Zoe's POV
"Kailangan nasa may location na kayo one hour earlier. Maaga dapat kayo since kayo ang magcocover ng game."
"Yes, ma'am."
"Good. You may go."
Lumabas na kami ng photography club room. Kami kasi ni Ice ang napili para magcover nang gagawing basketball game this year. Intrams namin at nag-invite sila from other school ng iba pang players para kalabanin ang varisty team namin.
"Gusto mong mag-lunch muna tayo?" aya sa akin ni Ice.
"Sure."
Ang bilis ng panahon. Magpapasko na. Masyado talagang mabilis ang takbo ng oras kapag masaya ka.
Kami lang ni Ice ang magkasama ngayon kasi may kanya kanyang business ang mga kaibigan namin. Busy rin kasi kaming lahat dahil sa gaganapin na basketball game this month.
Ako at si Ice ang napili ng photohraphy club para kuhanan ng litrato ang laro. Si Ayu naman ang gagawa ng article tungkol dito. Si Sab, Xander at Yannie naman, nagprapractice na para sa cheer. Si Ken ang naatasan para ayusin ang event. At si Josh? Busy sa training kasi kasama sa varsity.
"Susunduin na lang kita sa inyo." Napatingin ako kay Ice at napatigil sa pagkain.
"Kailan?"
"Sa araw ng laro. Sabay na lang tayo." Tinanguan ko naman siya at nginitian.
Nagpatuloy na kami sa pagkain. Gutom ako kaya huwag lang siyang magulo. Napahinto ako sa pagkain nang marinig kong natatawa siya.
Hala. Napopossess na ata 'tong taong 'to. Pero in all fairness, ang ganda talaga ng tawa niya. Bihira kasing marinig kaya kapag narinig mo, maaamaze ka na lang. Ang sarap pakinggan. Parang hindi mo pagsasawaan.
Nabalik ako sa katinuan nang maramdaman ko 'yung thumb niya sa gilid ng lips ko.
"Dungis mo," tawa na naman niya.
Ayan na naman 'yang tunog na yan.
"Thanks," sabi ko na lang sa kanya at nagpatuloy na sa pagkain.
Napatingin ako sa kanya at ngayon, it's my time to laugh. Makapagpuna lang ng kadungisan ko akala mo siya wala.
Nang matawa ako ay tumingin siya sa akin ng nakakunot ang noo na para bang nagtataka sa kinikilos ko. Umiling lang ako. Kakain na sana ulit siya pero pinigilan ko.
"Teka." Pagpatigil ko at tinanggal yung kanin sa chin niya. "Ikaw rin madungis kumain." Napangiti naman siya.
"Pwede po bang mang-istorbo?" Napatingin kami ni Ice sa nagsalitang si Xander. Kasama niya si Yannie at Sab na binigyan kami ng mapanlokong ngiti at tingin.
Umupo na 'yung tatlo katabi namin. "Parang kayo na," sabi ni Yannie. Bigla namang nag-init yung mukha ko at biglang lumakas ang tibok ng puso ko.
"You're blushing, Zoe," tukso ni Sab at tumawa ng malakas. Kung totoo ngang nagbablush ako kanina, pakiramdam ko mas nagblush ako ngayon.
"Mas mapula ka na ngayon," tukso naman ni Xander sabay taas baba pa ng kilay. I knew it!
"Hey. Stop bullying her," saway ni Ice sa tatlo. "Hindi pa kami, okay? Kaya huwag niyo ngang pagtripan si Zoe."
Lalo namang nagtuksuhan yung tatlo kaya wala na lang akong nagawa kung hindi ang manahimik.
***
"Zoe! Nandyan na sundo mo," katok ni Ayu sa kwarto ko.
Ito na kasi. Ngayon na ang game.
"Ayan na kamo." Binilisan ko na ang kilos ko. Inayos ko na rin ang gamit ko saka lumabas ng kwarto. Inabutan kong nakaupo si Ice sa sala. Siya lang mag-isa dun kasi malamang, nag-aayos na rin 'yung tatlo.
BINABASA MO ANG
Teen Clash (Boys vs. Girls)
Teen FictionSa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fiction.)