Chapter 61: Skype

2M 43.4K 14.7K
                                    

Ken's Point of View


Inayos ko ang webcam at kumaway, "Hi Ayu."

Kumaway rin siya at nginitian ako, "Ken!"

"Miss na miss na kita. Tara na. Umuwi ka na dito." Pagpapacute ko sa kanya.

"Miss na rin kita kahit isang araw pa lang tayo hindi nagkikita," sagot niya at saka sumimangot. Huwag nga lang siyang gumanyan at baka hindi ako makatiis at mapunta ako ng di oras sa kanila. Gustong gusto ko na siyang hilahin palabas ng monitor ngayon. "Kamusta nga pala dyan?"

"Ayos naman. Noong umalis kayo kahit isang araw lang parang ang dami agad nagbago."

"Grabe naman. OA na niyan," tawa niya sa akin.

"Hindi naman. Medyo lang."

Biglang napatalikod si Ayu kaya napahinto kami sa pag-uusap. "Bakit?" tanong ko sa kanya. Curious lang. Hindi ko kasi syempre makita kung ano ang nangyayari.

Umusad si Ayu kaya nakita ko si Zoe na ibinagsak 'yung sarili niya sa kama.

"Pumasok si Zoe," sabi niya sa akin.

"Hi, Zoe!" bati ko sa kanya kasi paniguradong maririnig naman niya ako.

Napatayo naman siya at lumapit sa may webcam saka kumaway. "Hello. Ikaw pala yan, Ken! I miss you na," sabi niya at tumawa.

"I miss you, too. Uy, Ayu, 'wag kang magseselos, ha. Syempre alam mo naman na barkada tayo nila Zoe kaya natural lang na sabihan ko – "

"Hep! Grabe ka naman. Syempre hindi ako magseselos. Si Zoe naman 'yan... pero kung ibang babae 'yan... nako Kenneth Yu, magtago ka na sa pagtataguan mo."

"Sus. Ibang babae? Psh. Anong mapapala ko sa mga 'yun? Ayan ka naman. Walang panama lahat ng babae sa 'yo. Ikaw pa."

"Okay. Ang keso niyo na. Nakakaloka. Bahala nga kayo dyan. Maglambingan muna kayo," sabay hairflip ni Zoe at humiga ulit sa kama.

Nagkwentuhan kami ni Ayu sa Skype. Gustong gusto ko na talaga siyang ilabas sa monitor para katabi ko lang siya. Para naman akong tanga nito. Kakaalis lang nila kahapon pero miss na miss ko na siya ngayon.

Seryoso kaming nag-uusap nang napatingin ako sa likuran ni Ayu kaya nagsalubong 'yung kilay ko.

"Bakit ganyan itsura mo?"

"Nadidistract kasi ako dyan sa nasa likod mo," turo ko pa kay Zoe. "Nababaliw na ba 'yang kaibigan mo?"

Tumalikod siya para tingnan 'yung baliw niyang kaibigan. Panay gulong kasi niya sa kama tapos itataas niya 'yung phone niya at ibabagsak ulit. Tapos gugulong ulit, titingnan ang cellphone at ibabagsak. Paulit ulit lang.

"Bruha, hindi ka ba naturukan ngayon? Mukha kang baliw dyan. Ano bang problema mo?"

Mukhang nagulat si Zoe na pinansin siya ni Ayu. Umupo siya sa kama at ginulo ang buhok niya. "Baliw na ata talaga ako."

"Bakit ba kasi?" tanong ko pa pero hindi siya agad nakasagot kaya nagtanong ulit ako, "Nga pala, Zoe. Anong balita kay Ice?"

Bumalik siya sa kama at dumapa at nagpangalumbaba. "Malay ko du'n. Kayo magkakasama dyan, e," irap niya sa akin. Hala, ano bang ginawa ko at iniirapan ako nito?

"Hindi ka ba tinetext?" tanong ni Ayu.

"Hindi. Bwisit. Bahala nga siya sa buhay niya."

Nagkatinginan kami ni Ayu at napakunot ang noo niya. "Anong nangyari du'n? Teka nga. Bakit mo kinakamusta si Ice e kayo magkakasama dyan?"

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon