Chapter Three
Ngumisi sya sa akin. The fuck!
"Not really, nagkabanggaan lang kami. Pero hindi big deal." Casual nyang pagkakasabi.
He greeted his parents and siblings, pinakatitigan ko sya at natanto na sya iyong nabangga ko noon.
"You are?" He asked and pointed at me, like he was thinking.
"She's Kate Crabajales." Sagot ni Vesta.
Umangat ang kilay nitong lalaki at may mapaglarong ngiti na umukit sa labi nya.
"Spokeperson ka nya, Vesta?" Natawa sya at bahagyang kinagat ang labi. "I'm Hercules, by the way."
"Maupo na kayong lahat, lalamig ang pagkain." Ani Tito.
Hinila ako ni Vesta paupo sa tabi nya, habang naupo naman si Hercules sa harapan ko. I ignore him and focus on my plate.
"Trapik ba, Hercules?"
"Medyo, Nay. Pero naayos ko na iyong dapat kong ayusin."
"Bueno, malapit na uli akong sumakay ng barko. Alagaan nyo ang Nanay nyo."
"Kung dumito ka na kaya, Tay?" Si Ate Pers.
"Isang taon na kontrata nalang naman. Tyaka, hindi pa gaanong tapos ang bahay natin."
Saglit akong nakaramdam ng pagkailang dahil bakit nga ba ako nandito uli? Pakiramdam ko tuloy out of place kasi hindi nila ako pamilya.
Buong pagkain ay maraming tinatanong at kapagkuwan ay pangaral ang mga magulang nila. Heto na naman iyon pakiramdam ko na sana may mga magulang din ako. Mabisita nga sila Tatay sa weekends.
"May kukunin pala ako sa kwarto! Hintayin mo ako jan." Sigaw ni Vesta habang papasok sa bahay nila.
Tumayo ako sa may balkonahe nila at niyakap ang sarili ko. Medyo malamig ang simoy ng hangin.
My phone beep again, a notification from messenger and one text from Ate Jecel.
Ate Jecel:
Kate, nasan ka? Dumaan ako sa bahay mo.Ako:
Sa bahay ng kaibigan ate.Ate Jecel:
May pinaabot lang iyong ate mo. Hinabilin ko sa landlady ha. Tanggapin mo, tutuktukan kita kapag tinapon mo.Napabuntong hininga ako at marahang dinama ang pagtibok ng puso ko.
"Ang lalim, muntik na akong malunod."
Umurong iyong dapat na luha ko ng marinig ko iyon. Bumaling akosa gilid at nakita kong nakatayo na din sa tabi ko si Hercules.
"Kita mo iyon," tinuro ko iyong basurahan na sa harapan namin.
"Yeah?" Taka syang tumango.
"Doon ko tinapon iyong pake ko. Hanapin mo ha." I even tapped his shoulders.
He chuckled and leaned on the railings before facing me.
"Malungkot ka?"
"Nan--"
"Your eyes says so." Kibit balikat nya.
"Tss."
"So you're friends with Vesta?"
"Alam naman na, tatanungin pa."
Umayos sya ng tayo at humalukiphip.
"Bakit ang sungit mo?"
"Bakit ang kulit mo?"
"Makulit ba ako?" Gulat nyang tanong.
"Nakakaasar ka kasi."
BINABASA MO ANG
Never Be The Same
RomanceWhat if kung ang inaakala mong true love na nahanap mo ay sayo na talaga? Paano kung ikaw nalang pala ang may hindi alam na ang taong pinili mong mahalin ay ang taong mahal pala ng kapatid mo? Wala naman syang naging kasalanan pero bakit ganun ang b...