng breakfast sa lamesa. Sa cubicle ko ako dumiretso at pasalampak na umupo sa swivel chair.

"Good Morning."

I almost jumped in shock when I heard Hercules beside me.

"Ano ba? Don't you know the word, privacy?"

Ngumiti sya, bahagyang sumilip ang biloy nya at yumuko sa akin. Mabilis akong sumandal sa upuan para lumayo.

"A-ano?"

"Sungit mo. Nagising ka ba sa maling parte ng kama?" Hinilot nya pa ang noo ko. "Aga agang nakakunot agad."

"Umalis ka na nga dito."

"Alright. I just personally delivered this to you. Have a good day, Architect."

Kumindat sya bago lumayo at inayos pa ang suot nya. I made a face and check the coffee he placed on my desk.

"Always choose to be happy."

Umangat ang kilay ko. How corny.

Sumimsim ako sa kape at wala sa sariling napangiti nang matikman ang tamang tamis at tapang ng kape.

"Sarap ng pagmamahal no?"

I stopped and glanced at my side again.

"Ang sweet ni Engineer Villanueva, sana all may pa-kape sa umaga?" I can sense the teasing voice of Fatima.

"Ang aga mong tumismis."

"Pero hindi ako tsismosa." She even chuckled. "Anyway, iyong hard copy pala nung blueprint?"

And just like that, my day started with the teasing of Fatima. Narinig pa ng ilang ka-department namin kaya naman pati sila inulan ako ng tukso. Ako naman, napapangiwi.

Never Be The SameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon