Chapter Thirty

261 19 4
                                    

Chapter Thirty

The plan was to avoid Hercules but how? We need to talk for this project!

Late ako noong makarating sa site mismo. And I don't care, kasalanan ko bang wala akong sasakyan??

Sinulyapan nya lang ako, nilapag ko yung bag pack ko sa isang tabi at kumuha ng hard hat. Saglit pa nga akong namangha sa ganda nitong Graceland. Para syang isang golf club na may restaurant sa gilid at mga guest room for members. Iyon ang irerenovate, since gusto ng may ari na mas lalong magmukhang class.

Okay ako sa mga plano at idea ni Hercules dito, though I gave some of my ideas regarding to this.

"This is Architect Madrid, she's my partner for this project." Nilahad ako bigla ni Hercules sa kausap. "Architect Madrid, this is Dr. Collins, owner of this Graceland."

Mabilis tuloy akong tumungo pero naglahad ng kamay iyong Mr. Collins. He looked young.

"Pleasure to meet you two. I already talked to Shinubo about this matter. He trusts you two, so I'll trust you."

Inexplain lang namin ni Hercules ang bawat ideas kay Dr. Collins. He patiently nodded his head.

"I need to accept this call."

Lumapit ako sa blue print na nakalatag doon at pinasadahan ng tingin. Umatras pa ako bago ko natapakan si Hercules.

Pucha naman.

Ay, ayan, napapagaya na ako kay Engr. Lausingco.

"Sorry." Sabi ko nalang.

"I was about to ask you this." Tinuro nya ang bandang kaliwa at sa harapan namin. "Is it okay to use some..."

Tumango lang ako ng tumango sa mga sinasabi nya. It really feel awkward, ugh! Bakit kasi ginawa ko yun??!

Dr. Collins prepare a lunch for us pati sa mga workers nya. Nagseshare din naman sya ng idea nya at tinatandaan ko yun.

"Doc, may naghahanap po sayo--"

Isang babae ang pumasok sa restaurant, nakangiti pero napawi noong makita kami. May dala syang mga paper bags.

"Ay sorry!" Aniya bigla bago tumalikod.

I heard Dr. Collins chuckled before he stood up.

"Berry,"

"Sorry talaga! Dadalhan lang kita ng baked sushi."

Kuminang yung mata ko bigla sa narinig.

"Come here, join us."

Umiling iling iyong babae pero nilapitan sya ni Dr. Collins.

"H-hindi na--"

Naputol ang sasabihin nya kasi marahan syang hinila ni Dr. Collins at pinaupo. The woman pouted and smiled at me eventually.

"Baka gusto nyo ng baked sushi?"

"Pwede?" Tanong ko.

"Oo naman. Marami to."

"Regine, one plate for Berry." Ani Dr. Collins sa babaeng nakatayo sa gilid.

"Sure ba na hindi ako nakakaistorbo?" Biglang tanong noong babae. "Kasi, I remember that you wanted some baked sushi kaya..."

"Kailan ka pa bumaba sa baguio?"

Matapos kong kumain, tinikman ko iyong baked sushi. I was craving for this, nakita ko kasi sa ig story ni River na kumakain sya nito. Nawala lang sa isip kong umorder kasi... muntik na akong mabilaukan nang pagharap ko sa gawi ni Hercules, nakataas pa ang kilay nya sa akin.

Never Be The SameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon