Chapter Twelve

180 8 5
                                    

Chapter Twelve

Wala si Ate sa bahay ng makauwi ako kaya tumawag ako kay Mother Sylvia para itanong ang procedure nang pagluto sa binignit.

Habang naamoy ko iyon at napapangiti nalang ako nang maalala bigla iyong panahon dati sa Bahay Parola. Patapos na ako ng maramdaman ko ang pagdating ni Ate.

"Binignit?" Tanong nya na nakasulyap sa bukana ng kusina.

I nodded. "Gusto mo? Kuha ka nalang."

"Pwede?" She smiled and accept the bowl I'm offering her.

Sumandal ako sa sink at hinalo ang akin.

"Pakisabi kung matamis masyado."

Hinipan nya iyon at dahan dahang tinikman. Kapagkuwan ay tumango tango sya.

"Dalhan ko Dee. Magugustuhan nya yan."

"Sige lang." Binuhat ko na ang mangkok ko para makaupo ako sa lamesa.

"Kate, thank you for this."

Di ako sumagot at hinarap ang drawing tab ko para isketch na iyong plan para sa next project. Sa baguio nga iyon itatayo, at ayokong pumalpak dito ngayon.

"May sasabihin ka ba?" I asked her, damang dama ko kasi iyong paninitig nya.

"Ah, ano kasi may business trip ako sa Korea next week for two days lang naman. Baka may gusto kang ipabili?"

"Almonds nalang."

Siguro tumango sya pero di ko na pinansin pa. Actually, hindi ko kasi alam paano ko sisimulan iyong gusto kong sabihin sa kanya. Pakiramdam ko pa ang awkward?

Pinagmasdan ko syang magsalin sa isang canister ng para kay Ate Dee, I just shrugged and continue sketching. Her phone rang, atubili syang sinilip kung sino ang tumawag pero agad na napanguso matapos mabasa ang tumawag.

"Dalhin ko lang to kay Dee. May ipapabili ka ba?"

Umiling ako habang hindi inaalis ang tingin sa screen. Nakaalis na din naman agad si Ate.

After I finished eating Binignit, I clean the kitchen. Tapos ay lumipat ako sa salas para doon tapusin ang ginagawa ko. Halos mapatalon nga ako sa biglaang pagtunog ng cellphone ko.

I rolled my eyes after reading Hercules' name on the screen. Binalewala ko iyon pero hindi sya tumigil. Hindi pa nga nakuntento at sa messenger pa talaga tumawag.

"Problema mo?" Bungad ko pagkasagot ko ng tawag.

[Open your cam.]

"Ayoko. I'm busy."

[Ishare screen mo. May papakita ako.]

I picked up my phone and share the screen.

[See that? I hope it can help you. I'll send you the link, okay?]

"Alright... thank you."

[Anything.]

I ended the call and waited for his email. Sinave ko agad iyon bago ako nagpatuloy sa ginagawa ko.

---

"So are you saying na nanghihingi na ng closure si Echo sayo?" Ani Vesta. "Teka? Bakit pa? Hindi ka naman nya minahal diba?"

Sinamaan ko sya ng tingin. Pero mas lalo lang kumunot ang noo nya.

"What for? Tyaka payag ka ba? Or do you still have feelings for him?"

Sumimsim ako sa kape ko at umiwas ng tingin. Binangga ni Vesta ang balikat ko.

"I know you."

"Nakakapagod nang masaktan. I want to start."

Never Be The SameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon